Friday , December 5 2025

Chess

GM Balinas

CHECKMATE ni Marlon Bernardino

CHECKMATEni NM Marlon Bernardino LONG OVERDUE o panahon na para igawad ang parangal na Hall of Famer kay the late Grandmaster Atty. Rosendo Carreon Balinas, Jr. Ipinanganak noong 10 Setyembre 1941 at sumakabilang buhay noong 24 Setyembre 1998, si Balinas ay pangalawang Grandmaster ng Filipinas. Nagawaran siya ng FIDE (World Chess Federation) ng International Master title noong 1975 habang nakopo …

Read More »

PH bet Dandel Fernandez 2nd place sa UAE chess tourney

Dandel Fernandez Chess

ni Marlon Bernardino Final Standings: 6.5 points — FM Ammar Sedrani (UAE); 6.0 points — AGM Dandel Fernandez (PHI); 5.0 points —Ali Rashid Ali (UAE); Al-Kaabi Abdulla (UAE); 4.5 points — Walid Isam Ahmed (SUD); 4.0 points —Mosallam Mohammad (UAE); Ahmad Ali AL Mansoori (UAE); Khayyal Ayman (EGY), Saeed Ali Alkaabi (UAE); 3.5 points — Hani Daoud Hejazi (UAE), Omar …

Read More »

Inigo mapapalaban sa MP Chess Meet

Michael Jan Stephen Rosalem Inigo Chess

SASABAK nang husto si Michael Jan Stephen Rosalem Inigo sa pagtulak ng Sen. Manny Pacquiao Tuna Festival Chess Team Tournament sa 2-4 Setyembre 2022 na gaganapin sa Robinsons Place sa General Santos City. Makakasama ni Inigo, tubong Bayawan City at nakabase sa Dumaguete City, Negros Oriental para sa koponan ng Balinas chess squad ay sina 13-time Philippine Open Champion Grandmaster …

Read More »

Elorta naghari sa Kamatyas

David Elorta Joey Antonio John Paul Gomez Byron Villar Chess

MANILA — Nakalikom si National Master David Elorta ng  1.5 points sa last two round para tanghaling overall champion sa katatapos na Kamatyas Fide Rated Invitational Rapid Tournament 4th Edition na ginanap sa SM Sucat Building B sa Parañaque City nitong Sabado, 20 Agosto 2022. Si Elorta, tambay ng Tarrash Knight Chess Club sa Guadalupe Mall sa Makati City ay …

Read More »

Kamatyas

CHECKMATE ni Marlon Bernardino

CHECKMATEni NM Marlon Bernardino SA LARONG CHESS, ang salitang matyas ang ibig sabihin ay checkmate. Habang ang kamatyas ay pinatutungkulan ang mga ka-chessmate. Ang number 1 chess blogger ng Filipinas na si International Master Roderick Nava ay ika-apat na edition na inoorganisa ang Kamatyas Fide Rated Invitational Tournament na laging punong abala ang SM Sucat Building B sa Parañaque City. …

Read More »

Titulo idedepensa ni Quizon sa Kamatyas chess rapid tiff

Daniel Maravilla Quizon Chess

MANILA — Nakatakdang idepensa ni International Master Daniel Quizon ang tangan na titulo sa pagtulak ng Kamatyas Fide Rated Invitational Rapid Tournament 4th  Edition sa SM Sucat Building B sa Parañaque City sa darating na Sabado, 20 Agosto 2022. Kalahok sina Grandmaster Darwin Laylo at International Master Ronald Dableo, kung saan masisilayan sina International Masters Michael Concio, Jr., Chito Garma, …

Read More »

Antipolo City, Rizal team lalahok sa Sen. Manny Pacquiao Tuna Festival chess meet

Christopher Castellano Elizsa Gayle Cafirma

MANILA — Nagbigay ng kahandaan ang Antipolo City, Rizal team players na lalahok sa Sen. Manny Pacquiao Tuna Festival meet Tatluhan Chess Team Tournament sa General Santos City mula 2-4 Seteymbre 2022, ito ay matapos isiwalat ni Antipolo City, Rizal Playing Team Manager Coach/Pastor Jason Rojo. Ang iba pang kalahok ay sina Fide Master Christopher Castellano, Candidate Master Genghis Katipunan …

Read More »

Prince Maverick naghari sa GM Balinas Training Center 1st Anniversary

Chess

NAGPAKITANG GILAS ang 19-anyos na si Prince Maverick Cornelio ng Poblacion, Pamplona matapos makaipon ng 13.5 puntos para maiuwi ang P3,000 first prize sa GM Balinas Training Center 1st Anniversary. Dalawa pang Poblacion players na sina Fitz Cornelio (elder sister ni Prince Maverick) at Jessie Dalleda ang kumuha ng tig-P2,000 at P1,000 ayon sa pagkakasunod. Magkasalo sina Erickson Ib-Ib, Dale …

Read More »

NM Bernardino nagkampeon sa 1st  Ever Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament

Marlon Bernardino Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament

MARIKINA CITY—Tumapos si last-minute entry National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. sa 11-Round tournament, 12 player’s single round robin, 10 minutes plus 5 seconds increment time control format na malinis ang kartada para makopo ang titulo at tanghaling kampeon sa First Ever Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament na ginanap sa Avocadoria Rainbow, Marikina City nitong Biyernes, Hulyo 29, …

Read More »

Laguna Heroes panalo sa kanilang  huling  elimination match sa 2022 PCAP tourney

Laguna Heroes PCAP Chess

NAIPANALO ng Laguna Heroes ang kanilang last elimination match kontra sa Quezon City Simba’s Tribe, 12-9 para pumuwesto na  pang-apat  sa  2022 Professional Chess Association of the Philippines (PCAP)  Northern Division virtually na lumarga sa Chess.com Platform nung Miyerkules ng gabi. Sariwa pa sa back-to-back na panalo nung Sabado ng gabi sa Isabela, 19-2, at Rizal, 12-9,   ay naipagpatuloy nila …

Read More »

Zoe Ramos susulong  sa Nat’l Age Group Chess Championships Grandfinals

Zoe Ramos Chess

MANILA–Patungo si   Zoe Ramos sa Bulacan na umaasa na mas lalong mapaganda ang kanyang national ranking bukod sa muling pagbibigay ng karangalan sa bansa. Kasama ang kanyang coach  na si Jose Fernando Camaya ay makikipagtunggali  si Ramos sa National Age Group Chess Championships Grandfinals na tutulak mula Hulyo 19 hanggang 24, 2022 na gaganapin sa Robinsons Mall sa Malolos City, …

Read More »

Laguna Heroes muling nanalasa sa PCAP online chess tournament

Laguna Heroes PCAP Chess

MANILA–Nagpatuloy ang pananalasa ng Laguna Heroes sa pagtala ng magkasunod na panalo sa 2022 Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) online chess tournament virtually na ginanap sa Chess.com Platform nung Sabado ng gabi. Umakyat ang inaugural champion sa number 3 spot sa Northern Division standings na may 20-13 win-loss slate matapos ang 19-2 victory sa Isabela at 12-9 pag-ungos …

Read More »

Manila dinurog ng Laguna sa PCAP chess

Angelo Abundo Young PCAP Chess

MANILA–Pinangunahan nina Grandmaster Rogelio “Banjo” Barcenilla,  Woman International Master Ummi Fisabilillah at International Master Angelo Abundo Young ang Laguna Heroes tungo sa 15-6 panalo laban  sa Manila Indios Bravos chess team na binanderahan ni GM Guillermo Colman Vasquez sa pagpapatuloy ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) tournament   virtually na ginanap sa Chess.com Platform nung Miyerkoles. Si Barcenilla, na …

Read More »

Inigo hari sa under-16 category tournament sa Tanjay City

Michael Jan Stephen Bonbon Inigo 2022 Tanjay City Fiesta Chess

MANILA–Pinagharian ni  Michael Jan Stephen “Bonbon” Rosalem Inigo ang katatapos na 2022 Tanjay City Fiesta Chess Tournament under-16 category tournament na ginanap sa Osmena Park, Tanjay City, Negros Oriental nitong Hulyo 10, 2022. Si Inigo, 14,  Bayawan City Science and Technology Education Center (BCSTEC) Grade 8 student ay tumapos ng perfect 7.0 points, angat kina Lennox Samson at Lance Nathaniel …

Read More »

GM candidate Dableo lalahok  sa WFM Lomibao-Beltran Rapid Open chess tournament

Ronald Titong Dableo Sheerie Joy Lomibao-Beltran

NAKATUTOK ang chess aficionados   kay Grandmaster candidate at International Master Ronald Titong Dableo sa pagtulak ng Woman Fide Master Sheerie Joy Lomibao-Beltran Rapid Open Chess Championship sa  Hulyo 10, 2022, Linggo,  na gaganapin  sa  Rockwell Business Center sa Mandaluyong City. Si Dableo na dating Asian Zonal Champion ay tatangkain ang kanyang unang  major title sa taong ito. Magsisilbing hamon kay  …

Read More »

Arquero naghari sa Marikina Chess Tourney

Kevin Arquero

PINAGHARIAN ni Kevin Arquero ng Pasay City ang katatapos na Chess for Christ Rapid Chess Tournament Biyernes, Hulyo 1, 2022 na ginanap  sa Marikina City. Si Arquero, isa sa top players ng Philippine Army chess team ay nakakolekta ng total  6.0 points matapos talunin ang dating solo leader Christian Mark Daluz ng Bulan, Sorsogon sa seventh at final round. Nakagtipon …

Read More »

Cu kampeon sa Under-13 Open Nat’l Youth & Schools Chess Championship semi-finals

Ivan Travis Cu Chess

MULING pinatunayan ni National Master Ivan Travis Cu ng San Juan City ang kanyang husay sa ibabaw ng 64 square board matapos makakolekta ng perfect 7.0 points para magkampeon sa semifinals ng Under 13 Open National Youth & Schools Chess Championship na ginanap nitong Huwebes at Biyernes, Hunyo 30 at Hulyo 1, 2022. Ang 7 rounds Swiss tournament ay ginanap …

Read More »

Llavanes, Mayor magtatangka sa top honor sa Bicol Online Grandprix Chess Tournament

chess

MANILA–Magtatangka sina National Master Ronald Llavanes at Dr. Jenny Mayor kasama sina Jeffrey Vegas, Jesurie Calabia, Noel Leron at National Master Carlo Lorena para sa top honors sa pagtulak ng Grandfinals ng 2021-2022 Bicol Online Grandprix Chess Tournament sa Hunyo 30 hanggang Hulyo 1 virtually na gaganapin sa Lichess Platform. “It’s going to be exciting, that’s for sure,” sabi ni …

Read More »

Canelo-Bivol rematch mangyayari sa 175 pounds

Canelo Alvarez Dmitry Bivol

KINOMPIRMA ni Canelo Alvarez na kung matutuloy ang rematch nila ni Dmitry Bivol,  mangyayari ang laban sa timbang na 175 pounds dahil ayaw niyang gumawa ng anumang alibi  kung ano man ang kalalabasan ng laban. Nang unang una silang naglaban sa nasabing timbang na dinomina siya ng kampeon ay walang palusot si Alvarez kung bakit siya natalo via unanimous decision.  …

Read More »

Tacloban, Pagadian tigbak sa  Laguna  sa PCAP online chess tourney

PCAP Chess

MANILA—Nagpatuloy ang pananalasa ng Laguna Heroes sa 2022 Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) online chess tournament virtually na ginanap sa Chess.com Platform nitong Sabado, Hunyo 25, 2022. Giniba ng Laguna ang Tacloban, 15.5-5.5, at Pagadian, 18-3, tungo sa 14-7 karta. “Team effort pulled us through these two matches,” sabi ni Arena Grandmaster Dr. Fred Paez ng Jolly Smile …

Read More »

UMak kampeon sa ched sports friendship games

UMak Chess Team

TINANGHAL na overall champion ang  University of Makati (UMAK) Herons varsity chess team  sa katatapos na national chess tournament ng Commission on Higher Education (CHED) Sports Friendship Games 2022 Team na ginanap nitong Hunyo 23 hanggang 25 sa Quezon Memorial CIrcle sa Quezon City. Pinangunahan ni team captain Japeth Jay Tandoc, ang UMAK Herons team ay giniba ang matindi nilang …

Read More »

Filipino IM  Dimakiling nananalasa sa Grand Copthorne Prof. Lim Kok Ann Inv’l GM Tournament  sa Singapore

Chess Professor Lim Kok Ann Invitational

NAGPATULOY ang pananalasa ni Filipino International Master Oliver Dimakiling sa Grand Copthorne Professor Lim Kok Ann Invitational GM Tournament 2022 na ginaganap sa Grand Copthorne Waterfront, Singapore. Matapos talunin sina Vietnamese Grandmaster Nguyen Anh Dung sa first round  at Singaporean Woman Grandmaster Gong Qianyun sa second round  ay nailista  ni Davao City native Dimakiling ang ikatlong sunod na panalo  laban …

Read More »

Manila, Isabela tinalo ng Laguna sa PCAP online tournament

PCAP Professional Chess Association of the Philippines

NAGPAKITA ng tikas   ang Laguna Heroes sa 2022 Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) online tournament pagkaraang magrehistro ng dalawang sunod na  panalo sa  Northern division na virtually na ginanap sa Chess.com Platform nung Sabado. Galing  sa impresibong panalo sa San Juan Predators at sa Olongapo Rainbow Team 7 ay naidiretso  ng Heroes ang kanilang ‘winning moves’ nang gibain …

Read More »

Chess prodigy Arca naghari sa Kiddies 14 under tournament

Mayor APSU Cup Chess

MANILA—Tinanghal na kampeon si Christian Gian Karlo Arca, ang pinakabatang  Arena Grandmaster (AGM) sa edad na 11 matapos dominahin ang Mayor APSU Cup kiddies 14 under chess tournament na ginanap sa Mantangale Alibuag Dive Resort, Balingoan, Misamis, Oriental nung Huwebes, Mayo 26, 2022. Ang ipinagmamalaki ng Panabo City, Davao Del Norte ay nakalikom ng 5.5 points na may 5 wins …

Read More »