Friday , December 27 2024

Opinion

Greenhills the show window of fake goods

PATULOY ang Bureau of Customs sa kanilang raid sa mga suspected na bodega or warehouses na naglalaman ng mga kontrabando. Naging successful naman ang laban sa smuggling na walang kaukulang import permit. Ngunit ang pinagtatakahan nang marami, kung bakit hindi raw yata hinuhuli ang mga nagkalat na kalakal na fake products like shoes and handbags at iba pa sa Greenhills …

Read More »

Operation Tokhang nais ibalik ng LGUs

Bulabugin ni Jerry Yap

MARAMING local government officials lalo sa hanay ng mga opisyal ng barangay na masidhi ang clamour na ibalik ang “Operation Tokhang” bilang suporta sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Isa na riyan si Laguna Liga ng mga Barangay president and ex-officio Board Member Lorenzo Zuñiga Jr. Ayon mismo kay Pangulong Digong, tumaas na naman ang drug related …

Read More »

Awit ng barkada kay Jim Paredes

MUKHANG may mabigat na pinagdaraanang problema ang singer na si Jim Paredes. Kahit wala namang ginagawa sa kanya ang grupong Duterte Youth na tahimik na ipinagdiriwang ang ika-31 anibersaryo ng EDSA Revolution, nilusob niya ang hanay nito, at galit na galit na tinalakan ang mga pobreng kabataan. Dala ang isang streamer, ang mga kabataan ay pinagsisigawan at dinuro-duro ni Jim, …

Read More »

Cong naging sireyna nang maging hyper?

the who

THE WHO si Congressman na sa kabila ng pagiging matapang sa paninindigan ay may malansang dugo umano na dumadaloy sa mga ugat. Sa totoo lang idol ko si Cong, kasi bukod sa kanyang katapangan ay pak na pak siya sa katalinuhan dahilan para maraming tao ang humanga sa kanya kasama ang asawa niya na ubod nang ganda. Wooooooooooo! Ikaw na …

Read More »

Mahalaga ang respeto

SA lahat ng pagkaka-taon ay huwag sana natin kalilimutan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng respeto sa ating kapwa tao. Noong isang linggo lamang ay lumutang ang retiradong pulis ng Davao City na si SPO3 Arthur Lascañas sa Senado para magbitiw ng mga hindi kanais-nais na pahayag laban sa Pangulo. Kung noong Oktubre ay nagpahayag siya sa Senado na hindi totoo …

Read More »

Maghanda sa big one

NAKAGUGULAT at nakakikilabot ang sinabi ng Phivolcs na humanda tayo sa tinatawag na big one. Nakita n’yo naman sunod-sunod ang lindol ngayon. Sa Surigao at sa Davao, kaya ang mabuting gawin natin ay magdasal at huwag munang mamomolitika dahil hindi natin alam ang mangyayari sa nature natin. Sana’y huwag tumuloy ang pinangangambahan nating malakas na pagyanig. Our government is also …

Read More »

Jim Paredes masyadong affected sa Duterte admin?!

Bulabugin ni Jerry Yap

SABI ng isang eksperto, isa sa mga nagpapabagal sa pag-unlad ng ating bansa ay kahinaan ng mga opisyal na lider at naglilider-lideran na tanggapin at kilalanin ang namamayaning katotohanan. Sabi nga, kung hindi kayang tanggapin ang umiiral na katotohanan at kinakaharap na kondisyon sa kasalukuyan, tiyak hindi rin makapaglalapat nang angkop na aksiyon sa isang sitwasyon. Isa na nga rito …

Read More »

Restore rule of law; D-5, Jinggoy at Bong sa city jail ikulong

LUNGKOT at habag ang aking nadama sa mga karaniwang preso na siksikan sa mga karaniwang kulungan nang ipakita ang kuha ng bagong bahay ni suspected illegal drugs protector Sen. Leila de Lima sa VIP custodial center ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame na ipinatayo ng nakaraang administrasyon ni Ngoyngoy, este, Noynoy Aquino. Malayong-malayo sa karaniwang kulungan ang kinaroroonan …

Read More »

Huwag pabulag sa kinang ng EDSA

NITONG nagdaang Sabado ang rurok ng paggunita ng mga Liberal Demoktrata sa ika-31 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution na nagpatalsik sa diktador at dating pangulo na si Ferdinand Marcos Sr. Marami ang dapat ipagpasalamat sa kaganapang ito pero hindi tayo dapat mabulag sa kakulangan ng EDSA-PPR na iluwal ang isang lipunan na may katarungan, katotohanan, kalayaan, pag-ibig at kapayapaan, …

Read More »

Supalpal si Noynoy

Sipat Mat Vicencio

MUKHANG nagkamali nang panantiya si dating Pangulong Noynoy Aquino. Hindi niya inakala na konti lamang ang sasama sa kanya para ipagdiwang ang ika-31 anibersaryo ng EDSA Revolution na ginawa sa People Power monument sa Quezon City. Halos hindi pa umabot sa 2,000 katao ang sumama kay Noynoy kabilang na ang mga dilawang politiko na kasapi ng Liberal Party tulad nina …

Read More »

Bulok na jeepneys kung aalisin isama maging tricycles

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

DAHIL nakatakdang i-phase out ang mga bulok na pampasaherong jeep, dapat alisin na rin ang mga bulok na traysikel. Marami sa lungsod ng Pasay. Nababahiran kasi ng kulay-politika, walang kumikilos kahit pa walang prangkisa sige pa rin ang pasada. Masyadong mapolitika ang lungsod ng Pasay, hinahayaan lang ang mga bulok na traysikel na mistulang mga lumang tarpaulin na lamang ang …

Read More »

NUJP nanawagan: pagpaslang kay Jun Pala imbestigahan

Bulabugin ni Jerry Yap

MAY dapat bang pagtalunan?! Ilang mga katoto ang kahuntahan natin nitong Biyernes tungkol sa isyu na nais paimbestigahan ng National Union of the Journalists on the Philippines (NUJP) ang pagpaslang kay Jun Pala, ang hard-hitting commentator na nakabase sa Davao, na sinabi ng retiradong pulis na si Arthur Lascañas na ipinapaslang ni noo’y Davao mayor  at ngayon ay Pangulong Rodrigo …

Read More »

So far so good…

Bulabugin ni Jerry Yap

NGAYONG nakadetine na sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City si Senadora Leila De Lima, masasabi nating kahit paano ay makabubuti rin ito sa magkabilang panig. Una, sa panig ng administrasyon na masugid na nagsusulong ng giyera kontra ilegal na droga. At ikalawa, sa panig ni Senadora Leila De Lima na ipinagtatanggol ang sarili laban sa akusasyon na …

Read More »

LTFRB AT DepEd magaling lang kapag may nagaganap na trahedya at sakuna

Bulabugin ni Jerry Yap

HINDI lang siguro Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Education (DepEd) ang may ganitong sistema na kapag may nagaganap na sakuna o trahedya lang nagiging aktibo at naaalala ang importanteng tungkulin nila sa bayan. Malaking porsiyento sa hanay ng mga ahensiya ng pamahalaan ay ganito ang sistema — REACTIVE lang sila. Aaksiyon at muling ipaaalala ang …

Read More »

Online gambling permit ni Kim Wong dapat bawiin ng PAGCOR at ni Domingo

KADUDA-DUDA ang nakabibinging pananahimik ni Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) chair Andrea ‘Didi’ Domingo sa nabulgar na 30 permit sa offshore online gambling na kanyang inaprobahan. Walang ibinibigay na paliwanag si Chairman Domingo kung ano ang naging pamantayan o basehan na ginamit ng PAGCOR sa mga naaprobahan nilang permit para sa online gambling operation sa bansa, isa rito ang …

Read More »

Salamin

DAHIL sa lumalaganap na protesta laban kay US President Donald Trump ay napag-usapan namin ng isa kong kuyang ang kanyang administrasyon at kung paano nito nililigalig ang marami lalo na ‘yung mga tinatawag na “Asian minority” at Latino. Dangan kasi marami ang naniniwala at nakapupuna sa pagiging inconsiderate, racist at sexist daw na pangulo ni Trump. Hindi raw da-pat naupo …

Read More »

Destabilisasyon

Sipat Mat Vicencio

KUNG tutuusin, wala naman talagang dapat pagtalunan kung meron ba o walang destabilsas-yong ginagawa ang ilang grupo para pabagsakin ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Simula pa lang kasi nang maupo sa puwesto si Digong, kaliwa’t kanang kontrobersiya na ang kanyang pinasok lalo nang batikusin niya ang foreign policy ng Estados Unidos kasabay ng pagpuna sa United Nations at …

Read More »

Sino ba talaga ang destabilizer sa Duterte administration?

Bulabugin ni Jerry Yap

PRANING, nagpapansin o talagang mahilig lang gumawa ng sariling multo?! ‘Yan po ang tanong ng ilang katoto natin sa Palasyo sa sinasabi ni Presidential Communications and Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, na mayroong ouster plan o destabilization plot laban kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Itinanggi na ito kapwa nina National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., at National Defense Secretary …

Read More »

Extortionist!

Malacañan CPP NPA NDF

WASTO ang inilatag na kondisyon ni Presidential spokesman Ernesto Abella na babalik lamang sa negotiating table ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kung ititigil ng News People’s Army (NPA) ang mga armadong pag-atake sa pamahalaan kabilang na ang mga pangingikil sa mga negosyante. Kailangang maging matatag at matapang ang posisyon ngayon ng pamahalaan matapos mapahiya ang NPA na naunang …

Read More »

Lifestyle check sa bigtime BFP – FSI

NABUHAY ang isyu hinggil sa scalawag cops matapos sumabog ang pagdukot, pagpatay at pagpapatubos (ransom money) kay Korean national Jee Ick Joo na kinasasangkutan ng ilang tauhan ng Philippine National Police (PNP). Lalong ikinagalit ni Pangulong Duterte sa naganap na krimen ang ginawang pagsasamantala ng ilang pulis sa Oplan Tokhang — ang giyera laban sa ilegal na droga. Bukod ‘yan, …

Read More »

RATS out batas in!

THE Commissioner of Customs, Nick Faeldon issued a Memorandum Order No. 9-2017 for the legal service to take over the function of RATS. Ibig sabihin, inaalis na sa kamay ng BoC-RATS (Run After the Smugglers) GROUP ang function nila kaya ipinag-utos na i-turn-over lahat ng informations, computer hardware, software, data, records — soft or hard copy, office equipments for proper …

Read More »

Patutsadahan saan kaya patungo?

AYON kay Senatora Leila De Lima mga ‘igan, kriminal umano si Ka Digong. Ayon kay Ka Digong, “drug lord coddler” naman si De Lima. Maging si Senator Antonio Trillanes IV, aba’y panay-panay rin ang pag-arangkada sa kanyang mga expose kontra kay Ka Digong. Saan kaya patutungo ang patutsadahang ito mga ‘igan? May maitutulong ba ito sa pag-usad ng ating bayan? …

Read More »

Militar palalakasin ang giyera kontra droga

PORMAL na inianunsiyo kamakailan ni AFP chief  Gen. Eduardo Año ang paglahok ng mga sundalo sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang pagsurporta sa bago at pinalakas na kampanya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte laban sa ipinagbabawal na gamot. Nangangahulugang tuloy pa rin ang mainit na operasyon laban sa droga sa kabila ng pagbasura sa Oplan Tokhang na pinasimulan ni …

Read More »

Illegal terminal queen ng Lawton nangangarap maging radio blocktimer

NABULGAR sa malaganap na programa ng respetado at premyadong brodkaster na si Julius Babao sa DZMM tele-radyo ng ABS CBN ang matagal nang hindi nabubuwag na sindikato ng illegal terminal sa barangay na may sakop sa Plaza Lawton sa Maynila, nitong nakaraang linggo. Ipinakita ang modus kung paano isinasagawa ng mga sinasabing tauhan ng barangay ang ilegal na pangongolekta ng …

Read More »