TIKOM ang ang bibig ng Malacañang kaugnay sa inihahandang State of the Nation Address ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino sa Hulyo 27. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, patuloy ang ginagawang paghahanda ni Pangulong Aquino lalo sa data & figures na gagamitin. Ayon kay Coloma, wala pa silang maibabahagi sa publiko dahil nasa Pangulong Aquino raw ang pinal na desisyon …
Read More »Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya
Beki dedo sa saksak
PATAY ang isang bading makaraan pagsasaksakin ng tatlong hindi nakilalang lalaki habang naglalakad sa Pedro Gil St., Paco, Maynila kahapon ng madaling-araw. Natagpuang tadtad ng saksak sa katawan ang biktimang si Ali Macky Ramos, nasa hustong gulang, ng 1715 Interior 8, Bo. San Vicente, Paco, Maynila, habang inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek na mabilis na tumakas. …
Read More »‘Baldog Ring’ sa Customs kinondena
CUSTOMS Commissioner Bert Lina is doing his job kaya nag-exceed ng P1.6 billion ang BOC collection performance. Alinsunod sa utos sa kanya ni Pangulong Noynoy. Pero bakit may mga powerful na tao na ayaw pa rin sumunod sa daang matuwid?! Kamakailan nagkaroon ng reshuffle at may nabalik na ilang tirador na abogado na may questionable records. Kagaya ng ilang nakatalaga …
Read More »Tubero tinarakan ng partner
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 42-anyos well driller makaraan pagsasaksakin ng kanyang live-in partner habang nakikipag-inoman sa kapatid sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Manila Central University (MCU) hospital ang biktimang si Ariel San Juan, residente ng 62 Sisa St., Brgy. Acacia ng nasabing lungsod, sanhi ng dalawang malalim na saksak sa likod. Habang pinaghahanap ang suspek …
Read More »5 pulis sa rubout idiniin ng testigo (Set-up ‘di holdap)
KUMANTA na ang testigo sa sinasabing pagpatay ng mga operatiba ng Manila police sa isang tricycle driver noong gabi ng Hulyo 14 sa Sampaloc, Maynila. Sa pulong sa NBI, si Dagul, 21, ay natunton nang magkasanib na puwersa ng NBI at NAPOLCOM teams noong Hulyo 18, o apat na araw makaraan ang pagpaslang kay Robin Villarosa, suspek sa panghoholdap sa UST at …
Read More »3 CAFGU todas sa ambush (Sa Misamis Oriental)
CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang tatlong kasapi ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) habang pabalik na mula bakasyon sa Brgy. Hindangon, Gingoog City, Misamis Oriental kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang sina Ferry Abao, Ferman Abao at Fredo Sarlo, residente sa nasabing bahagi ng lalawigan. Inihayag ni 58th IB, Philippine Army spokesperson Capt. Ernesto Endoso na ang ginawang …
Read More »3 akusado sa Sulu bombing inabswelto ng Manila RTC
INABSUWELTO ng Manila RTC ang tatlong suspek sa tinaguriang Sulu bombing noong 2009 na ikinasugat ni dating Sulu Gov. Abdusakur Tan. Ayon sa korte, hindi sapat ang nailahad na ebidensiya laban sa mga akusado kaya hindi sila maaaring idiin ng kampo ni Tan. Kinilala ang mga akusado na sina Juhan Alimuddin, Sulayman Muin at dating konsehal Temogen “Cocoy” Tulawie. Una …
Read More »Janitor patay sa bugbog ng US army sa Tacloban
TACLOBAN CITY – Patay ang isang janitor ng San Jose Elementary School sa Tacloban City makaraan bugbugin ng isang US Army na nagbabakasyon lang sa siyudad. Kinilala ang suspek na si Lee Guyon, 26, nakadestino sa 25th ID 2nd Brigade 121 Infantry Charlie Coy, residente ng Wahiana, Hawaii at may kasama siyang isang nagngangalang Rolando Duran, isang seaman. Ang biktima …
Read More »7 lugar sa Pangasinan lubog pa rin sa baha
LUBOG pa rin sa baha ang pitong lugar sa Pangasinan makaraan ang ilang araw na pag-ulan nitong nakalipas na mga araw. Bagama’t nagsimula nang gumanda ang lagay ng panahon simula noong Linggo, sinabi ni ret. Col. Popoy Oro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, 349 pamilya pa ang nananatili sa mga evacuation center. “Mataas pa rin ‘yung kanilang …
Read More »7,000 licensed customs brokers mawawalan ng trabaho
MALAKI ang posibilidad na mawalan ng trabaho ang mahigit sa 7,000 licensed customs broker sakaling tuluyang maging isang batas ang isinusulong na Customs Modernization Tariff Act. Mismong ang Chamber of Customs Broker Incorporated (CCBI) ang nagbunyag ng naturang impormasyon sa pamamagitan ng isang pulong balitaan. Tinukoy ng grupo na batay sa isang probisyon na nakasaad sa panukalang batas, gagawin na …
Read More »Bagong train ticketing system umarangkada na
UMARANGKADA na ang bagong ticketing system sa Light Rail Transit (LRT) Line 2 nitong Lunes. Idinetalye ni Atty. Hernando Cabrera, spokesperson ng LRT, ang mga feature ng bagong ticketing system. Sa ngayon aniya, sa Legarda Station pa lang nabibili ang card na nagkakahalaga ng P20.00. “‘Yung card na first time mong bibilhin P20 kaya lang for the next four years …
Read More »Yul Servo, gustong gumawa ulit ng mga indie film
MAS aktibo ngayon si Yul Servo bilang public servant. Tatlong term na siyang konsehal sa 3rd District ng Maynila, kaya naman mas nakatutok siya sa politika kaysa showbiz. Pero aminado ang award winning na actor na gusto ni-yang maging aktibong muli sa mundo ng indie films. “Gusto ko sanang maging active ulit sa paggawa ng indie films. May offer …
Read More »Mga babaing parte ng buhay ni John Estrada magsasama sa isang teleserye sa ABS-CBN
DATI-RATI ay umuusok talaga ang tenga ni Janice de Belen, sa galit tuwing tinatanong ang aktres tungkol kay Priscilla Meirelles, ang former beauty queen na pinakasalan ng da-ting mister na si John Estrada. Matagal ring hindi naging maayos ang sitwasyon ng aktres at ni John dahil nagkaproblema sila noon pagdating sa financial support ng aktor sa kanilang mga anak …
Read More »Roxas: 5 pulis sa rubout sa Maynila timbog na
HABANG abala sa pangangampanya sina Vice President Jejomar Binay, Senador Grace Poe at Francis Escudero para sa 2016 elections, abala naman si DILG Sec. Mar Roxas sa pagtugis sa mga kriminal sa lipunan. Kahapon ay masayang inianunsiyo ni Roxas na nasakote na ng Philippine National Police ang kanilang mga kabarong pulis na pinaghihinalaang sangkot sa sinabing rubout sa Sampaloc, Maynila. …
Read More »Nababato na ang mga taga-Bato
BUONG akala natin ay tanging Pansit Bato lang ang sikat na pansit, pinasikat din ito ng magandang dilag ng Bb. Pilipinas na si Venus Raj. Mas may sumikat pa ngayon na isyu para mailagay muli sa mapa ng mundo ang maliit na bayan ng Bato, sa Camarines Sur. Ang may hinid kukulangin sa 50,000 populasyon na bayang ito ay naBABATO …
Read More »Mismatch sa LRT bid sa aksidente patungo
“KAILANMAN ay hindi dapat isangtabi at isakripisyo ang kaligtasan ng mga mananakay ng ating public transport. Huwag sanang hayaan ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority na mangyari uli ang kalunos-lunos na aksidenteng nangyari na sa MRT 3 sa EDSA.” Ito ang naging babala ni Atty. Oliver San Antonio, tagapagsalita ng National Coalition of Filipino Consumers (NCFC) nang matambad ang …
Read More »Grace-Chiz umiikot …
MUKHANG ipipilit nina Senadora Grace Poe at Senador Chiz Escudero ang kanilang tandem para sa 2016 presidential election kahit wala silang makinarya at ang tanging armas ay nangunguna sila sa surveys sa ngayon… Nagsimula na nga ang dalawang umikot-ikot at kumaway-kaway sabay pakikipagkamay sa mga taga-South Cotabato noong isang araw. Ang dalawa ay kapwa independent, walang partido. Pero noong 2013 …
Read More »Sagot ko sa mga “bulag” na kausap ko isang Sabado ng umaga
KONTROBERSYAL sa ngayon si Vice President Jejomar Binay kasi natutukan siya ng media at mga kalaban sa politika dahil na rin sa kanyang mga ginagawa at hindi ginawa. Kabi-kabila ang mga banat laban sa kanilang mag-anak. Maraming sinasabi laban sa kanila. Gayun man sigurado ako na yung mga sinasabing iyon ay maari ring sabihin o ikawing sa mayorya ng mga …
Read More »Ayaw ni Grace kay Mar
SI Sen. Grace Poe ay tatakbong presidente sa darating na halalan sa 2016. At kahit na magpabale-balentong pa si Pangulong Noynoy Aquino sa harap ni Grace, hindi na magbabago ang isip niya sa planong pagtakbo bilang pangulo. Kung inaakala ni PNoy na mabobola niya si Grace, nagkakamali siya. Kaya lang pinapatulan ni Grace ang mga imbitasyon sa kanya ni PNoy …
Read More »Balasahan sa PNP inaasahan
INAASAHAN na ang balasahan o major revamp sa key positions sa pambansang pulisya. Ito’y kasunod sa pagkakahirang kay Police Director General Ricardo Marquez bilang bagong PNP chief. Si Marquez ang Director for Operations ng PNP bago siya hinirang bilang bagong pinuno ng PNP. Dahil sa pagkakatalaga kay Marquez at pagreretiro sa serbisyo ni retired PNP OIC chief Leonardo Espina, ilang …
Read More »9-anyos nilaspag rape suspect itinumba
PATAY ang isang lalaking hinihinalang gumahasa sa isang 9-anyos batang babae, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang armadong kalalakihan na magkaangkas sa motorsiklo sa Baliwag, Bulacan kamakalawa. Sa ulat mula sa Baliwag Police, kinilala ang biktimang si Reynaldo Buenaventura, 53, may-asawa, at residente ng Zone 1, Brgy. San Roque, sa naturang bayan. Ayon sa ulat, naganap ang pagpaslang sa biktima sa …
Read More »15-anyos nabaril ng 13-anyos pinsan
ZAMBOANGA CITY – Nasa kustodiya na ng pulisya ang 13-anyos binatilyo na aksidenteng nakabaril sa 15-anyos dalagita sa Magay St., Brgy. Zone 4 sa Zamboanga City kamakalawa. Sa imbestigayson ng pulisya, ang baril na ginamit sa insidente ay pag-aari ng isang kasapi ng Philippine Navy na kinilalang si Sgt. Edris A. Mukattil, 37, residente nang nabanggit na lugar. Nabatid na …
Read More »Kelot binoga sa lamayan (Nag-away sa pusoy)
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang lalaki makaraan pagbabarilin ng kanyang kalugar nang magtalo habang naglalaro ng sugal na pusoy sa isang lamayan ng patay kahapon ng madaling araw sa Caloocan City. Patuloy na ginagamot sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Victor Pambid, 37, residente ng Lot 2, Avocado St., Brgy. 178, Camarin ng nasabing lungsod, sanhi …
Read More »Marcos highway isinara (Dahil sa landslide)
ISINARA pansamantala sa trapiko ang Marcos Highway, dakong 7 a.m. nitong Linggo. Ayon sa Tuba Police, dahil sa malaking landslide sa Brgy. Poyopoy, Taloy Sur sa Benguet kaya isinara ang kalsada. Inaabisohan ang mga motoristang aakyat sa Baguio City na gamitin na lang muna ang Naguilian Road partikular para sa mga truck at bus. Bukas din sa trapiko ang Kennon …
Read More »2 paslit nalitson sa sunog sa Samar
TACLOBAN CITY- Patay ang dalawang paslit sa nangyaring sunog sa purok 1 Brgy. Rawis Calbayog City, Samar dakong 7 p.m. kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang sina Arial Jasmine Pollis, 4, at Aldrin Pollis, 2, habang sugatan ang ilan pang miyembro ng pamilya Pollis. Sa inisyal na report mula kay PO1 Jeraldine Janap ng Calbayog PNP, na-trap ang dalawang paslit sa …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com