Aries (April 18-May 13) Huwag susuko bagama’t ilang beses ka nang nabigo.
Taurus (May 13-June 21) Ikonsidera ang pakikipag-usap sa kaibigan ngayon. Huwag hayaang mangibabaw ang pride sa iyong paghingi ng tulong.
Gemini (June 21-July 20) Harapin mo ang iyong pagkabigo. Walang sino mang exempted sa dis-appointment.
Cancer (July 20-Aug. 10) Harapin ang katotohanan bagama’t makasasakit ito sa iyong damdamin.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Nababagot ka na ba sa iyong ginagawa? Maaaring kailangan nito ng pagbabago.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Pagtuunan ng pansin ang pisikal na kalusugan ngayon. Kung pagod na ay huwag pipiliting kumilos ang sarili.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Magkakaroon ka ng interes sa isang ordinaryong bagay.
Scorpio (Nov. 23-29) Mainam ang araw ngayon sa pagtatakda ng iyong nais na matupad.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Sikaping maging available ang sarili sa nangangailangang kaibigan.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Huwag aabusuhin ang katawan. Magpahinga kung napapagod.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Maaaring makagaan ang paki-ramdam ang musika makaraan ang stressful na maghapon.
Pisces (March 11-April 18) Kung naging mabagal ka sa pagkilos ngayon, maaaring mapasigla ka sa upbeat music. Buksan ang paboritong radio station.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Kung nababagot sa gawaing bahay, sumayaw sa saliw ng musika habang nagtatrabaho. Tiyak na mag-e-enjoy ka.
Lady Dee