Tuesday , March 19 2024
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Solusyunan ang unemployment, Mr. President

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

Nabunyag sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) survey ang isang malungkot na katotohanan: 69 na porsiyento ng mga adult Pinoy ang nahihirapang makasumpong ng trabaho. Gayunman, sa kabila ng mga pagsubok, mahigit sa kalahati ng mga sinarbey ang buo pa rin ang pag-asang magkakatrabaho sila sa susunod na 12 buwan.

Ganyan ang tipikal na Pinoy — laging positibo, binabalewala ang masaklap na realidad na totoong pahirapan sa ngayon ang paghahanap ng trabaho. Ngunit ang mga positibong sentimyentong ito ay naglalantad din sa mga Pilipino sa pag-abuso ng administrasyong ito. Mayroon tayong presidente na patuloy ang pangangako tungkol sa trabaho at pagkakakitaan, kalakip ang mga boladas, upang iiwas ang sarili sa pagpapatupad ng mga desididong aksiyon na dapat ay reresolba sa sitwasyon.

Panahon nang maalimpungatan ang mga opisyal ng gobyerno mula sa pagkakatulog sa pansitan at solusyunan ang problema ng mga walang trabaho, ng mga kapos ang kinikita, at ng mga kakapiranggot ang sahod. Aksiyon ang hinihiling ng Trade Union Congress — upang ang walang kasiguruhang pagkakakitaan ay maging mga permanente at disenteng trabaho.

Kung tutuusin, ‘yun naman talaga ang ipinangako ni Marcos Junior noong nangangampanya siya, o baka naman kaya nakalimot na siya agad?

KALIMUTAN NA ANG KUWAIT

Hindi pa napatutunayan ni President Junior ang kanyang sarili bilang kampeon ng karapatan ng mga manggagawa simula nang maluklok siya sa Malacañang. Halata naman ito kahit na sa pagtugon niya sa mga pinagdadaanan ng ating mga overseas Filipino workers (OFWs) sa lupain ng mga disyerto at kriminalidad.

Kamakailan, nang nagpatupad ang Kuwait ng visa ban sa mga Pilipinong manggagawa, naging maingat si BBM sa pagbibigay ng reaksiyon sa isyu at mistulang “ipinag-alukan pa ang kabilang pisngi” sa takot “[to] burn any bridges,” sabi niya.

Buti na lamang at sa Kamara, nariyan si Pangasinan Rep. Rachel Arenas, na pikon na sa diplomatic circus na ito, at wala siyang takot na ipahayag ito. Matapang niyang idineklara na ang munting power play ng Kuwait ay isang pipitsuging pagtatangka nitong puwersahin ang gobyerno ng Pilipinas na bawiin ang deployment ban sa mga first-time household workers doon.

At bakit naman hindi ito gagawin ng Maynila, pagkatapos ng nangyari sa OFW na si Jullebee Ranara, na ang sunog na bangkay, na kagagawan ng anak na lalaki ng kanyang amo, ay nadiskubreng itinapon sa disyerto, o kay Joan Demafelis, na ang bangkay ay ipinagsiksikan sa isang freezer sa loob ng isang apartment sa Kuwait City noong 2018?

Importante ang mga susunod na hakbangin ng gobyerno ng Pilipinas sa pagbibigay ng proteksiyon sa ating mga OFWs mula sa mga kahindik-hindik na krimeng ito. Isaisip sana ito ni Marcos Junior at tigilan na ang pagpapaasa na magiging maayos pa ang ugnayan sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas.

Mga barangay na nilason na ng droga

Inianunsiyo ni Gen. Benjamin Acorda na tinututukan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang aabot sa 430 opisyal ng barangay na sangkot umano sa bentahan ng ilegal na droga. Ang dating ay para bang ipinagmamalaki ng PNP Chief ang nadiskubre niyang ito o ang pagtugaygay niya sa mga tiwaling opisyal ng barangay na ito ay isa nang tagumpay na dapat lang papurihan.

Ang katotohanan, nakadidismaya ito! Ilang buwan na lang at lalarga na ang halalang pambarangay.

Mainam na ikonsidera natin ang mungkahi ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. na isailalim sa mandatory drug test ang mga kakandidato.

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Quiboloy, wanted dito at sa ibang bansa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang sumusumpang inosente siya habang nagkukubli sa …

Dragon Lady Amor Virata

Negosyanteng intsik  inirereklamo ng mga empleyado

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata INIREREKLAMO ng may 11 empleyado ang JUJU Mart na …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Namamayagpag si Tulfo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA HULING survey ng WR Numero na ginawa noong …

Dragon Lady Amor Virata

Surot, surot at surot pa…

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAPUPULANG pantal at ubod nang kating naranasan ng ilang …

Sipat Mat Vicencio

Sobrang epal ni Bong Revilla

SIPATni Mat Vicencio DAHIL na rin sa mga kapalpakang ginagawa ni Senator Ramon “Bong” Revilla, …