INIHAYAG ni Transportation and Communication Sec. Joseph Emilio Abaya na gobyerno ang nagbabayad ng buwis ng Metro Rail Transit Corporation (MRT Corp).
Sa DoTC budget hearing, sinabi ni Abaya na umaabot ng P2.1 billion ang inire-reimburse ng gobyerno sa MRTC kada taon para sa duties, taxes at licenses.
Hiwalay pa aniya ito sa P5.5 billion na ibinabayad ng gobyerno sa MRTC para sa build lease transfer payment.
Kaya kung pagsasamahin ay aabot ng P7.8 billion ang ginagastos ng gobyerno para sa MRT operation. (HNT)