Wednesday , July 6 2022

Regine Tolentino, dream come true ang show na Go Get Fit!

00 Alam mo na NonieIPINAHAYAG ni Regine Tolentino na dream come true ang bago niyang show na Go Get Fit na isang daily dance fitness and health show. Ito ay napapanood na ngayon sa Viva Channel at nag-premiere na noong July 19, 21 at 24, 5:30 pm. Ang naturang TV show ay mayroong replay araw-araw, sa ganap na 7:30 am.

“I was very excited because this is a dream project for me, everything about this show represents me and my passion for life.

“According to management, by popular demand and from the good ratings of the previous Regine Tolentino Dance videos produced by Viva Video, played on Viva TV such as Sensual Dancing, Dance with Regine, Exotic Bellydancing, and Dance Latina- there was a request for a fitness show. I was asked by Viva Management to host the show and lead the exercises,” saad ng versatile na TV host/aktres.

Si Regine ay isang multi-talented artist, isa siyang host, aktres, dancer, fashion designer,l icensed AFAA & Zumba Fitness Instructor, product endorser at isa ring entrepreneur na nagmamay-ari ng Regine’s Boutique & RT Studios.

Paano mo ide-describe ang bagong show mo? “Go Get Fit is a dance fitness and health show. Maraming matututunan ang viewers na iba’t ibang ways to stay fit through dance and easy na home exercises!

“Mag-e-enjoy sila dahil ibat-ibang klaseng sayaw ang itinuturo namin mula sa ibat-ibang magagandang locations. Inspiration ito para sa mga gustong maging fit, pero walang time o budget para magpunta sa gym.”

Dito’y matutunghayan ang easy and fun to do dance fitness exercises na maaaring magawa ng manonood sa kanilang tahanan o opisina kasama ang host nito na si Regine and her team of licensed instructors. Ang Go Get Fit ay nagbibigay din ng health and wellness tips upang maging sexy at fit sa anumang edad, anumang oras, at saan mang lugar.

Sinabi rin ng tinaguriang Zumba Queen ang mga makakasama sa naturang show. “Kasama ko rito ang mga licensed dance and group fitness instructors, fitness professionals, beauty queens, fitness buffs and celebrities who share their tips on staying, fit, healthy and sexy!”

Sobra talaga ang sipag ni Ms. Regine dahil bukod sa Unang Hirit ay ang dami pang Zumba activities ng aktres/TV host. Napanood din siya sa Ang Panday ng TV5 at sa katatapos na We Will Survive ng ABS CBN at nag-guest din sa Calle Siete ng Kapuso Network kamakailan. Plus, mayroon din siyang special role sa pelikulang Camp Sawi ng Viva Films na tinatampukan nina Arci Muñoz, Andi Eigenmann, Yassi Pressman, Bela Padilla, at Kim Molina.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Harlene Budol Hipon Girl

Nicole Budol ginawang inspirasyon mga natatanggap na panglalait

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nicole Budol, na mas kilala bilang si Hipon, na isang …

Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia kay Arjo — Iba ka manindigan

PUNUMPUNO ng emosyon at pagmamahal ang post sa kanyang Facebook ang super proud mom na si Sylvia Sanchez sa …

AJ Raval

AJ ‘di buntis, flat tummy ipinagmalaki

MA at PAni Rommel Placente IBINANDERA ng sexy star na si AJ Raval sa kanyang Instagram account ang picture …

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Cristy Fermin Toni Gonzaga

Cristy ipinagtanggol si Toni Lupang Hinirang maayos na nakanta

MATABILni John Fontanilla DINEPENSAHAN  ni Cristy Fermin si Toni Gonzaga sa mga taong nanlalait kaugnay sa pag-awit nito ng Lupang …

Leave a Reply