Friday , April 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Drug test sa Kongreso naburo

HALOS isang taon na ang nakararaan pero wala pa rin naipatutupad na mandatory drug test sa hanay ng mga kongresista sa kabila ng resolusyong inihain ni Surigao del Norte Rep. Ace Barbers.

Takot ba ng mga kongresista na sumailalim sa drug test? O, talagang meron lang mga adik na mambabatas sa Congress kaya hindi umuusad ang resolution na inihain ni Barbers?

Nakapagtataka kasi kung bakit sa kabila ng deklarasyon ni House Speaker Pantaleon Alvarez na magsasagawa ng drug test sa Kamara, lalo sa hanay ng mga kongresista, e mukhang nakalimutan na niya ito at hindi nagawang maipatupad.

Ang ibig bang sabihin ay exempted ang mga kongresista sa kampanya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte laban sa ipinagbabawal na gamot?  Ang pagiging legislator ba ay “badge” o ticket para hindi sila sumailalim sa drug testing?

Mukhang hindi naman yata tama ito dahil kung ang mahihirap ay nakukulong at napapatay sa kampanya laban sa droga, bakit sa simpleng drug testing lamang ay hindi magawa ng mga kongresista.

Mismong si Alvarez na rin ang nagsabi na mahalagang sumailalim ang mga mambabatas sa drug test para na rin maging malinis sa ipinagbabawal na gamot at maging maayos ang kanilang trabaho sa paggawa ng mga batas.  Bukod dito ay magiging mabuting ehemplo sila ng kani-kanilang constituents.

Kung nagawa noong mga nakaraang Congress na maipa-drug test ang mga mambabatas, bakit tila atubili ngayong ipatupad ito ni Alvarez?  Meron ba siyang pinoproteksiyonang kongresista na malapit sa kanya?

Sakali bang dumaan sa mandatory drug testing ang mga mambabatas ay magugulat na lamang tayo na marami pala sa kanila ang lulong sa ipinagbabawal na gamot?

Sa ngayon, maraming kontrobersiyang kinakaharap ang liderato ng Kamara, at lumalabas na marami pa ring panukalang batas ang nabuburo sa mga committee sa kabila na iyon ay pawang priority bills ni Digong.

Maituturing na palpak ang liderato nitong si Alvarez sa Kamara, mula sa pagsasagawa ng batas hanggang sa pagsuporta sa programa ni Digong laban sa ipinagbabawal na gamot.

Hindi pa huli ang lahat, kailangang isulong ni Alvarez ang mandatory drug testing sa mga le-gislator para hindi mapulaang ang kanyang liderato ay hindi sumusuporta sa kampanya ni Digong kontra sa droga.

Hindi rin katuwirang sabihin ng isang congressman na ang mandatory drug testing ay labag sa karapatan ng isang indibiduwal at ma-kabubuti kung gawin ito sa pamamagitan ng vo-luntary drug testing.

Hoy, adik! Kung wala kang itinatago, sasai-lalim ka kahit ano pang klaseng drug testing ‘yan!

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *