Friday , November 15 2024

Opinion

P50-M kinupitan ng P1-K nina Argosino at Robles, inabsuwelto sa plunder

sandiganbayan ombudsman

INABSUWELTO ng Office of the Ombudsman sa kasong plunder sina dating Bureau of Immigration (BI) deputy commissioners Michael Robles and Al Argosino na sumabit sa pangingikil ng P50 milyon mula sa dayuhang illegal online gambling operator na si Jack Lam. Pinababa ng Ombudsman sa “graft” at “direct bribery” ang kaso laban sa dalawang dating BI officials mula sa dapat sana ay plunder …

Read More »

Revolutionary gov’t ng pangulo labag sa batas (Unang Bahagi)

ANG banta ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na magtatayo siya ng isang “revolutionary government” para mapangalagaan ang kanyang administrasyon laban sa mga tinawag niyang “destabilizers” ay malinaw na labag sa 1987 Constitution dahil wala itong probisyon para sa pagtatatag nito. Nilagyan ng maraming proseso ang Saligang Batas para mapangalagaan ang pamahalaan o legal na mabago ang estruktura nito kung nanaisin …

Read More »

Whattt?! Casino sa educational hub ng Diliman Quezon City?!

Bulabugin ni Jerry Yap

DESMAYADO ang mga taga-Quezon City kaya humingi na sila ng tulong kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Ito ay kaugnay ng itinatayong Bloomberry’s Casino Hotel sa Vertis North na matatagpuan sa Agham Road, Diliman, Quezon City. In short, hindi welcome sa mga taga-Kyusi lalo sa Diliman, na gawing gambling hub ang kanilang lugar. Lalo na sa Agham Road, na kinatatayuan ng …

Read More »

Obstruction sa kalye lagot kay Duterte (Illegal parking dapat nang alisin ng MMDA)

Bulabugin ni Jerry Yap

TIWALA si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim na maipapatupad na nila ang paglilinis ng lahat ng mga obstruction sa main thoroughfare sa buong Metro Manila matapos ang maigting na direktiba ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte noong kanyang 2nd State of the Nation Address (SONA). Mukhang babalik na ang bilib ng mga tinabangan kay MMDA Chair Danny Lim, …

Read More »

Impeachment trial kay Bautista, binaril ni Pres. Rody Duterte

OPISYAL nang tinanggap ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte ang pagbibitiw ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista nitong nakaraang linggo. Naisahan ni Bautista ang mga mambabatas, hindi na nila siya maisasalang sa impeachment trial. Tiyak na ang hindi natuloy na impeachment trial kay Bautista ay ikinalungkot ng mga PR na umaasang malaki ang kikitain kapalit ng serbisyo sa mainstream media …

Read More »

Digong sisibakin si Alvarez

Sipat Mat Vicencio

SOBRA-SOBRA na ang kahihiyan at kapalpakan ang ginagawa nitong si Rep. Pantaleon Alvarez, at napapanahon na para sipain at palitan sa kanyang puwesto bilang Speaker ng House of Representatives. Hindi pa ba sapat ang resulta ng survey ng Pulse Asia at Social Weather Station (SWS) na nagpapakita ng pagbagsak ng performance rating ni Alvarez simula nang pamunuan niya ang Kamara? …

Read More »

Estratehiya, tamang mensahe

KAILANGAN ng angkop na estratehiya ang Malacañang sa larangan ng komunikasyon upang epektibong maipaliwanag ang tamang mensahe ng Pangulong Rodrigo Duterte sa masa. Imposibleng hindi makikinig ang Pangulo sa kanyang mga alter-ego gaya nina Presidential Spokesman Secretary Ernesto Abella at Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar. Sa strategic messaging ng Pangulo, angkop na gabay ang kanyang kailangan mula kina …

Read More »

Maraming abusadong dayuhan ang nasa Ph

PANGIL ni Tracy Cabrera

The traveler sees what he sees, the tourist sees what he has come to see. — Gilbert K. Chesterton PASAKALYE: Hindi na implementasyon ang isyu sa problema sa trapiko kundi pondo para sa pagkakaroon ng epektibong mass transportation system, ayon kay Transport and Traffic Transport Planners Inc., senior consultant Dr. Primitivo Cal sa pagtalakay ng planong modernisasyon ng transportasyon na …

Read More »

Honest immigration officer

Bulabugin ni Jerry Yap

ISANG magandang ehemplo ang ipinamalas ng isang Immigration Officer (IO) sa airport nang isauli niya sa mga kinauukulan ang US$1,900 na kanyang natagpuan sa kanyang counter sa terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong nakaraang September 7. Si IO Reimond Abegail Lagman na noon ay naka-duty sa kanyang counter bilang “officer of the day” ay nagulat matapos makita …

Read More »

Talupan si Bautista!

MATITINDING unos ang nakatakdang sagupain ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista matapos baliktarin ng Kamara ang naibasurang impeachment case laban sa kanya. Paniwala natin, taktikang-pusit ang pagsusumite ni Bautista ng resignation nang makatunog na patatalsikin siya ng Kamara, kamakalawa. Tiyak na nasabihan ng kanyang mga kaalyado sa Kamara si Bautista bago pa pagbotohan ang pagpapatalsik sa kanya kaya maaga …

Read More »

Sisihin ang nakapalibot kay Digong

Sipat Mat Vicencio

KUNG meron mang dapat sisihin sa pagbagsak ng satisfaction at trust rating ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, ito ay walang iba kundi ang mga taong nakapalibot sa kanya at nakapuwesto sa kasalukuyang administrasyon. Sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS), lumagapak ang net satisfaction rating ni Digong sa third quarter ng taon. Bumagsak ng 18 puntos ang net satisfaction rating …

Read More »

Prinsipyo’t hindi karahasan ang dapat magbuklod sa mga kapatiran

NAKALULUNGKOT na ang isang kapatiran o fraternity/sorority na dapat sanang tagapagtaguyod ng kapakanan ng mga ibig maging kaanib nito ang kung minsan ay nagiging daan sa kanilang kapahamakan kundi man maagang kamatayan. Ang malungkot na katotohanang ito ay nabigyang buhay na naman nang masawi ang UST law student na si Horacio Castillo III sa isang initiation rites umano ng kapatirang …

Read More »

Makababawi pa si Digong

HINDI na tayo nagtataka kung bumagsak man ang rating ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa pinaka-latest na survey ng Social Weather Station, na bumagsak ng 18 puntos ang kanyang net satisfaction rating. Maraming matitinding isyu ang nangyari sa gobyernong Duterte, kaya kahit na anong kontrobersiya na maungkat, tiyak na madadawit at madadawit ang pangulo rito, dahilan para nga bumagsak ang …

Read More »

Mabilis na pagdami ng mga naghihirap

BUMULUSOK daw sa mahigit 15 porsiyento ang ibinagsak ng popularidad ni Pres. Rodrigo “Digong” Duterte sa pinakahuling survey na mukhang ikinataranta ng Palasyo at mga kaalyado ng administrasyon. Ayon sa survey, malaking porsiyento raw sa ibinagsak ng popularidad ni Pres. Digong ay mula sa “Class E” o hanay ng mga maralita na nawawalan ng bilib sa pangulo. Ang pagkadesmaya ng mga …

Read More »

Manedyer ni Zander Ford nanggoyo ng mga estudyante

MAY malaking kabulastugan ang talent manager ni Marlou Alizala, alyas Zander Ford. Pinasikat siya sa prorama ni Korina Sanchez-Roxas sa Rated K dahil biktima kuno ng cyberbullying kaya sumailalim sa cosmetic surgery para raw mabago ang kanyang panlabas na anyo. Pero nang nag-trending si Zander Ford, ilang graduating students ng University of Caloocan City ang nag-request sa kanyang manedyer na …

Read More »

Nagpapalusot na

TILA nagpapalusot na ang administrasyong Duterte sa harap ng United Nations at grupong Human Rights Watch sa pagsasabing ayon sa depinisyon ng Extrajudicial Killing na ipinalabas ng nagdaang administrasyong Aquino ay walang EJK na nagaganap sa Filipinas. Dangan kasi ayon sa limitadong depinisyon ng Administrative Order 35 na pinirmahan ni dating justice department secretary at ngayo’y senadora na si Leila …

Read More »

Gone are the days of meticulous people in the gov’t service

Bulabugin ni Jerry Yap

TAO lang po. Ito ang madalas na ikinakatuwiran kapag pumapalpak o sumasalto kahit sa simpleng trabaho. O kaya naman sasabihin, puwede namang magkamali basta importante marunong humingi ng sorry. Madalas mangyari ito sa mga ahensiya ng gobyerno na dapat sana ay metikuloso sa editing and proofreading. Kapag sumasalto, nag-i-erratum. E paano kung sa diplomatic community nangyayari ang mga ganitong klase …

Read More »

P21 umento sa sahod: Maigi kaysa wala

NOONG isang linggo naging epektibo ang dagdag na P21 sa arawang suweldo ng mga manggagawa sa Metro Manila. Nangangahulugan, hindi na P491 ang suweldo kada araw ng ating mga minimum wage earner kundi P512 na. Maraming nagsasabi na tila wala namang saysay ang sinasabing umento. Hindi rin umano ito mararamdaman ng pamilya ng bawat kasapi ng sinasabing uring manggagawa dahil …

Read More »

Intensity PC sa San Mateo (Rizal),  ayaw mag-isyu ng OR? Bakit?

TAX reform, isa sa isinusulong ng gobyernong Duterte hindi para gipitin ang mga negosyante kundi para sa mga proyekto o programang ilulunsad ng pamahalaan. Naniniwala ang Palasyo na kapag makalusot ang tax reform sa Kongreso, malaki ang maitutulong nito sa magagandang plano ng pamahalaan. Sang-ayon sa gobyerno, sa tax reform ang higit na makikinabang dito ay maliliit na mamamayan o …

Read More »

Hulidap?

MAY panibagong anggulo sa pamamaslang sa 19-anyos na si Carl Arnaiz na ibinunyag ang Public Attorneys’ Office (PAO) na pinamumunuan ni Persida Acosta. Posible umanong insidente ito ng hulidap na sinusubukang kotongan ng mga tiwaling pulis ang kanilang inaresto upang hindi kasuhan. Umalis si Carl sa kanilang bahay sa Cainta, Rizal noong 17 Agosto 2017 at nawala nang 10 araw. …

Read More »

Matatag pa rin ang DoJ at NBI

KUNG magandang serbisyo publiko ang pag-uusapan ngayon ay talagang maganda ang samahan ng Department of Justice (DoJ) at National Bureau of Investigation (NBI). Maganda kasi ang working relationship nina Secretary Vitaliano Aguirre at Director Dante Gierran. Hindi nagkamali ang ating Pangulo na italaga sila sa DOJ at NBI dahil sila ang mga opisyal ng gobyerno na tapat sa tungkulin. Dapat …

Read More »

DoLE Region 4A Director pasakit sa Obrero

MAIGTING ang hinaing at panawagan ng isang grupo ng mga manggagawa na agad aksiyonan ng Malakanyang ang  isang opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa lalawigan ng Laguna dahil sa umano’y pagiging pabaya nito sa trabaho upang maprotektahan ang maliliit na obrero. *** Layunin na papanagutin ng grupong Liga ng mga Manggagawa para sa Regular na Hanapbuhay – …

Read More »

Walang kuwentang rigodon sa Customs

MAAGA pa para husgahan ang liderato ni retired Gen. Isidro S. Lapeña bilang bagong commissioner ng Bureau of Customs (BOC). Pero gusto man natin magtagumpay ang pamahalaan sa pagsugpo ng katiwalian ay mukhang malabong matupad ni Gen. Lapeña ang misyon na malipol ang “tara system” sa Customs. Nagpalabas kamakailan ng Customs Personnel Order (CMO) si Gen. Lapeña para sa re-assignment ng …

Read More »

‘Girl Power’ sa Senado

Sipat Mat Vicencio

MUKHANG ngayon pa lang nagkakagulo na ang mga partido politikal sa bansa kung sino-sino ang kanilang gagawing pambatong kandidato sa senatorial race para sa  darating na midterm elections sa May 2019. Hindi maikakaila na ang PDP-Laban na ngayon ay pinamumunuan ni Senate President Aqui-lino “Koko” Pimentel III ang pinakamaimpluwesiya kung makinarya ang pag-uusapan dahil ito ang kasalukuyang partido ni Pangulong …

Read More »