ANG LUPIT mo talaga Secretary Ricky Carandang.
Ngayon ka pa nag-aastang ‘ABOGADO’ ni Pangulong Noynoy kung kailan naglabasan na ang mga retratong magkasama sila ni Janet Lim Napoles at anak na si Jeane.
Ginawa n’yo pang parang loro si PNoy nang sabihin na hindi niya kilala si Napoles at wala umano siyang natatandaan na nagkita sila sa isang okasyon.
‘E NABOKYA … naglabasan pa ‘yung ibang photo ni PNoy at Napoles …at para hindi na sila mapahiya, ay mismong palasyo na ang nagpalabas ng retrato.
Tsk tsk tsk … nakahihiya talaga kayong mga taga-Palasyo.
Ang laki ng mga sweldo ninyo d’yan, pero hindi ninyo magawang proteksiyonan ang imahe ng Pangulo?!
Aba magpakita naman kayo ng galing!
Nagiging aboga-abogadohan lang kayo kapag nabobokya ang Pangulo ‘e.
MAGTRABAHO kayo nang maayos oy!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com