Wednesday , April 17 2024

Philippine media dapat mangamba

HINDI maganda ang balitang pagpapasara sa news portal na Rappler, nitong nakalipas na dalawang araw, base sa
order na inilabas ng Securities and Exchange Commission.

Lalong nalalagay sa alanganin ang imahe ng administra­syong Duterte dahil sa ginawang utos ng SEC laban sa Rappler na kilala namang isang news organization na kritikal sa kasalukuyang pamahalaan.

Kaya nga, hindi malayo na ang nakikita o nababasa ngayon ng publiko ay may impluwensiya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa ipinalabas na order, lalo pa’t noong isang taon ay tila may pagbabanta ang pangulo na kesyo ipasisilip o paiimbestigahan ang Rappler dahil ito umano ay pag-aari ng banyaga.

Bagama’t may sinasabing may mga paglabag na ginawa ang Rappler, hindi maaaring maging tugon ng pamahalaan dito ay biglaang pagkakansela sa rehistrasyon ng nasabing news organization.

Kahit saang anggulo ito tingnan, hindi maitatago na may bahid ng pangha-harass ang ginawang ito ng SEC, isang bagay na hindi dapat ipinaiiral sa isang bansa na sinasabing demokrasya ang nangingibabaw.

Hindi maitatanggi na isang uri ito ng pagsikil sa malayang pamamahayag. Nakapangangamba ang ganitong mga sitwa­syon.

Ano kaya ang kinakaharap ng Philippine media ngayon?

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Dragon Lady Amor Virata

OIC chief of police, kapuri-puri

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HUMARAP kamakailan si OIC Chief of Police ng lungsod …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *