Aries (April 18-May 13) Maaaring naisin mong gumawa ng kakaibang bagay ngayon.
Taurus (May 13-June 21) Simulan ang iyong araw sa pagsusulat sa journal. Ito ay paraan ng pakikipagkomunikasyon at pakikipagkonekta sa iyong inner being.
Gemini (June 21-July 20) Maaaring mahirapan kang mag-patuloy sa iyong gawain at hindi masunod ang mga direksyon.
Cancer (July 20-Aug. 10) Ikaw ay masaya at magiging mapagbigay ngayon. Marami kang matutulungan.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Magsumikap sa pagkonekta sa isang tao na iyong nami-miss ngayon.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Ngayon ay posibleng tumindi ang tensyon bunsod ng paghusga ng iba sa iyong kakayahan.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Tugunan ang gutom mong kaisipan. Mag-aral ng mga bagay na iyong kinahihiligan.
Scorpio (Nov. 23-29) Higit kang makikipag-sosyalan ngayon. Makatutulong ito sa iyong trabaho.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Huwag magtaka kung muling bumagal ang takbo ng mga bagay ngayon. Maging kalmado ka lamang at magiging normal din ito.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Ipakikita mo ngayon ang iyong malasakit sa mga mahal sa buhay. Labis nila itong ipagpapasalamat.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Ang paki-kipagkwentuhan sa mga mahal sa buhay ay higit mong kagigiliwan ngayon.
Pisces (March 11-April 18) Asahan ang iyong pagiging higit na energetic ngayon. Kaya mong tapusin ang lahat ng gawain.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) E-enjoy ang company ng mga kasama hangga’t maaari. Ito ang susi sa tagumpay sa inyong proyekto.
Lady Dee