Thursday , November 14 2024

Alcala umastang sanggano ( Gumawa ng eksena sa programa ni Tunying )

092013_FRONT

NANGANGANIB mabawasan ng isang kalihim ang gabinete ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III dahil sa hindi kaaaya-ayang inasal sa isang pang-umagang programa sa telebisyon kahapon.

“Tandaan mo! Hawak ko ang bayag ko mula umaga hanggang gabi!”

Malakas at paulit-ulit umanong sinabi ni Agriculture Secretary Prospero Alcala ang mga katagang ito sa aktibistang abogado na si RG Guevarra kahapon habang nagkakamayan ang dalawa sa set ng Punto por Punto ni Anthony Taberna sa programang Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN.

Nangyari ang insidente matapos ang debate ni Alcala at Guevarra hinggil sa panawagan ng huli na magbitiw na ang kalihim dahil sa kabiguan na solusyonan ang kakulangan ng bigas sa mga pamilihan at pigilan ang pagtaas ng presyo mula pa noong kalagitnaan ng Hunyo.

Nauna pang nag-abot ng kamay ang abogadong nagtapos sa UP College of Law sa kalihim pagkatapos ng nabanggit na segment ng Umagang Kay Ganda. Ngunit para sa mga nakakita ng mga kaganapan, higit pa sa pagtatalo ang nangyari doon.

Ayon sa isang saksi na tumangging magpakilala, mainit umano ang sagutan ng dalawa kahit alam nilang live ang debate. “Habang naka-gap kami, bigla na lang namin narinig si Secretary. Nakatitig na parang galit habang kinakamayan siya ni Attorney Guevarra. Nagtinginan nga ang audience sa set nila. Pati sina Mam Jing (Castañeda), si Sir Kim (Atienza) at si Mam Bianca (Gonzales). Akala ko talaga magkakagulo. Buti na lang mabilis ‘yung isang bouncer dito, inilabas agad si Attorney. Pasugod na kasi sa kanila ‘yung mga kasama ni Secretary,” aniya.

Ayon kay Guevarra, “hindi ko naman kasi pinansin ang mga sinabi niya sa akin noong una. Sanay naman kasi tayo sa mainitang pagtatalo sa isyu. I intended to stay kasi gusto kong kausapin pa sandali si Tunying (Anthony Taberna), nang bigla na lang narinig kong inulit niya ng malakas ‘yung sinabi n’ya. Tuloy-tuloy, paulit-ulit. At nakita kong papalapit na ang bodyguards niya. May isang malaking mama doon, inescort ako palabas ng studio.”

“Kung gusto n’yo, go there tomorrow and ask around. To confirm this,” hamon niya sa reporters “you can go after everybody who was there on the set. The audience, reporters, the program’s workers. Jing Castañeda, am sure caught the commotion and can attest to this. Kim was there also, and Bianca (Pumunta kayo doon bukas at magtanong-tanong. Bilang Patunay, tanungin ninyo ang lahat na nandoon sa set kahapon. Ang mga manonood, ang mga empleyado ng programa. Si Jing Castañeda, sigurado akong nakita niya ang eksena at makapagpapatunay nito. Nandoon din si Kim at si Bianca).”

“Nabigla ako, hindi ko inaasahan ‘yun. Opisyal s’ya e, alter ego ng Pangulo.  Maraming opisyal na ang nakaharap ko sa ganitong debate, pero hindi naman ganito ang asta na very unstatesmanlike at parang sanggano,” paglalahad ni Guevarra.

Hindi naman daw siya natakot o nanliit sa mga ginawa ng Kalihim ng Department of Agriculture.

“On hindsight, Cabinet ito. Baka me command sa mas malalakas na puwersa. Kung may kargada e astang bubunot ng baril,” dagdag niya.

“But if we allow ourselves, who keep close watch on governance, to be adversely affected by these cheap attempts at intimidation, we, in an instant, bridge our distinction from those who passively allow the unhampered raiding of our public coffers, from those who perform active parts in it, from those who directly benefit from it (Tayong mga nagmamatyag sa pangangasiwa ng pamahalaan, kung papayagan natin at magpapaapekto tayo sa mga ganito kababang-uri ng intimidasyon, ay para na rin nating inihanay ang ating mga sarili sa mga aktibong sangkot sa katiwalian, sa mga nabibiyayaan nito at sa mga walang pakialam kahit pa walang-habas nilang nilalapastangan ang kabang-yaman ng bayan),” mariing susog ni Atty. Guevarra.

Pumutok ang isyu sa kalagayan ng bigas sa bansa nang ibunyag ni Guevarra ang anomalya sa importasyon ng bigas ng National Food Authority (NFA) at ng Department of Agriculture (DA) noong Abril na halos P400 milyon umano ang naibulsa ng mga opisyal ng nabanggit na ahensya.

Noong Lunes ng nagdaang linggo, sinabi ni Guevarra sa isang panayam matapos ang pagdinig ng Senate Committee on Agriculture “hindi naman siguro tamang patuloy ang pagsisinungaling nila sa publiko na sapat ang suplay ng bigas at on target ang ani ng palay para maaabot ng bansa ang rice self-sufficiency ngayong taon samantala umangkat sila ng halos 200,000 metriko toneladang bigas noong Abril, inirarasyon ng NFA ang bigas at hindi maawat ang pagmahal nito.”

Sa survey na ginawa habang ipinapalabas sa telebisyon ang debateng nabanggit, 55 porsyento ng mga nakilahok ay nagsabing dapat nang magbitiw sa tungkulin si Alcala bilang kalihim ng pagsasaka sa gitna ng mga alegasyon ng katiwalian, sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng bigas at sa kabiguan na abutin ang sariling target sa ani ng palay upang maabot ng bansa ang kasapatan sa bigas ngayong taon.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *