MARAMI raw nag-iiyakan na CONTRACTORS ngayon sa Caloocan City.
Lalo na ‘yung mayroong mga naiwang singilin sa administrasyon ng dating mayor.
Ang mga nagnanais naman makakuha ng kontrata sa city hall ay kinakailangan maghatag ng 30 porsiyento sa halaga ng proyekto bilang goodwill para makakuha ng kontrata.
Tsk tsk tsk …
‘E paano nga ‘yung meron mga singilin? Kailan pa sila makasisingil?! ‘Yun mga identified na malapit sa dating alkalde ay mas lalong iniipit ang kanilang collectibles sa city hall.
Ano nga ba ang problema Mayor Oca Malapitan?
Masyado raw mabagal ang ‘USAD’ ng papeles ngayon. Siguro ‘e laging busy si Yorme…kaya hindi makapirma ng tseke?
Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan ni YORME “natural 9” ngayon?
By the way, totoo bang mahina raw ang pandinig ninyo Yorme?!
Humihina rin ba ‘yan kapag ‘PERA’ ang pinag-uusapan?
Just asking lang po.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com