Sunday , December 21 2025

Gov’t/Politics

Bangayan sa AFP ikinabahala sa Kamara

010923 Hataw Frontpage

ni GERRY BALDO NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang isang militanteng kongresista matapos umalingawngaw ang ‘internal squabbling’ sa hanay ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ayon kay House Deputy Minority leader France Castro, nakababahala ang mga napababalitang gaya nito. “Nakababahala ang ganitong mga sinasabing ‘squabblings’ sa loob ng AFP dahil kung may ganito ay maaaring magkaroon na naman …

Read More »

Migrant Workers Office opisyal na pangalan ng POLO Singapore

Department of Migrant Workers

NAGBIGAY ng abiso ang Philippine Embassy sa Singapore, sa mga Pinoy sa pagpapalit ng bagong pangalan ng 𝐏𝐎𝐋𝐎-𝐒𝐢𝐧𝐠𝐚𝐩𝐨𝐫𝐞. Pinalitan na ang pangalan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Singapore. Ito ay Migrant Workers Office (MWO) na ngayon , base sa pagkakatatag ng Department for Migrant Workers, sa ilalim ng Republic Act No. 11641. Pinapayohan ang mga Filipino doon na …

Read More »

Special rate sa airfare ng returning OFWs panawagan ni Tulfo 

OFW

UMAPELA si Senador Raffy Tulfo sa airline companies na bigyan ng special rate sa airfare ang mga returning overseas Filipino workers (OFWs) na nangangarap makapiling ang kanilang pamilya pagkatapos ng mahabang panahon na pagkakawalay sa kanila. Ayon kay Tulfo, dumoble ang presyo ng pasahe papasok at palabas ng bansa dahil sa pagkasira ng Communications, Navigation and Surveillance System for Air …

Read More »

EDCOM II kasado na ngayong Enero 2023

Students school

TINUKOY ni Senador Win Gatchalian na nakatakdang simulan ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) ngayong Enero 2023 ang pagrepaso sa sistema ng edukasyon sa bansa. Ayon kay Gatchalian, co-chairperson ng EDCOM II, mahalaga ang magiging papel ng Komisyon sa pagtugon ng bansa sa krisis sa sektor ng edukasyon, bagay na pinalala ng pandemyang dulot ng COVID-19. Nilikha ang …

Read More »

Sa Malacañang
5 TANGGAPAN ‘IBINALIK’ SA ESTRUKTURA NG OP

Malacañan

LIMANG tanggapan sa Malacañang ang inilagay sa ilalim ng Office of the President alinsunod sa nilagdaang Executive Order No. 11 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Batay sa EO No. 11, hindi na hiwalay na kagawaran ang Office of the Press Secretary na tinawag na ngayong Presidential Communications Office (PCO),  ito’y nasa ilalim na lamang ng OP kasama ang iba …

Read More »

Sa isyu ng pamamalakaya ng mga Pinoy
‘COMPROMISE AGREEMENT’ APROBADO KINA MARCOS, XI

Bongbong Marcos Xi Jinping

NAGKASUNDO sina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., at Chinese President Xi Jinping na maghanap ng kompromiso at mga hakbang na magiging kapaki-pakinabang sa mga mangingisdang Filipino. Matapos tukuyin ni FM Jr., kay Xi ang kalagayan ng mga mangingisdang Filipino sa West Philippine Sea sa kanilang bilateral meeting sa Great Hall of the People sa Beijing, China kahapon. “I was very …

Read More »

Hamon ni Abalos
RESIGNATION NG GENERALS, FULL COLONELS
PNP ‘linisin’ vs illegal drugs

010523 Hataw Frontpage

ni ALMAR DANGUILAN NANAWAGAN si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos, Jr., sa mga heneral at full colonel ng Philippine National Police (PNP) na magsumite ng kanilang courtesy resignation. Bahagi aniya ito ng pagsusumikap ng pamahalaan na malinis ang hanay ng pulisya mula sa mga opisyal na sangkot sa illegal drug trade. Sa isang pulong …

Read More »

Bagong rehab center sa Bulacan pinasinayaan

Daniel Fernando Alexis Castro Tanglaw ng Pag-asa Youth Rehabilitation Center Bulihan Malolos Bulacan

SA LAYUNING masagip atmagabayan ang mga kabataang lumabag sa batas o children in conflict with the law (CICL) tungo sa mas magandang kinabukasan, pinasinayaan ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel Fernando kasama ang Provincial Social Welfare and Development Office ang bagong Tanglaw ng Pag-asa Youth Rehabilitation Center (TPYRC) na matatagpuan sa Brgy. Bulihan, sa lungsod ng …

Read More »

Fernando, humakot ng 24 parangal para sa Bulacan

Daniel Fernando Alexis Castro Bulacan Awards

PANIBAGONG milyahe ang nakamit ng lalawigan ng Bulacan sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Daniel Fernando sa pagtanggap niya ng kabuuang 24 nasyonal at rehiyonal na parangal para sa unang anim na buwan ng ikalawang termino ng punong lalawigan. Inialay ni Fernando ang mga parangal sa mga tao sa likod ng nasabing  tagumpay, ang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan ng …

Read More »

Navotas namahagi ng livelihood packages

Navotas

NAMAHAGI ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng livelihood packages sa 80 Navoteños sa ilalim ng Angat Kabuhayan program ng NavotaAs Hanapbuhay Center. Sa bilang na ito, 30 ang senior citizens, 10 ang persons with disabilities (PWDs), 20 ang parents of child laborers, at 20 ang retired o displaced overseas Filipino workers (OFWs). Hinikayat ni Cong. Toby Tiangco ang mga benepisaryo …

Read More »

Proactive policy ‘missing’ – Sen. Poe
NATIONAL GOVERNMENT INALARMA SA ‘ARRIVALS’ NG CHINA PASSENGERS

PHil pinas China

NANAWAGAN si Senadora Grace Poe sa pamahalaan na magpatupad ng tinatawag na proactive policy para sa mga pasaherong papasok ng bansa mula sa bansang China. Ayon kay Poe, dapat magpatupad ng COVID testing requirements sa mga pasaherong galing China lalo sa sa 8 Enero 2023 na tatanggalin na ang China travel restrictions. “The lack of proactive policies on the matter …

Read More »

Bilyones na smuggled agri products isama sa agenda ni Marcos kay Xi

Bongbong Marcos Xi Jinping

NANAWAGAN ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., isama sa agenda sa pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping ang talamak na smuggling ng mga produktong agrikultural, partikular ang sibuyas, mula sa China. Giit ng KMP, habang ang China ang nangungunang kasosyo sa kalakalan ng Filipinas noong 2021, umiiral pa rin ang napakalawak na ilegal na kalakalan. …

Read More »

CAAP aminado sa lumang CNS/ATM equipment

CAAP

AMINADO ang Civil Aviation Authority of the Phillipines (CAAP), luma na ang Communications, Navigation, and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) System ng CAAP. Ayon sa CAAP, taong 2019 nang simulang gamitin ang nasabing equipment. Sa pahayag ng CAAP, ang naturang equipment ay pinondohan pa noong 2017  ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa halagang P10.8-bilyon. Kinompirma ng CAAP na nagsumite sila …

Read More »

3 resolusyon inihain sa Senado
AIRSPACE SHUTDOWN IMBESTIGAHAN

plane Control Tower

NAGHAIN sina Senate Majority Leader Joel Villanueva, senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla, Jr., ng magkakahiwalay na resolusyon para humiling na magsagawa ng kaukulang imbestigasyon ukol sa naganap na airspace shutdown na sinabing dahilan ng ‘technical glitch.’ Nakapaloob sa resolusyon ni Villanueva, kung magpapatuloy ang airspace traffic management ay tiyak na magkakaroon ng epekto sa local at foreign tourists. Tinukoy …

Read More »

Kapag ‘di umayos, FM Jr., ‘mamalasin’ sa 2023
CRACKDOWN VS TRADERS, HOARDERS INIHIRIT
Sibuyas binili ng P20/kg, ibinenta ng P700/kg

010423 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario NANAWAGAN si dating Political Affairs secretary Ronald Llamas sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., magsagawa ng crackdown sa traders at hoarders ng sibuyas kaysa maglabas ng ‘walang ngipin’ na suggested retail price (SRP). Sa panayam sa Politiko, sinabi ni Llamas na traders lamang ang nakikinabang sa sobrang taas ng presyo ng sibuyas na umabot sa …

Read More »

Supporter ni Jalosjos lalong dumarami

Romeo Jalosjos Jr

SA kabila ng kasalukuyang unos na nararanasan ni Zamboanga del Norte 1st District Rep. Romeo Jalosjos Jr., kaakibat pa rin niya ang kasiyahan dahil sa lalong lumalakas na suporta na kanyang nakukuha mula sa kanyang mga constituent sa kanilang lugar. Si Jalosjos ay tinanggal kamakailan ng Secretary General sa talaan ng mga miyembro ng House of Representatives.  Ang huli umano’y …

Read More »

FM Jr., pinigil PhilHealth contrib hike

Philhealth bagman money

INUTUSAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na suspendihin ang pagpapatupad ng dagdag sa monthly contribution ng mga miyembro nito ngayong taon. Nakasaad ito sa memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin para sa Philhealth at sa Department of Health (DOH). “In light of the prevailing socioeconomic challenges brought about by the COVID-19 …

Read More »

Sa PH airspace shutdown,
DUTERTE ISALANG SA P10.8-B UNTRANSPARENT LOANS NG CAAP

CAAP

DAPAT managot ang mga responsable sa naganap na PH airspace shutdown noong Linggo, kasama si dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa Bayan Muna. “Heads must roll starting with Pres. Duterte who spent P10.8 billion in untransparent loans on CAAPs Communications Navigation Surveillance Air Traffic Management (CNS ATM) in 2018,” sabii ni Neri Colmenares, tagapangulo ng Bayan Muna.                Ang kahina-hinala …

Read More »

PH airspace shutdown, busisiin — Palasyo

010323 Hataw Frontpage

MASUSING pagsisiyasat ang ginagawa ng mga kinauukulang ahensiya kasunod ng pansamantalang pagsasara ng airspace ng Filipinas noong Linggo, ayon sa Malacañang. “A thorough investigation is being conducted by appropriate agencies,” ayon sa Office of the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil sa text message sa mga mamamahayag. Hindi bababa sa 282 flights ang kinansela, inilihis, o naantala sa araw ng Bagong …

Read More »

Tulfo dalawang beses na-bypass ng CA
DSWD MAY BAGONG OIC USEC PUNAY ITINALAGA

122822 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., si Undersecretary Eduardo Punay bilang officer-in-charge ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Kinompirma ito ni Office of the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil sa isang kalatas kahapon. Hinirang si Punay bilang officer-in-charge ng DSWD matapos ang dalawang beses pag-bypass ng Commission on Appointments (CA) sa ad interim appointment ni …

Read More »

Rehistro ng SIM, ‘wag pahirapin

Sim Cards

DAPAT gawing madali ang pagpaparehistro ng kanilang subscriber identity module (SIM) habang sinisigurong pribado ang kanilang datos at impormasyon, pagdidiin ni Sen. Grace Poe sa simula ng implementasyon ng batas sa rehistrasyon ng SIM sa 27 Disyembre.                “Tulad ng pagpapadala ng mensahe sa text, dapat maging madali ang pagpaparehistro ng SIM,” ani Poe. Nanawagan ang senador sa mga telco …

Read More »

Matatag na internet connection tiniyak sa mga liblib na lugar

internet connection

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na patuloy na magtatrabaho sa pagtatatag ng mga koneksiyon sa internet sa mga liblib na lugar sa bansa ang kanyang administrasyon dahil naging pangunahing pangangailangan sa sa post-pandemic ang pag-access sa web. Inihayag ito ni Marcos Jr., nang ‘mag-gatecrash’ siya sa isang Zoom call sa pagitan ng Department of Information and Communications Technology …

Read More »

China state visit kapag itinuloy
FM JR., BAKA MAGING COVID-19 SPREADER

Bongbong Marcos China Philippines

ni ROSE NOVENARIO NANAWAGAN si public health advocate at former NTF adviser Dr. Tony Leachon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na irekonsidera ang nakaplano niyang China state visit sa susunod na linggo lalo na’t may surge ng kaso ng CoVid-19 sa naturang bansa. Ayon kay Leachon, dapat munang kumuha ng tunay na status ng CoVid-19 cases sa China mula …

Read More »

Automated censorship ng Facebook, inalmahan ng Bayan

122222 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario SA PAMAMAGITAN  ng mga ‘troll ng estado’ nagagawang pigilin, burahin o bawasan ng social media app Facebook ang malayang pagsasalita, ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan). Sa isang kalatas, sinabi ng Bayan na nakatanggap ito ng ulat na dumaraming mga pahayag at video ng mga miyembro nito ang tinanggal sa Facebook dahil naglalaman ng mga tungkol sa …

Read More »

Parreño bagong PAF chief

Stephen Parreño Philippine Air Force PAF

KOMPIYANSA si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na ipagpapatuloy ni bagong Philippine Air Force (PAF) commanding general, Major General Stephen Parreño, ng PAF ang pagtugon sa mga pangangailangan ng publiko sa ilalim ng kanyang liderato. Dumalo si Marcos Jr., sa change of command ceremony ng PAF na nagluklok kay Parreño bilang bagong commanding general kapalit ni Lieutenant General Connor Canlas, …

Read More »