Thursday , December 26 2024

Opinion

Garapal na raket ng MTPB sa Binondo kaninong bulsa napupunta!? (Motorista mag-ingat!)

Bulabugin ni Jerry Yap

KUNG kapal din lang ng mukha ang pag-uusapan, palagay natin ‘e numero uno ang mga nagsasabing miyembro sila ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na nakatalaga riyan sa Binondo, Maynila. Dahil alam nilang nagmamadali ang mga motorista na naghahanap ng parking space or parking area sa maliliit na kalsada ng Chinatown, madali silang nabibiktima ng mga kagawad ng MTPB. …

Read More »

Silang mga babae sa pagawaan

BUKAS, Marso 8, ipagdiriwang ang Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan. Kapag sumasapit ang International Women’s Day, hindi iilan ang makikitang nagsasagawa ng kilos-protesta sa mga lansangan para kondenahin ang iba’t ibang uri ng pagsasamantala sa hanay ng mga kababaihan. Taon-taon na lang, ang mga karaingan ng mga kababaihang manggagawa ay paulit-ulit na ipinananawagan na solusyonan, ngunit tila walang nangyayari. Nanatiling …

Read More »

Ex-actor na cong nagpa-cute sa guwapings na kabaro?

the who

THE WHO si congressman na hindi yata natutuhan ang kahalagahan nang pagpipigil sa sarili kung kaya’t nakagawa siya ng eksenang ‘di kanais-nais sa madlang people. Ayon sa ating Hunyango, open secret daw ang sex orientation ni Binibini ehek ni Ginoong Congressman dahil kabilang raw siya sa Federacion! Si Mambabatas na berde raw ang dugo ay anak ng dating politiko rin …

Read More »

‘Insider’ sa BFP hinahanting!

NAKATATAWA ang pamunuan ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP) sa hakbangin nila laban sa pagbubunyag natin kaugnay sa travel allowance ng mga Fire Safety Inspector (FSI). Nitong mga nagdaang linggo, tinalakay at tinatanong natin kung gaano katotoo ang isyu  hinggil sa travel allowance para sa FSI na hindi (raw) napapasakamay ng mga FSI sa kabila ng pirmado sila …

Read More »

Kapit sa patalim

MARAMING nakikitang problema na idinudulot ang patuloy na pamamasada ng mga lumang jeep sa lansangan, kaya nais itong tanggalin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ang mga lumang jeep umano ang lumalason sa hangin at nagiging sanhi ng air pollution kaya nagkakasakit ang mga mamamayan. Dahil sa kalumaan ay nagiging dahilan din ito ng malalagim na aksidente kapag …

Read More »

BoC DepComm Nepomuceno at Dir. Estrella laban sa droga

MATINDI ang suporta ng Bureau of Customs sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga. Nitong nakaraang linggo ay pinirmahan ng Aduana ang kasunduan para mapigilan ang pagpasok ng ilegal na droga sa Filipinas. Kasama nila sa pirmahan ang PDEA at China na nagsasaad na umpisa ng interaksiyon at pakipagkompormiso ng ating bansa laban sa ilegal na droga. Kasamang …

Read More »

One-China policy nilalabag ni MECO chief Lito Banayo?

Bulabugin ni Jerry Yap

NATUTUWA ang inyong lingkod na mayroon tayong Senador na matalas at kabisado ang batas, dahil kung hindi, baka rito pa tayo masilat sa China. Pinaiimbestigahan ngayon ni Senate President Koko Pimentel ang reklamong pinagsisisibak ng kasalukuyang hepe ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na si Angelito Banayo ang mga empleyadong dinatnan niya roon. Itinalaga si Banayo ni Pangulong Duterte …

Read More »

Sinibak si Laviña hindi nag-resign

KOMPIRMADONG sinibak sa puwesto ni Pres. Rodrigo R. Duterte (PRRD) ang kanyang dating campaign spokesperson na si Peter Laviña bilang hepe ng National Irrigation Administration (NIA). Ito ay taliwas sa pagbabangong-puri ni Laviña na kusa raw siyang nagbitiw sa puwesto at para pasinungalingan ang nakarating na sumbong kay PRRD sa umano’y malimit na “palipad-hangin” nitosa mga may transaksiyon sa NIA …

Read More »

FLAG ni Ka Pepe Diokno, binaboy

Sipat Mat Vicencio

ANG Free Legal Assistance o FLAG ay isang pambansang samahan ng mga abogado na nakasentro ang pagbibigay ng tulong legal sa mga indibidwal na ang kinasasangkutang mga kaso ay may kinalaman sa paglabag sa karapatang pantao. Itinatag ang FLAG noong 1974 ni Ka Pepe Diokno.  Si Ka Pepe ay isang nationalist, aktibista, senador at nakulong sa ilalim ng batas militar …

Read More »

Barangay 8th Congress ng Pasay City idinaos sa Baguio

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

TAGUMPAY na idinaos sa Baguio City ang 8th Barangay Congress ng Pasay City Chapter na dinaluhan ng may kabuuang bilang na 674 na kinabibilangan ng mga barangay captainat mga kagawad sa pamumuno ni Liga ng mga Barangay, President, Pasay City Chapter, Borbie S. Rivera na ginanap sa loob nang tatlong araw. Isa sa mga naging tagapagsalita ay si Liga ng …

Read More »

Doktor na pinatay bigyan ng katarungan! (Boluntaryo sa mga baryo)

Bulabugin ni Jerry Yap

NAKIRAMAY at kinondena ng Department of Health (DOH) ang pagpaslang sa isang kabataang doktor na si Dr. Dreyfuss Perlas, isang volunteer doctor sa programa nilang Doctors’ to the Barrios. Si Perlas ay binaril sa likod ng hindi nakilalang salarin habang nakasakay sa kanyang motorsiklo pauwi sa kanyang boarding house sa bayan ng Lala sa Lanao del Norte. The end… Ganoon …

Read More »

Aanhin ang death penalty kung hindi magiging sagka sa korupsiyon?

Bulabugin ni Jerry Yap

MALAPIT na raw maaprubahan ang death penalty sa Kamara. Sa katunayan nasa final approval na ang pagbuhay sa parusang kamatayan kontra heinous crime pero tinanggal ang plunder at iba pang krimen na puwedeng gawin ng isang politiko o ng mga nakaupo sa puwesto. Tiniyak ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas, sa darating na a-7 Marso isasagawa ang botohan sa third …

Read More »

Anyare sa peace and order ng Maynila?!

Bulabugin ni Jerry Yap

NAALALA natin ‘yung isang joke tungkol sa peace and order. Kaya raw magulo sa Maynila kasi ang alam lang gawin ng mga opis-yal ay puro order. Parang restaurant, order nang order lang — kaya raw walang peace?! Wattafak!? Sa totoo lang, sa nangyayari ngayon sa Maynila, magtataka pa tayo kung sa loob ng isang araw ay walang istorya ng saksakan, …

Read More »

Balbon na desisyon ng Comelec first div sa Lim vs. Erap case

IPINAGWAGWAGAN ng kampo ni ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada na ibinasura na ng Commission on Elections (Comelec) ang inihaing protesta ni Mayor Alfredo Lim laban sa kanya at sa mga tumayong miyembro ng City Board of Canvassers (CBC) kaugnay nang malawakang pandaraya at vote-buying sa Maynila noong 2016 elections. Balbon ang resolusyon na ipinagmalaki ng kampo ni …

Read More »

Humingi kayo ng tawad

UMAANGAL ang mga taga-Liberal Party na sila raw ay ginigipit ng administrasyong Duterte dahil sa kanilang paninindigan laban sa extrajudicial killing, sa kasalukuyan ay itinataya ng naging sanhi ng kamatayan nang mahigit sa 7,000 pinaghihinalaang sugapa o tulak ng bawal na gamot. Ito ang dahilan kaya ngayon ay humihingi sila ng suporta sa mga mamamayan na panindigan na mali ang …

Read More »

Bakit wala ang plunder?

Sipat Mat Vicencio

NAIPASA na sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ang panukalang nagbabalik sa death penalty.  At ang nakalulungkot dito ay mga kasong rape, treason at plunder ay hindi nakasama sa parusang kamatayan. Ang second reading ay kasing kahulugan na pasado ito sa Lower House at pormalidad na lamang ang pagsalang ng panukalang batas sa pangatlo at pinal na pagbasa. Kasunod ng …

Read More »

Lipa Mayor Meynard Sabili and wife ma-swak na kaya sa Sandiganbayan?!

Bulabugin ni Jerry Yap

NABIGO ang mag-asawang Lipa Mayor Meynard Sabili at Bernadette Palomares na ibasura ng Ombudsman ang kasong violations of anti-graft and corrupt practices laban sa kanila dahil hindi nila napatunayan na walang probable cause ang reklamo sa kanila Noong Agosto 2016, naghain ng graft charges ang Ombudsman laban sa mag-asawang Sabili dahil sa isang kontrata sa isang radio station na pag-aari …

Read More »

Epektibo ang ‘Tokhang’

pnp police

LUMALABAS na inutil ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na ipinauubaya na niya sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatuloy ng kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot. Sinabi ni Duterte na simula nang ihinto ng PNP ang Oplan Tokhang nitong 30 Enero, muling naging aktibo ang operasyon ng ilegal na droga …

Read More »

Road rage sa QC: Gunman hindi makalulusot sa QCPD

LUTAS na! Ang alin? Iyong nangyaring malagim na road rage nitong nakaraang Sabado, 25 Pebrero 2017 dakong 3:00 pm, sa kanto ng Quezon Ave., at D. Tuazon St., Brgy. Doña Josefa, Quezon City. Teka, ba’t ang bilis naman yatang nalutas ang krimen? Nahuli na ba ang bumaril at nakapatay sa motorcycle rider na si Anthony B. Mendoza? Isa-isa lang ang …

Read More »

Leila De Lima sa kangkungan

MAGDASALTUNAY na walang kawala sa batas mga ‘igan si Senator Leila De Lima. Dahil sa inilabas na warrant of arrest laban sa Senadora ni Judge Juanita Guerrero ng Muntinlupa City Regional Trial Court, Branch 204, aba’y hayon sa rehas na bakal ang bagsak, ika nga’y sa kangkungan na pupulutin si De Lima. He he he… Dahil dito’y todo apela na …

Read More »

Prosesong mabilis kontra korupsiyon ng Hong Kong kalian kaya mangyayari sa PH?!

Bulabugin ni Jerry Yap

“THEY have to carry out their duties ‘whiter than white.’ Otherwise they may have to face serious criminal consequences.” Naniniwala si Lam Cheuk-ting, dating imbestigador ng Hong Kong Independent Commission Against Corruption (ICAC) at kasalukuyang mambabatas,  na ganito ang mensaheng ipinaabot ng hukuman sa iba pang public officials ng China. Ipinahayag ito ng mambabatas matapos mahatulan si dating Hong Kong …

Read More »

Sibakan blues

MAKULIT kaya sinibak! Ito ang nangyari sa apat na senador na kabilang sa Liberal Party (LP) na tuluyang sinibak sa kani-kanilang puwesto sa Senado nitong nakaraang Lunes ng mayorya ng Senado na pinamumunuan ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III. Ang LP senators na sinibak ay sina Sen. Risa Hontiveros, Sen. Bam Aquino, Sen. Kiko Pangilinan at Sen. Franklin Drilon.  …

Read More »

Betrayal of public trust at ang death penalty bill

LIGTAS na ang sinomang gagawa ng heinous crime o kasuklam-suklam na krimen oras na maipasa at maisabatas ang muling pagbuhay sa Death Penalty Bill na niluluto sa Kamara. Ipinagmalaki ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chairman ng House justice committee, na limitado lang sa mga kasong may kinalaman sa illegal drugs ang napagkaisahan nila na masakop at hindi na kasali …

Read More »