Friday , December 9 2022

Magulang ng batang pasaway panagutin

ISINUSULONG ngayon sa Kongreso ang pagpapababa sa edad ng kriminal. At kasabay nito, ipinanukala rin na bukod sa mga batang kriminal na dapat parusahan ng batas, bigyan din ng kaparusahan ang kanilang mga magulang.

Sa panukala ni party-list Rep. Jose Panganiban (ANAC-IP), dapat panagutin ang mga magulang ng mga batang nakagawa ng krimen dahil sila ang dapat nangangalaga sa kanila, dapat sila ang may responsibilidad sa kanilang mga anak.

May punto ang ganitong rason ng may panukala ng batas.  Sinususugan natin ang punto na ang sala ng anak, lalo pa’t menor de edad pa lang, ay dapat maging sala ng magulang.  Ito ay para bigyang-diin ang tunay na kahalagahan ng papel ng mga magulang.

Ang papel ng magulang ay hindi lang sa pagluwal at pagbuhay ng kanilang mga anak.  Hindi ito natatapos lang sa pagbibigay ng kanilang makakain, kundi ang mapag-aral din sila, at gabayan ng mabubuting asal at kung paano sila magiging responsableng mamamayan ng lipunan.

Kung ang siste lang ng magulang ay mag-anak nang mag-anak at hindi sila kayang giyahan kung paano maging responsableng mamamayan, talagang dapat unahing maparusahan ang mga magulang ng mga batang nakagawa ng krimen.

Kailangang madaliin ang pagsasabatas ng panukalang ito para maipasapol sa bawat mga magulang ang kanilang obligasyon sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Rabies, isda, at bakuna

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. LABINLIMANG TAON na ang nakalipas nang, sa bisa ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Alulong ng mga detractors ni IG Triambulo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MISTULANG mga lobo na umuungol tuwing kabilugan ng buwan ang iilang …

Dragon Lady Amor Virata

Balik normal ang mga mandurukot

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SOBRANG GUTOM na nararanasan ng tao ngayon sa ating …

Sipat Mat Vicencio

Si Imee sa Maynila sa 2025

SIPATni Mat Vicencio MALAMANG na magbago ang mukha ng politika sa Maynila kung tuluyang hindi …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors pinalayas sa puwesto kapalit ng pay parking slot ng mga motorsiklo

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang sinapit ng maraming vendors dito sa Maynila matapos silang palayasin …

Leave a Reply