Monday , December 15 2025

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

Depensa militar palalakasin (Suweldo may umento)

MAKATATANGGAP nang umento sa sahod ang mga sundalo simula sa susunod na buwan at palalakasin pa ang kanilang depensa bilang paghahanda sa ano mang magiging kaganapan sa bansa. “Starting next month may increase na ang suweldo ng mga sundalo,” pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo sa Fort Magsaysay, Laur, Nueva Ecija. Pabirong sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, maraming …

Read More »

Ninja cop utas sa drug raid sa QC (QCPD official)

shabu drugs dead

PATAY ang isang opisyal ng PNP nang lumaban sa mga kasamahang pulis sa anti-drug operation sa Quezon City kahapon ng madaling-araw. Isinagawa ang operasyon sa kahabaan ng Commonwealth Avenue laban kay S/Insp. Ramon Castillo, aktibong miyembro ng Quezon City Police District Anti-Illegal Drug Unit, aarestohin sana makaraan makabili ang nagpanggap na buyer ngunit lumaban. Nakakuha ng limang pakete ng shabu …

Read More »

P10-M shabu iniwan sa jeepney

ISINUKO sa National Bureau of Investigation (NBI) ng isang jeepney driver ang dalawang kilo ng shabu, nagkakahalaga ng P10 milyon, iniwan sa kanyang sasakyan ng hindi nakilalang pasahero noong Hulyo 23 sa Bacoor, Cavite. Iniharap ni NBI-AIDD chief, Atty. Joel Tovera sa mga mamamahayag ang jeepney driver na si alyas Joel. “Nakatulog ‘yung lalaking pasahero, tapos nang makarating kami sa …

Read More »

12 barkong ‘shabu lab’ negatibo

VIGAN CITY – Negatibo ang resulta nang isinagawang ocular inspection ng mga awtoridad sa mga nakatenggang barko sa Brgy. Pantay Tamurong, Caoayan, Ilocos Sur, na pinagkamalang shabu laboratory. Sa pagsisiyasat ng pulisya, napag-alamang hindi pa nakapagsasagawa ng ‘dredging operation’ ang Keenpeak company na pinagtratrabahuhan ng Chinese nationals dahil inaayos pa ang permit mula sa Mines and Geosciences Bureau kahit mayroon …

Read More »

9 Pinoy na lumusob sa Sabah kulong habambuhay

KUALA LUMPUR – Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ng korte sa Malaysia ang siyam na Filipino kaugnay sa paglusob sa Sabah noong 2013. Habang walong iba pa na kinabibilangan ng tatlong Malaysians ang kulong ng 10 hanggang 18 taon. Sinabi ng abogado ng depensa na si N Sivananthan, maaari sanang hatulan ng kamatayan ang nasabing mga Filipino ngunit binabaan ng …

Read More »

Biker todas sa away-trapiko sa Quiapo

PATAY ang isang lalaking sakay ng bisikleta makaraan barilin ng driver ng kotse na nakaaway niya dahil sa trapiko sa Quiapo, Maynila kamakalawa. Kitang-kita sa CCTV kung paanong sinugod ng isang lalaking sakay ng Hyundai EON ang isa pang lalaki na nakasakay sa bisikleta. Nagpalitan ng suntok ang dalawa ngunit nagkaayos din makaraan ang ilang minuto. Nagkamayan pa ang dalawa …

Read More »

Curfew sa Maynila, Navotas at Kyusi pinigil ng SC

IKINATUWA ng grupong Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) ang inilabas na temporary restraining order (TRO) ng Supreme Court (SC) laban sa ipinatutupad na curfew o ordinansa ng ilang lungsod sa Metro Manila partikular sa Maynila, Navotas at Quezon City na nagbabawal sa mga menor-de-edad na pagala-gala sa kalye sa dis-oras ng gabi. Una rito, naghain nitong Biyernes ng Petition for …

Read More »

CHED, hinikayat ng KWF: Bagong batas sa filipino ipatupad

SA liham na may petsang 21 Hulyo 2016, ipinaabot ng Komisyon sa Wikang Filipino, sa pamamagitan ni Tagapangulong Virgilio S. Almario, kay Tagapangulong Patricia Licuanan ng CHED ang pasasalamat sa pag-uutos nitó noong 18 Hulyo 2016 ng pagpapanatili ng pagtuturò ng anim hanggang siyam na yunit ng Filipino sa mga institusyon para sa mas mataas na edukasyon (higher education institutions) …

Read More »

Kartel sa cement industry hiniling buwagin

Nanawagan ang advocacy group na Kilusan Kontra Katiwalian at Kabulukan (4K) sa administrasyong ni Pangulong Rodrigo Duterte na durugin na ang kartel na Cement Manufacturers of the Philippines (CeMAP) sa ilalim ni dating Department of Trade and Industry undersecretary Ernesto Ordonez na nakikinabang sa kanyang kampanya laban sa mga importer ng semento kung saan kontrolado ng grupo ang presyo ng …

Read More »

1 patay, 9 sugatan sa bus at truck sa Quezon Province

road traffic accident

NAGA CITY – Patay ang isang babae sa banggaan ng trailer truck at pampasaherong bus sa Brgy. Santa Catalina, Atimonan, Quezon kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Marry Shaine Oas, 22-anyos, residente ng Minalabac, Camarines Sur. Ayon sa ulat, habang binabaybay ng truck na minamaneho ni Ruperto Santos II, 31-anyos, ang pababang kalsada sa nasabing lugar nang mawalan ito ng …

Read More »

Sa SONA ni Digong: Walang magulong rally dispersal

NGAYON lang yata tayo nakarinig ng SONA na walang naganap na karahasan at kaguluhan sa mga raliyista at pulisya. Puwede naman pala… Talagang lahat ay nakukuha sa mabuting usapan. Simpleng-simple lang ang ginawa ni PNP chief, DG Ronald “Bato” Dela Rosa, pinayagan niyang makapagmartsa ang mga raliyista hanggang sa Batasan. Ganoon lang at mapayapang naghiwa-hiwalay ang mga raliyista. Hindi ba’t …

Read More »

GM Ed Monreal umaksiyon agad para sa seguridad ng mga pasahero

NATUWA tayo sa mabilis na aksiyon ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal pabor sa mga pasahero. Ito ay kaugnay ng pagtanggap sa mga white taxi sa loob ng NAIA terminals. Sinabi ni GM Monreal na mahigpit nilang oobserbahan ang decorum ng mga taxi driver, sa pananamit, pag-uugali at kalinisan sa loob at labas ng sasakyan. Sa …

Read More »

PAL communications chief makupad ba!?

Nagtataka naman tayo rito kay Ms. Cielo Villaluna spokesperson ng Philippine Airlines (PAL), kapag mayroon silang mga praise ‘este’ press releases ang bilis magpa-press release. Pero nang magkaaberya (bumalik dahil nasusunog ang landing gear) ang kanilang PAL flight PR 720 nitong Biyernes ng hapon ‘e hindi mahagilap at hindi man lang nagsalita para magpaliwanag. Dedma lang?! Aba, hindi puwedeng balewalain …

Read More »

Sa SONA ni Digong: Walang magulong rally dispersal

Bulabugin ni Jerry Yap

NGAYON lang yata tayo nakarinig ng SONA na walang naganap na karahasan at kaguluhan sa mga raliyista at pulisya. Puwede naman pala… Talagang lahat ay nakukuha sa mabuting usapan. Simpleng-simple lang ang ginawa ni PNP chief, DG Ronald “Bato” Dela Rosa, pinayagan niyang makapagmartsa ang mga raliyista hanggang sa Batasan. Ganoon lang at mapayapang naghiwa-hiwalay ang mga raliyista. Hindi ba’t …

Read More »

Bilang na ang masasayang araw ni Bruhang Burikak

SOBRA ang bilib sa sarili ni Bruha Burikak at sa kanyang amo kaya pala tuloy ang operasyon ng kanyang illegal terminal sa Lawton. Ipinagkakalat niya na kahit mala-korduroy na ni Pres. Rody ang kanyang balat ay importante pala siya sa bagong gobyerno. Sabi niya, kailangan pang humirit ng emergency powers ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso para mapaalis lang ang …

Read More »

Vice Mayor Belmonte binabatikos ng anti-youth curfew

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

PATULOY ang pagbatikos ng Samahan ng Progresibong Kabataan sa Lungsod ng Quezon kay  Vice Mayor Joy Belmonte, dahil sa pagpapainterbyu sa media na ang curfew ordinance na ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ay matagumpay gayong may petisyon ang nasabing samahan sa Korte Suprema na humihiling na mag-isyu ng restraining order sa pagpapatupad ng curfew sa Quezon City, Maynila at Navotas. Sabi …

Read More »

Rodrigo Duterte mapagkumbaba at simpleng pangulo

THANK god. Sugo ng langit sa atin si Presidente Duterte. Napakasimple niyang tao pati sa mga dinadaluhan niyang pagtitipon ay pumipila siya sa pagkuha ng pagkain at talagang ‘di nya ginagamit ang power nya. Mantakin ninyo, malala na ang droga sa ating bansa pero siya lang ang nakagawa nito na binangga niya ang malalaking tao na humahawak ng mga droga …

Read More »

Jay-R, balik-recording na

ISANG maayos ang hitsurang nag-guest ang singer-actor na si Jay-R Siaboc sa Cristy Ferminute noong Martes, kasama ang kanyang live-in partner na si Tricia at kanilang three year-old na anak na si Haley. Kamakailan ay naiulat na boluntaryong sumuko si Jay-R sa mga alagad ng pulisya sa Toledo City, Cebu kabilang ang mahigit 500 pang mga umano’y drug user at …

Read More »

Ano nga ba ang mahalaga kay Bea, career o love?

FOR the first time, magtatambal sina Bea Alonzo at Gerald Anderson sa pelikulang How To Be Yours sa ilalim ng direksiyon ni Dan Villegas under Star Cinema. Ito’y romantic-drama na nakasentro kina Anj (Bea) at Nino (Gerald) na parehong may mga pangarap sa buhay. Sa takbo ng istorya, kailangang mamili sila kung career o love ang magiging priority nila sa …

Read More »

Angeline, may follow-up movie na agad

Sa kabilang banda, hindi naman nakasama si Mother Lily sa nakaraang meeting nina Ms. Roselle Monteverde-Teo at direk Manny Valera kaya hindi niya nakita si Piolo na balitang kinakikiligan ng lady producer. Kasama sa meeting sina Piolo, direk Joyce Bernal, at Erickson Raymundo na pawang producer ng Spring Films at ang direktor ng pelikula na si Santos. Binanggit ding may …

Read More »

Piolo, gagawa ng pelikula sa Regal

Piolo Pascual

ANG saya-saya ni Mother Lily Monteverde sa nakaraang presscon ng That Thing Called Tanga Na dahil positibo ang reaksiyon ng entertainment press ng mapanood ang trailer ng pelikulang ipalalabas na sa Agosto 10. Kumita kasi ang mga pelikulang ipinrodyus niya kamakailan kaya panay ang pasalamat niya sa mga tulong na ibinibigay sa mga pelikula niya tulad nitong huli na I …

Read More »