Wednesday , October 9 2024
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Cocaine sa pinakabigating opisina

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

WALANG mag-aakalang pupuwedeng mangyari ito sa White House — marahil ang lugar na may pinakamahigpit na seguridad sa mundo — pero iniulat ng Associated Press na “a baggie of cocaine was found at a White House lobby” nitong 2 Hulyo 2023.

Walang nakuhang fingerprints o DNA mula sa kontrabando sa kabila ng masusing pag-iinspeksiyon ng FBI. Bigo rin ang surveillance footage na matukoy ang suspek. Ibig sabihin, walang nakuhang leads ang imbestigasyon ng Secret Service para sagutin ang napakalaking tanong: “Sino ang nagpasok ng ilegal na droga sa gusali?”

Hmmm… alam n’yo ba kung ano ang masasabi rito ng mga Marcos loyalists? Hinding-hindi mangyayari na may madidiskubreng cocaine sa Malacañang. Una na, sino naman ang maglalakas-loob na suminghot-singhot para mahanap ang lakas-tamang basurang iyon sa Palasyo?

Mga itinalaga sa NBI

Kung mananatili si NBI Director Medardo de Lemos sa kanyang posisyon sa kabila ng mga pagkakagrabeng insidente na nagdala ng kahihiyan sa ahensiya, dapat magpakatino na siya simula ngayon.

Balikan natin, halimbawa, kung paano niya pinangasiwaan ang presidential appointments nina Noel Cruz Bocaling at Romel Tuazon Papa bilang Directors IV ng NBI noong Abril. Habang si Papa, na 30 taon sa serbisyo, ay naging Assistant Director sa Forensic Science & Management Service ng NBI, si Bocaling ay mistulang nasa floating status at binigyan ng isang maliit na opisina na may munting mesa na walang kaibahan sa ginagamit ng mga nagnonotaryo sa bangketa ng Avenida.

         Ngayon, dalawang posisyon ng assistant director ang inokupa ng mabababang opisyal sa acting capacities: ang Legal Service at Information Technology. Hindi abogado si Bocaling kaya hindi siya kalipikadong pamunuan ang Legal Service, pero walang dudang kayang-kaya niyang maglingkod sa directorate para sa IT.

         Gayonman, ang pambabalewala sa kakayahan ni Bocaling ay hindi lamang isang personal na insulto kundi isang sampal sa mukha ni Pangulong Marcos, na nagtalaga sa kanya.

Kung pananatilihin ni De Lemos sa nasa limbo si Bocaling, parang binalewala na rin niya ang amo niyang si Justice Secretary Boying Remulla, ang nasa likod ng pagpapalawig ng termino niya sa NBI.

Ang pagdidilig ng mga damo

Humingi na ng paumanhin sa Simbahang Katoliko ang stage-performing drag queen na si Pura Vega Luka, dahil sa mga natanggap niyang pamba-bash sa pagtatanghal niya ng kantang ‘Ama Namin’ (Lord’s Prayer). Inamin niyang lumikha siya ng karakter na tinatawag na ‘Drag Jesus’ bilang kanyang persona kapag naka-costume at nagtatanghal siya gaya ng popular na rebulto ni Kristo.

         Tinangka niyang panindigan ang kanyang ginawa sa pagsasabing pagpapahayag daw iyon ng kanyang pananampalatayang Katoliko habang idinadahilan ang kanyang sense ng “exclusion” sa komunidad dahil daw sa kanyang gender identity.

         Pero kung patuloy na walang pagsisisi sa panig ni Pura Luka Vega sa kanyang ginawa at patuloy niyang susuwayin ang mga turo ng Simbahang Katoliko, sana kahit huwag na lang siyang maging ipokrito. Sa palagay ko, tama lang na himukin siyang talikuran na nang tuluyan ang kanyang pananampalataya at maging apostate na lang.

         Wala nang dahilan pa para manatili. Huwag nang hintayin ang excommunication.

At gaya nga ng napagnilayan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates B. Villegas tungkol sa social depreciation dahil sa extrajudicial killings sa nakalipas na administrasyon dulot ng wala sa katwirang justification ng gera kontra droga, ganito rin ang mensahe para sa mga ‘nagdidilig ng masasamang damo sa gobyerno.’

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Mga police security ng kandidato alis muna

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata PAG-UUSAPAN na sa Commission on Elections (Comelec) ang araw …

Sipat Mat Vicencio

Lapid, Abby tagilid na kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio HINDI kakayaning makapasok sa ‘Magic 12’ ang lahat ng kandidato ni Pangulong …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Sipat Mat Vicencio

Laban ni FPJ:  Inumpisahan ni Grace, tatapusin ni Brian

SIPATni Mat Vicencio NAGSIMULA ang ‘laban’ ni Senator Grace Poe nang bawian ng buhay ang …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors muling nag-hari sa Blumentritt

YANIGni Bong Ramos MULI na namang namayagpag ang mga vendor sa kahabaan ng kalyeng Blumentritt …