NASUNGKIT ng baguhang manlalangoy na sina Jean Richeane Dela Cruz at Rhiana Kaydee Nialla ang tatlong gintong medalya sa kani-kanilang age class habang kumana si Aldrin Alinea nang dalawang panalo para angkinin ang Most Outstanding Swimmer (MOA) awards sa 2024 Speedo Novice at Sprint Meet nitong Sabado sa Teofilo Yldefonso Swimming pool sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex …
Read More »Elite collegiate team sa V-League Collegiate Challenge magsasagupaan
AAKITIN ng 2024 V-League Collegiate Challenge ang mahihilig sa volleyball sa isang linggong pagpapakita ng athleticism at diskarte bilang pinakamahusay at pinakamaabilidad na paghahanda para sa labanan simula sa darating na Linggo, 28 Hulyo sa Paco Arena sa Maynila. Ang pangunahing kaganapan, inorganisa ng Sports Vision Management Group, ay magpapakita ng mga nangungunang collegiate team sa parehong men’s at women’s …
Read More »Quizon naghari sa PCAP chess tournament
PINATIBAY ni Grandmaster elect at International Master Daniel Maravilla Quizon ang kanyang posisyon bilang isa sa mga nangungunang chess player ng Filipinas nang pamunuan niya ang Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) Tour of Champions Grandfinals sa Greenhills Mall sa San Juan City nitong Linggo. Nadaig ng Dasmariñas City, Cavite top player si FIDE Master Ellan Asuela sa blitz …
Read More »Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney
INIHAYAG ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) sa pakikipagtulungan ng Speedo Philippines ang pagdaraos ng 2024 Speedo Swim Smart Novice and Sprint Meet sa Hulyo 20-21 sa Teofilo Yldefonso Swimming Center sa loob ng pamosong Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Maynila. Tinatawagan ni PAI Secretary-General Batangas 1st District Congressman Eric Buhain ang lahat ng swimming club na ilahok ang …
Read More »NU Kampeon sa SSL National Invitationals
IGINAWAD nina Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fritz Gaston at Vicente Gregorio President/CEO ng Shakey’s Pizza Asia Ventures Inc., ang eleganteng tropeo sa koponan ng National University (NU) Lady Bulldogs, itinanghal na kampeon nang gapiin ang Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws sa score na (25-21, 23-25, 20-25, 25-19, 15-10) sa best-of-three championship series, 2-0 sa Shakey’s Super League National …
Read More »Shakey’s Super League National Invitational inilunsad
INIHAYAG ni Vicente L. Gregorio, Shakey’s Pizza Asia Ventures Inc. (SPAVI) President/CEO (may mikropono) ang gaganaping 2024 Shakey’s Super League National Invitationals sa isinagawang pulong balitaan sa Shakey’s Malate, Maynila. Kasama sa pulong sina (mula sa kaliwa) Patricia Hizon ng 12 Beyond Media Co.; Dr. Philip Juico, Athletics Events and Sports Management Inc. (ACES) Chairman; Jorge Concepcion, SPAVI COO; at …
Read More »Cervero naghari sa Marikina chess tournament
Marikina City — Naghari si Tristan Jared Cervero, isa sa mga nangungunang manlalaro ng Ateneo de Manila University chess team sa Barangka Chess Club tournament na ginanap nitong nakaraang Sabado, 6 Hulyo 2024, sa Barangka, Marikina City. Nasungkit ni Cervero ang titulo ng face to face tournament tilt na inorganisa nina Restie Roxas at Isagani De Ramos ng Barangka Chess …
Read More »ADMU chess team program Head Jan Emmanuel Garcia nanatili sa tuktok ng liderato
Standing After Round 3: (Group B)3.0 points — Jan Emmanuel Garcia, Wang Sing, Cai Jiu Bing2.5 points — Willy Cu, Tony Lim2.0 points — Rodel Jose Juadinez, Chen Ciao Fung, Liu Ze Hung, Shi Jing Yu, Wu Wei Xin, Wu Peng Fei1.5 points — Isaiah Gelua, Darwin Padrigone Standing After Round 2: (Group A)2.0 points — Asi Ching1.5 points — …
Read More »Blue Wahoos kampeon sa SLP swimfest
Tinanghal na overall champion ang Cavite Blue Wahoos Swimming Club sa katatapos na Swim Battle 1st Leg na inorganisa ng Swim League Philippines (SLP) sa Muntinlupa Aquatics Center sa Tunasan, Muntinlupa City. Nakamit ng Cavite tankers sa pangangasiwa si coach ni Hans Rafael Sumalde, ang kabuuang 650 puntos para angkinin ang titulo sa torneo na nagsisilbing 6th anniversary celebration ng …
Read More »Garcia, Somera, Hampac pasiklab sa ROTC Games
ZAMBOANGA CITY – Kumalawit ng dalawang ginto sa athletics event si Alec Rowen Garcia habang nakalima na si tanker Jellie Somera sa nagaganap na 2nd Philippine Reserve Officers Training Course (ROTC) Games 2024-Mindanao Qualifying Leg kahapon sa Joaquin Enriquez Memorial Sports Complex dito. Nahablot ni 21-year-old, 3rd year BS Criminology sa Northern Mindanao Colleges Incorporated ang pang limang gintong medalyang …
Read More »
Sa Internasyonal at sa Filipinas
750 PLUS SWIMMERS HUMATAW SA THE SWIM BATTLE – 6th ANNIV SWIM MEET (1st of 3)
MATAGUMPAY ang isinagawang The SWIM BATTLE – 6th Anniversary Swim Meet (1st of 3) ng Swim League Philippines na pinangunahan ni SLP President Fred Galang Ancheta at SLP Executive Director Philbert Papa. Ginanap ang naturang kompetisyon sa Muntinlupa Aquatic Center, nitong Sabado, 22 Hunyo 2024. Mahigit 750 swimmers mula sa 70 swim teams at 1,657 entries mula sa iba’t ibang …
Read More »Bernil nagpakitang gilas sa Jalosjos chess tournament
Dapitan City, Zamboanga del Norte — Muling nagdala ng karangalan si Noel “Nonoy” Bernil, Jr., sa Tanjay, Negros Oriental matapos makisalo sa unahang puwesto sa boys’ Under-12 division ng Mayor Seth Frederick “Bullet” P. Jalosjos National Age Group Chess Championships Grand Finals na ginanap sa Dapitan City Sports Complex, Zamboanga del Norte kahapon, 23 Hunyo 2024. Tinalo ng 12-anyos na …
Read More »Ajido, Mojdeh brothers nanguna sa MOS awardee ng PAI National Championships
PINANGUNAHAN nina Asian junior record holder Jamesray Mishael Ajido at magkapatid na Mohammad at Jasper Mojdeh ang talaan ng mga itinanghal na Most Outstanding Swimmer (MOS) awardee ng 1st Philippine Aquatics, Inc (PAI) National Age Group Championships nitong Linggo sa Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Maynila. Si Ajido, 15 anyos, …
Read More »2nd Gov. Henry S. Oaminal chessfest sumusulong na
Clarin, Misamis Occidental — Susubukan muli ng mga nangungunang manlalaro ng chess ng bansa ang kagalingan ng bawat isa sa pamamagitan ng 2nd Gov. Henry S. Oaminal Open Chess Tournament na itinakda sa 9-10 Hulyo 2024 sa AYA Hotel and Residences, Clarin, Misamis Occidental. Hindi bababa sa P355,000 cash prize ang ibibigay sa mga mananalo sa FIDE rapid rated competition …
Read More »PAI National Age-Group Championships sisimulan sa pagpupugay kay Rivera
NAKATAKDANG lumarga ngayong araw, Biyernes, 21 Hunyo, ang Philippine Aquatics, Inc. (PAI) 1st National Age Group Championships (PANAGOC) sa Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa loob ng pamosong Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila. Ang tatlong araw na torneo na magsisimula ngayong araw (Biyernes) ay tatampukan ng mga premyadong junior swimmers ng bansa kabilang sina Asian junior gold medalist at …
Read More »Vinny Marcos nanguna sa ceremonial launch ng 2025 FIVB men’s worlds
IPINAKITA ng anak ng Pangulo na si William Vincent “Vinny” Araneta Marcos ang pagmamalaki at kompiyansa habang pinangunahan ang ceremonial launching ng first-time at solo hosting ng bansa na FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025 noong Martes ng gabi sa SM Mall of Asia Arena. “Kami ay ipinagmamalaki at kompiyansa sa pagho-host ng FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025,” sabi …
Read More »Brazil nanaig vs Netherlands sa VNL Week 3
PASAY CITY – Bumangon ang Brazil mula sa first-set loss para talunin ang Netherlands sa pagsisimula ng Volleyball Nations League (VNL) Men’s Week 3 sa SM Mall of Asia (MOA) Arena noong Martes ng gabi. Gumawa si Darlan Ferreira Souza, may 20 attacks, tatlong blocks, at tatlong service aces para pangunahan ang Brazilians sa panalo, 24-26, 25-23, 31-29, 25-20. Nag-ambag …
Read More »Team Seirin dinala ni Cu sa tagumpay
Lipa City, Batangas — Nanguna ang Team Seirin sa open division ng JCI Senate Lipa Open Rapid chess team tournament sa Lipa City Convention Center noong Lunes, 17 Hunyo 2024, dito. Ang pinakabagong FIDE Master ng bansa na si Ivan Travis Cu ang nag-angkla sa kampanya ng Team Seirin kasama sina Tyrhone James Tabernilla at Zeus Alexis Paglinawan. Nagsilbing coach …
Read More »
Hikayat ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI):
HOMEGROWN SWIMMERS, PINOYS ABROAD MAGPATALA, LUMAHOK SA NATIONAL TRIALS
HINIKAYAT ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang lahat ng mga homegrown swimmers at Filipino na nakabase sa ibang bansa na magparehistro at maghanda para lumahok sa National Trials para sa 50-meter at 25-meter swimming championship na nakatakda sa Agosto 15-18 at Agosto 19-21, ayon sa pagkakasunod, sa Teofilo Ildefonso swimming pool sa Malate, Manila. Sinabi ni PAI Secretary-General Batangas 1st …
Read More »2024 Philracom 2nd leg Triple Crown Stakes sa Father’s Day
MANILA — Inihayag kahapon ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ang 2nd Leg Triple Crown Stakes Race, na nakatakda sa Linggo, 16 Hunyo 2024, sa Metro Manila Turf Club, Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas. Ang prestihiyosong kaganapang ito ay nangangako ng adrenaline-pumping experience sa loob ng isang distansiyang 1,800 metro sa pamamagitan ng siyam na piling kabayong maglalaban-laban para sa kabuuang …
Read More »
FIDE World Junior Chess Championships
QUIZON NAKISALO SA IKA-2 PUWESTO
Individual Standing After Round 10: 8.0 points — GM Mamikon Gharibyan (Armenia) 7.5 points — IM Kazybek Nogerbek (Kazakhstan), GM Emin Ohanyan (Kazakhstan), IM Daniel Maravilla Quizon (Philippines), GM Luka Budisavljevic (Serbia) MANILA — Nauwi sa tabla ang laban ni Grandmaster (GM) elect at International Master (IM) Daniel Maravilla Quizon kontra kay International Master (IM) Kazybek Nogerbek ng Kazakhstan sa …
Read More »Elma Muros-Posadas pinuna ang ‘bata-bata’ system sa PATAFA
HINILING ni athletics icon Elma Muros-Posadas sa pamunuan ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) at sa kasalukuyang coaching staff na bigyan halaga ang homegrown athletes at huwag sayangin ang talento ng mga batang produkto ng mga tunay na grassroots sports program sa bansa. Ayon kay Murios-Posadas, two-time Olympian at tinaguriang ‘Iron Lady’ ng Southeast Asian Games tangan ang …
Read More »Langoy Pilipinas, arangkada sa MSC sa Hunyo 16
Kasado na ang “Langoy Pilipinas’ Age-Group Swimming Championship sa Hunyo 16 sa Marikina Sports Complex sa Marikina City. Inorganisa ng GoldenEast Ads Promo and Events na pinamumunuan ni coach Darren Evangelista, kabuang 450 atleta mula sa 34-swimming club ang sasabak sa kompetisyon na naglalayong palakasin ang grassroots program sa bansa. Para sa Kabataang (babae at lalaki) na may edad 17-pababa …
Read More »Mga atletang kadete ng Philippine Army una sa Visayas Leg ng ROTC Games 2024
NANGUNA ang mga atletang kadete mula sa Philippine Army sa Visayas qualifying leg ng Philippine Reserve Officers Training Corps (ROTC) Games 2024, na ginanap sa lungsod ng Bacolod, kamakailan. Nakapag-ipon ang mga kadete ng Philippine Army ng kabuuang 204 medalya, binubuo ng 74 ginto, 60 pilak, at 70 tanso. Inilabas din ng mga atletang kadete ng Philippine Navy ang kanilang …
Read More »Jirah Floravie Cutiyog nagreyna sa 2024 National Age Group Chess Championships U-16 Girls Elimination FIDE Standard tilt
Dumaguete City — Nagkampeon si Jirah Floravie Cutiyog sa 2024 National Age Group Chess Championships U-16 Girls Elimination FIDE Standard tournament sa Oriental Convention Center sa Dumaguete City noong Martes, 4 Hunyo 2024. Tinalo ng 15-anyos prodigy si Kristel Love Nietes sa 58 moves ng Scandinavian Defense para masungkit ang korona na may 7.5 points sa weeklong event, punong abala …
Read More »