Thursday , November 30 2023

Tubero tinarakan ng partner

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 42-anyos well driller makaraan pagsasaksakin ng kanyang live-in partner habang nakikipag-inoman sa kapatid sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Manila Central University (MCU) hospital ang biktimang si Ariel San Juan, residente ng 62 Sisa St., Brgy. Acacia ng nasabing lungsod, sanhi ng dalawang malalim na saksak sa likod.

Habang pinaghahanap ang suspek na live-in partner ng biktima na si Raselle Castillo, 27, tubong Mendez, Cavite, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Batay sa ulat ni PO3 Rommel Habig, dakong 8:30 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng garahe ng kanilang kapitbahay.

Kainoman ng biktima ang kapatid niyang si Nicolas nang dumating ang suspek at walang sabi-sabing tinarakan ng saksak ang nakatalikod na si San Juan.

Tinangkang umawat ni Nicolas ngunit maging siya ay akmang sasaksakin ng suspek kaya tumakbo na lamang siya.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng suspek sa pagsaksak sa biktima.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

P1.8-M ilegal na droga nakompiska sa 2 araw na anti-drug ops sa CL

P1.8-M ilegal na droga nakompiska sa 2 araw na anti-drug ops sa CL

SA MAAGAP at walang humpay na pagsisikap na labanan ang mga aktibidad ng ilegal na …

Bulacan Police PNP

Mga durugista at nagtatagong kriminal sa Bulacan arestado

PITONG durugista na nagbebenta rin ng droga, at tatlong kriminal na nagtatago sa batas ang …

dead gun police

63-anyos Taiwanese binaril, patay

SAN PABLO CPS – IsangTaiwanese ang iniulat na binaril at napaslang sa San Pablo City, …

Valenzuela Dump Truck WMD

Vale-LGU nagbigay ng bagong dump truck sa WMD

PINANGUNAHAN ni Mayor Wes Gatchalian ang turnover ceremony at pagbabasbas ng bagong 38 dump trucks …

shabu drug arrest

2 tulak timbog sa P68-K shabu

SWAK sa rehas na bakal ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos kumagat sa ikinasang buybust …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *