Saturday , November 16 2024

Opinion

Huling desisyon sa e-sabong

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA BIBIHIRANG pagkakataon, ang Simbahang Katoliko at si Pangulong Duterte ay nagkasundo — at marahil, sa huling pagkakataon — nang ipag-utos ng Punong Ehekutibo ang pagpapatigil sa electronic cockfighting o e-sabong sa bansa. Ang paninindigan ng Simbahan at ang takbo ng pag-iisip ni Duterte ay imposibleng magkapareho, gaya ng Langit at Impiyerno. Mismong kay …

Read More »

Hindi pa tapos…magbantay tayo mga Filipino

AKSYON AGADni Almar Danguilan KUMUSTA ang pagboto ninyo? Anong balita kanina pagkagising ninyo, nangunguna na ba ang inyong ibinoto lalo sa pagkapangulo ng bansa? Malayo na ba ang kanyang puntos laban sa kanyang mga katunggali? Sino ba ang ibinoto mo, si Bongbong Marcos ba o si Leni Robredo o ang kanilang mga katunggali? Ano man ang lumabas na resulta ngayong …

Read More »

Utak-sindikato sa kagawaran

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles SA ITINATAKBO ng palitan ng patutsada sa hanay ng mga personalidad na isinasangkot sa agri-smuggling, tila malabo pa sa tubig ng mga imburnal ang pangako ng administrasyong tuldukan ang katiwalian sa pamahalaan – partikular sa departamentong mandato’y isulong ang kapakanan mga magbubukid at mangingisdang bahagi ng sektor ng agrikultura. Paandar ni Agriculture Secretary William Dar, nagpatawag na …

Read More »

Bakit siya?

USAPING BAYAN ni Nelson Flores

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. HINDI lingid sa ating kaalaman na ang mga miyembro ng mga umano’y “kilusang progresibo ng masa”  at mga aktibista nila ay halos magkandarapa sa pagsuporta sa kandidatura ni Bise Presidente Leni Robredo para sa pagka-presidente ng bansa. Bukod sa kanila, naiulat din kamakailan na ang Communist Party of the Philippines at ang hukbo …

Read More »

QCPD Director, Gen. Medina, kampeon laban sa droga

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI nakapagtataka kung sa susunod na selebrasyon para sa anibersaryo ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) para sa taong ito, ay maiuwi na naman ng Quezon City Police District (QCPD) ang “2022 Best Police District.” E ngayon pa lamang, mayroon nang malaking basehan para gawaran ng “the best police district” ang QCPD dahil sa mga …

Read More »

Mayor Teodoro anti-political dynasty noon, ngayon pati asawa tumatakbo na

PAPITIK ni Sab Bai Hugs

‘PAPITIK’ni Sab Bai Hugs NILAMON na rin ng bulok na sistema si Marikina City Mayor Marcy Teodoro. Nakalulungkot na hindi niya napanindigan ang kanyang prinsipyo, gaya ng ilang politiko. Tuluiyan na nga siyang nilamon ng sistema. Noong bagitong congressman si Mayor Marcy sa Unang Distrito ng Marikina sa ilalim ng 16th Congress, isa siya sa co-author at sumuporta sa Republic …

Read More »

Bakit natataranta sa kakakampanya?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. LABINGTATLONG araw bago ang araw ng halalan at kabadong excited na ang marami sa atin. Walang dudang nangunguna pa rin sa survey si Bongbong Marcos kasunod sa ikalawang puwesto si Vice President Leni Robredo. Naniniwala ba kayo sa mga surveys? Naniniwala ako at naninindigan sa siyensiya sa likod nito. Pero sa kabila ng mga …

Read More »

Ayuda “SAP” distribution sa Marikina, kinukuwestiyon

AKSYON AGADni Almar Danguilan MAYROON pa bang mga kababayan natin na hindi nakatanggap ng kanilang ayuda partikular ang SAP sa Marikina City? Lahat naman siguro ay nakatanggap ng ayuda mula sa lokal na pamahalaan naa pinamumunuan ni Mayor Marcy Teodoro. Nasabi natin ito, kasi ang LGU ng Marikina ang isa sa pinakamabilis magbigay ng ayuda sa mga mamamayan ng lungsod …

Read More »

Saan abot ang P500 mo?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PANAHON ngayon, saan nga ba abot ang P500? Marahil sa mga kabataan, abot ito hanggang Starbucks, Gong Cha, Macao, at iba pa. E sa isang magulang kaya, hanggang saan kaya abot ang P500? Well, sa totoo lang kulang na kulang ito para sa maghapong kainan – magkasya man para sa pamilya pero masasabing tipid na …

Read More »

Atake de corazon sa pagamutang gamol

PROMDI ni Fernan AngelesI

PROMDIni Fernan Angeles SA GAWING SILANGAN ng Metro Manila matatagpuan ang isang nakabibighaning bayan na higit na kilala sa magagandang tanawin, luntiang pamayanan, at tahanan ng mga pinakamahusay na alagad ng sining kabilang sina Maestro Lucio San Pedro at Jose Blanco. Ito marahil ang dahilan kung bakit dinarayo ang baybaying bayan ng Angono sa lalawigan ng Rizal. Maging ako mismo …

Read More »

Mayor Marcy hinahanapan ng resibo
P6-B INUTANG PARA SA MAJOR PROJECTS NG MARIKEÑO SA 2 TERMINO ‘DI NARAMDAMAN

PAPITIK ni Sab Bai Hugs

‘PAPITIK’ni Sab Bai Hugs HINDI na bago na hinahanapan ng resibo ng mga botante ang mga politiko. Ito ang karaniwang eksena tuwing eleksiyon, sa mga reelectionist — ang kanilang nagawa sa kanilang nasasakupan ang batayan ng mga residente kung ibobotong muli o hindi, samantala sa mga baguhang kandidato ay ibinibida ang kanilang kayang gawin at plataporma. Sa Marikina City, ito …

Read More »

 ‘Small fish’ lang kayang bingwitin ng Senado

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA TUWING may Senate inquiry, nakabibilib ang nakararami sa mga mambabatas natin. Bakit? Paano kasi, ipinakikita nilang siga o makapangayihan sila – kasi nga naman ipinaaaresto at ipinakukulong nila ang mga isinasalang na hindi nakikiisa sa kanila o ayaw kumanta. Ang tanong nga lang e, hanggang saan ang abot ng kamay ng kasigaan ng Senado? Ibig …

Read More »

Paasa, pero wala naman pala

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. WALANG sinomang disente at may respeto sa sarili ang naaliw sa walang kuwentang joint press conference nitong Linggo ng mga kandidato sa pagkapangulo na sina Sen. Ping Lacson, Manila Mayor Isko Moreno, at dating defense chief Norberto Gonzales. Matatandaang pinaigting nila ang pag-antabay ng media nitong Sabado tungkol sa napipinto nilang pagsasama-sama sa hapon …

Read More »

Gordon wala sa Magic 12 dahil (ba) sa tirada ni Digong?

AKSYON AGADni Almar Danguilan LIFESTYLE CHECK, kadalasan ang nakakaladkad sa ganitong uri ng imbestigasyon ay ang mga pangkaraniwang kawani o opisyal sa isang ahensiya ng pamahalaan lalo kung kuwestiyonable ang pamumuhay nito — iyon bang biglang yaman o pagkakaroon ng maraming ari-arian sa kabila ng mababa lang naman ang suweldo. Siyempre, saan pa nga naman nanggagaling ang mga ito kung …

Read More »

Tiwala sa Diyos at bayan sagot sa hamon ng mga mabalasik na moralistang neoliberal

USAPING BAYAN ni Nelson Flores

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. PERO paulit-ulit silang nagtanong, kaya tumayo si Jesus at sinabi sa kanila, “Kung sino sa inyo ang walang kasalanan ay siya ang maunang bumato sa kanya.”  – Juan 8:7 “Sino sa inyo ang walang sala?” Ito ang mapangahas na tanong ng ating Panginoong Hesus sa mga taong pakiwari ay wala silang pagkakasala. Ganun-ganun …

Read More »

Bakit BBM ako

USAPING BAYAN ni Nelson Flores

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. MARAMI sa mga dati kong kasama ang nanunuya sa akin kung bakit si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang napipisil ko para maging pangulo ng ating bansa sa panahong ito dahil noong araw ay napasama ako sa isang napakaliit na kilusang anti-rehimeng Marcos. Simple lang ang sagot ko, ito ang lumabas sa aking mahabang …

Read More »

MarSo sa Mayo 2022

AKSYON AGADni Almar Danguilan HA! Paano magiging MarSo ang Mayo?  Ang Labo ba mga suki? Linawin natin pero sa tingin ko ay alam n’yo na ang ibig nating sabihin ng “MarSo” sa Mayo. Gets n’yo na ba o hindi pa? Anyway, hindi naman siguro lingid sa inyong kaalaman na usong-uso na ang “combo meals” – sa food chains maging sa …

Read More »

Isang mahalagang paalala pong muli… <br>MAGING MATALINONG BOTANTE, HUWAG MAGING ‘BOBOTANTE’

YANIG ni Bong Ramos

YANIGni Bong Ramos ISANG mahalagang paalala pong muli ang dapat nating tandaan at ipasok sa ating mga kukote para sa kapakanan ng bansa at mamamayang Filipino lalo sa nalalapit na eleksiyon sa 9 Mayo 2022. Palagi nating isaisip at isapuso ang mga katagang tayong lahat ay dapat na maging isang matalinong botante at hindi isang bobotante para na rin sa …

Read More »

droga sa darknet

PROMDI ni Fernan AngelesI

𝙋𝙍𝙊𝙈𝘿𝙄𝙣𝙞 𝙁𝙚𝙧𝙣𝙖𝙣 𝘼𝙣𝙜𝙚𝙡𝙚𝙨 SA GITNA ng masigasig na operasyon ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa kalakalan ng droga, may mga bagong estilo ang mga sindikato sa kanilang bentahan. Gamit ang makabagong teknolohiya, ang lulong sa droga puwedeng umorder online, ayon sa PDEA. Ang totoo, matagal nang kalakaran ang online transactions sa bentahan ng …

Read More »

PRRD ‘liar’ Cayetano inendoso

Dragon Lady Amor Virata

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata TINAWAG na sinungaling si Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong magpahayag ng kanyang saloobin na wala siyang kinakampanyang sinumang kandidato! Bagama’t wala siyang tinukoy na mga kandidato sa presidential race, may mga ilang Senador naman siyang ikinakampanya at isa rito ay si senator Alan Peter Cayetano. Ayon sa bulung-bulungan, simula pa noon ay lagi nitong …

Read More »

Peke pala

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. LUMABAS na ang tunay na kulay ng mga nagkukunwa’y progresibo. Imbes suportahan ang kandidato na tulad nila ang pinaniniwalaan pagdating sa mga usapin ng ekonomiya, politika at kultura ay mas pinili nilang ayudahan ‘yung kandidato na nagsusulong ng neoliberalismo, isang sistema na makadayuhan at nagpapahirap sa ordinaryong mamamayan. Ito ang aking napagtanto matapos …

Read More »

Pag-arangkada ng suporta kay Leni, patuloy na lumolobo

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI maipagkaila na pumapangalawa si presidential candidate Vice President Leni Robredo sa mga lumalabas na voter preference surveys – sumusunod siya sa anak ng dating diktador. Ngunit sa kabila naman ng lahat, hindi na mapigilan ang patuloy na paglakas ng suporta kay Robredo. Araw-araw dumarami ang nagpapahayag ng suporta sa kanya — retired generals ng AFP …

Read More »