Monday , August 15 2022
Laguna Heroes PCAP Chess

Laguna Heroes muling nanalasa sa PCAP online chess tournament

MANILA–Nagpatuloy ang pananalasa ng Laguna Heroes sa pagtala ng magkasunod na panalo sa 2022 Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) online chess tournament virtually na ginanap sa Chess.com Platform nung Sabado ng gabi.

Umakyat ang inaugural champion sa number 3 spot sa Northern Division standings na may 20-13 win-loss slate matapos ang 19-2 victory sa Isabela at 12-9 pag-ungos sa Rizal.

“Rizal is a strong team. We were just lucky  tonight. It was indeed a tight match,” sabi ni Arena Grandmaster Dr. Fred Paez ng Jolly Smile Dental Clinic, isa sa apat na co-team owner ng Laguna Heroes na kinabibilangan nina Mr. David Nithyananthan ng KALARO at Greatech Philippines, Inc., Engr. Benjamin Dy ng SDC Global Choice Foods at Engr. Antonio Balinas ng AC Balinas Construction and Steel Works.

Pinasuko ng Laguna Heroes ang Isabela sa blitz category, 5-2, at tinulak ang final blow sa last seven playing boards matapos mabokya ang kalaban, 14-0, sa rapid play.

Kontra sa Rizal ay namayani ang Laguna sa blitz game sa panalo  nina Woman International Master Ummi Fisabilillah, Fide Master Jose Efren Bagamasbad, Vince Angelo Medina at Arena Grandmaster Kimuel Aaron Lorenzo.

Nagwagi rin  ang Laguna sa Rizal sa rapid matapos ang pagrehistro ng panalo nina two-time Asian Junior Champion Grandmaster Rogelio “Banjo” Barcenilla Jr., Fisabilillah, Bagamasbad at Christian Nanola.

– Marlon Bernardino –

About Marlon Bernardino

Check Also

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Christopher Castellano Elizsa Gayle Cafirma

Antipolo City, Rizal team lalahok sa Sen. Manny Pacquiao Tuna Festival chess meet

MANILA — Nagbigay ng kahandaan ang Antipolo City, Rizal team players na lalahok sa Sen. …

Chess

Prince Maverick naghari sa GM Balinas Training Center 1st Anniversary

NAGPAKITANG GILAS ang 19-anyos na si Prince Maverick Cornelio ng Poblacion, Pamplona matapos makaipon ng …

Dave Apolinario

Gideon Buthelezi tulog sa 1st round kay Pinoy prospect Dave Apolinario

IMPRESIBO ang ipinakita ni Filipino prospect Dave Apolinario nang patulugin niya sa 1st round ang dating …

Marlon Bernardino Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament

NM Bernardino nagkampeon sa 1st  Ever Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament

MARIKINA CITY—Tumapos si last-minute entry National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. sa 11-Round tournament, …