Friday , July 26 2024
ping lacson

Sobrang daldal ni Ping

MAKAKITA lang ng magandang butas o pagkakataon, pasok kaagad itong si Sen. Panfilo “Ping” Lacson.  Daldal kaagad sa harap ng media, makakuha lang ng magandang mileage.

Ang ganitong estilo ni Lacson ay hindi na bago.  Parang pusa na nag-aabang ng daga para masakmal niya ang balita. Ibig sabihin, kumukuha lang talaga si Lacson ng magandang tiyempo para maka-anggulo sa balitang mainit na pinag-uusapan.

Ang huling gimik nitong si Lacson ang pagsisiwalat na malamang na patayin ng NPA ang ilang miyembro ng CA kung hindi maikokompirma ang appointment ni Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo at Agriculture Secretary Rafael Mariano na pawang kilala bilang mga kaalyado ng makakaliwang grupo.

Ang ganitong pahayag ni Lacson ay maituturing na malaking balita pero, ang problema ay kung may batayan ba ang ipinahayag ng senador o kung sino ba sa miyembro ng CA ang nagsabing siya ay natatakot.

Walang matukoy si Lacson. Basta ang mahalaga sa kaniya ay masabi niya ito sa media kahit hindi naman siya ang mismong may kinalaman sa nasabing usapin.  Hindi ba tsismoso ang ganitong pag-uugali ni Lacson?

Kilala na natin si Lacson kung gaano kasanay magpaputok ng malaking balita pero ang problema kung ito ba talaga ay may katotohanan. Kaya mag-ingat, baka mapalundag sa mga susunod na gagawin ni Lacson na ‘paputok’ na balita.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pacquiao at Lapid ‘basurang’ kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio DAPAT pag-isipang mabuti ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kung nararapat bang …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-asawa for mayor sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ni Parañaque City Cong. Edwin Olivarez, ang utol …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paghihintay sa SONA

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INAASAHANG nakatutok ang mata ng lahat sa Presidente sa …

Dragon Lady Amor Virata

Daming fake news sa socmed mga apektado kawawa naman

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIYENTO PORSIYENTONG lumilitaw na ang social media ay ‘marites’ …

Sipat Mat Vicencio

Manalo kaya si Digong sa 2025 elections?

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang marami kung inaakalang tuluyang makalulusot si dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *