Saturday , October 5 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

PAO chief Acosta entrometida ba!? (Dengvaxia ‘ibibiyahe’ sa senado)

KUNG mayroong pangarap sa politika, huwag kaladkarin ang pinakaimportanteng imbestigasyon sa kasaysayan ng kalusugan at siyensiya sa ating bansa.

Ganito ang gusto sana nating ipayo kay Public Attorneys Office (PAO) chief, Atty. Persida Acosta.

Hindi natin maintindihan kung bakit sumasawsaw si Madam Persida sa isyu ng Dengvaxia gayong mayroon nang isinasagawang imbestiga­syon ang mga kaukulang awtoridad at ahensiya ng pamahalaan.

Aba, madalas natin siyang napagkikita sa iba’t ibang estasyon ng TV sa mga news and public affairs shows at kabi-kabilang interbyu sa radio.

Ganoon din ang kanyang pangalan sa mga broadsheet at tabloids. Inseparable na nga ang pangalan niya sa Dengvaxia.

Sa sobrang sikat ng Dengvaxia, puwede na itong ikabit ni Madam sa pangalan niya, Persida “Dengvaxia” Acosta.

Anyway, gusto naman natin ang ginagawa niyang pag-alalay sa mga nangangailan ng free legal service lalo sa hanay ng mga maralita.

Kung pagbabasehan ang mandato ng kanyang opisina, talaga na­mang ang ginagawa ni Acosta ay pagbibigay ng libreng serbisyong legal sa umano’y biktima nitong Dengvaxia.

Marami sa mga naturukan ay mga batang mula sa maralitang pa­milya.

Pero, may malaking pero…

Hindi natin maintindihan kung bakit pumapapel si Dr. Edwin Erfe, forensic consultant ng PAO, sa paglalabas ng mga iresponsableng pahayag hinggil sa pagkamatay ng mga batang umano’y naturukan ng Dengvaxia.

Ayon kay Erfe, may ‘pattern’ daw sa pagkamatay ng mga bata. Ang tanong — conclusive finding na ba ito na may pattern at talagang sa pagturok ng Dengvaxia namatay ang mga bata?

Mismong sa bibig ni Erfe nagmula at sinabing hindi. O hindi naman pala konklusibo, e bakit talak nang talak ang boss ni Erfe na si Madam Acosta na nagsasabing mayroong epidemya ng severe dengue sa Filipinas at lagot na sa batas ang mga taga-Department of Health (DOH) at Sanofi Pasteur?

Mukhang isinasalang ni Madam Persida ang kanyang karera at reputasyon sa isang ‘reckless’ na opinyon, ‘di ba?

Sabi nga ng mga tambay sa kanto, mukhang epal o entrometida ang dating ni Madam Acosta…

Pasintabi na lang po.

Mismong ang DOH ay nagsasabing walang epidemya. Pero si Madam Persida, panay na ang pa-interview sa media, at iginigiit na may epi-demya.

Sinong  dapat nating paniwalaan kung ga-yon?

Kung susuriin ang PAO law, wala ni isang probisyon doon na nagbibigay ng kapangyarihan na mag- imbestiga sila o tumayong medical experts.

Mismong ang boss ni Acosta na si Secretary Vitaliano Aguirre ay nagsabi, ang lead agency ay National Bureau of Investigation (NBI), bakit nakikisawsaw ang PAO?

Paano kung maging iba ang resulta ng NBI investigation at ng PAO? Paano rin kung maging iba ang imbestigasyon ng DOH at ng PAO — karambola na tiyak.

Sino ang mapuputukan at mapapahiya?

Siyempre walang iba kundi si Pangulong Ro­drigo “Digong” Duterte.

Tulad natin, siyempre mas gusto ng pangulo na malaman ang katotohanan. E paano kung wala pang conclusive findings, ‘ipinapako’ na ni Acosta ang mga sasampahan niya ng asunto?

Dahil ba alam ni Acosta na mahina ang kaso kaya publicity ang hanap niya?

O baka, may mas malalim na dahilan na konektado sa 2019 senatorial elections?

Aruykopo!

Ang mga iresponsableng pahayag ni Madam Acosta ay nagbubunsod ng ‘panic’ at takot lalo sa mga magulang at sa mga anak nila.

Marami na ngayong mga magulang ang ayaw pabakunahan ang kanilang mga anak dahil sa takot sa epekto ng bakuna.

Kagagawan ‘yan ng mga tulad ni Acosta na hindi man lamang nag-isip na sila ay mga opisyal ng gobyerno at bawat buka ng bibig nila, ay paniniwalaan ng mga mamamayan.

Be careful Madam, lalo na kung may pangarap kayong ‘bumiyahe’ sa Senado.

Hintayin natin ang opisyal na resulta.

Huwag naman sana ninyong gamiting ‘pasahe’ sa senado ang Dengvaxia at ang damdamin ng mga magulang at mga bata.

‘Yun lang po!

Biyaheng Manila-Davao
KOLORUM NA SUPER 5 BUS
PROTEK-TODO
NG LTFRB OFFICIAL?!

KUNG namamayagpag ang mga kolorum na van sa illegal terminal sa Plaza Lawton sa Ermita, Maynila, parang sumasalipawpaw naman sa kaligayahan ang bus na Super 5, na may biyaheng Manila-Davao and vice versa.

Ang sabi, kolorum umano ang Super 5. Pero kapag may operation ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), wala man lang makitang nahuhuling Super 5.

Mismong mga empleyado na ng LTFRB ang nakapapansin niyan!

Mahusay ba silang umiwas? O mabilis na nakapagtatago dahil natitimbrehan? O hindi talaga hinuhuli ang Super 5 dahil malilintikan sa isang LTFRB tongpats official ang mga huhuli?

Totoo ba ang napababalitang ang Super 5 ay kilyente ng isang LTFRB official kaya todo-iwas ang mga anti-colorum operatives kapag may nakikita silang Super 5 sa kalsada?!

Wattafak!?

Mantakin ninyo, ilang kilometro ba ang biyahe ng nasabing bus tapos sasakay pa sa barko pero wala man lang naglakas ng loob na hulihin?!

E bakit nga?!

May malaking ‘reptile’ raw na nakabantay sa Super 5. Sino man ang magtatangkang hulihin ang Super 5, ay magmimistulang lamok na hinuli ng dila ng nasabing reptile.

Yuckie!

Grabe ‘yan ha, LTFRB chief, Atty. Martin Delgra III?! By the way, naimbestigahan na ba ninyo kung sino ‘yung manyakol na opisyal ng LTFRB na walang ginawa kundi asuwangin ang mga babae sa opisina nila?!

E ‘yung Region IV-A official na nagpapatayo na ng mansion sa Leyte, alam na rin ba ninyo kung sino?!

Tsk tsk tsk… masyado ‘ata talagang malihim si LTFRB Chair Delgra.

Ano ba ‘yan?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Sipat Mat Vicencio

Laban ni FPJ:  Inumpisahan ni Grace, tatapusin ni Brian

SIPATni Mat Vicencio NAGSIMULA ang ‘laban’ ni Senator Grace Poe nang bawian ng buhay ang …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors muling nag-hari sa Blumentritt

YANIGni Bong Ramos MULI na namang namayagpag ang mga vendor sa kahabaan ng kalyeng Blumentritt …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Delusional, kung ‘di man desperada

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DELUSIONAL na marahil ang ating Bise Presidente, si Inday …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Suwerteng QCitizens, bibilhan ng condo ni Mayor Joy B.

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPAKASUWERTE talaga ng QCitizens sa pagkakaron ng isang Alkalde na ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *