Friday , December 19 2025

News

Magsyota pinilit magtalik ng armado (Bebot ginahasa rin ng suspek)

MASUSING iniimbestigahan ng pulisya ang kaso ng magkasintahang sinasabing pinilit na magtalik ng armadong lalaki sa lungsod ng San Jose Del Monte sa Bulacan noong Linggo ng tanghali. Inihayag ni San Jose Del Monte Police Chief Supt. Joel Estaris, pinaghahanap na ang suspek na inilarawan ng mga biktima. Ngunit duda ang mga awtoridad sa 21-anyos lalaking sinasabing pinilit ng armado …

Read More »

Abesamis pinaiimbestigahan sa PNP ang pagpatay sa barangay chairman sa Caloocan

HINILING ni Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Atty. Edmund Abesamis sa Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng malalimang imbes-tigasyon upang matukoy ang motibo at ang pag-kakakilanlan ng mga salarin sa pagpatay sa barangay chairman sa Caloocan City noong Martes ng umaga. Kasabay nito, nakiramay din si Abesamis sa pamilya ng napaslang na si Chairman Pedro Ramirez, 57-anyos …

Read More »

Abogadong opisyal ng PIAP-NBDB utas sa tambang

MASUSING iniimbestigahan ng Manila Police District (MPD) ang pagpatay sa isang abogado na konektado sa pag-iimprenta ng libro na tinambangan habang lulan ng kanyang kotse sa Sta. Ana, Maynila kahapon ng umaga. Hindi na umabot nang buhay sa Sta. Ana Hospital si Atty. Clinton Laudencia, Jr., 53, tubong Muñoz, Nueva Ecija at residente ng #677 Lerma St., Mandaluyong City,  sanhi …

Read More »

P10-M patong vs Tiamzons bigtime racket ng gov’t/AFP

“MUKHANG pinagkakakitaan pa ng gobyerno at militar ang ilegal na pag-aresto at pagdukot ng peace consultants, mga aktibista at ordinaryong sibilyan,” pahayag ni Karapatan secretary general Cristina Palabay kaugnay sa P10-milyon patong sa ulo ng mag-asawang Benito Tiamzon at Wilma Austria. “The Aquino government’s practice of criminalizing political acts to cover up the illegal arrests of peace consultants, activists and …

Read More »

Caloocan chairman dedo sa tandem ( 2 pa sugatan)

PATAY ang isang barangay tserman, nang pagbabarilin  ng hindi nakilalang riding in tandem, sa Caloocan City, iniulat kahapon ng umaga. Dead on arrival sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital,  sa Tala Estate, ang biktimang si Brgy. 183 Chairman Pedro Ramirez, 57-anyos, residente  ng Guadonville Subdivision, sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 baril sa iba’t ibang parte …

Read More »

Ngalan ng kursunada ipininta sa Iloilo dome engineer binawian ni Gov ng kontrata (Pag-ibig na makapangyarihan)

ILOILO CITY – Sermon ang inabot ng kontraktor na VN Grande Builders and Supply, kinomisyon para sa “repainting” ng kapitolyo, mula kay Iloilo Gov. Arthur Defensor, Sr., dahil sa vandalism sa Iloilo Provincial Capitol. Una rito, agaw-pansin ang pagpinta ng engineer sa nabanggit na kompanya ng mga salitang “Hi Adele” sa dome ng anim-palapag na kapitolyo para magpa-impress sa natipohan …

Read More »

P.3-M ecstacy nakompiska sa Bombay na La Salista

ARESTADO ng mga awtoridad ang estudyante ng De La Salle University sa Taft Avenue, Maynila, sa isinagawang buy-bust operation  sa Malate, iniulat kahapon Sa ulat ng pulisya, kinilala ang suspek na si Prahbijot Gill (y Singh), Indian national, 18-anyos, residente ng 462 Antipolo St., Sampaloc. Dakong 2:00 p.m. nagsagawa ng buy-bust ang pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency …

Read More »

Dentista hinoldap ng ‘kostumer’

HALOS masimot ang mahahalagang personal na gamit  ng isang dentista, nang looban ng isang nagpanggap na pasyente sa Sampaloc, Maynila, iniulat kahapon. Kinilala ni MPD-Station 4 commander Supt. Samuel B. Pabonito,  ang biktimang si Dra. Dulce Otamias, 45, ng G. Tuazon St., Sampaloc. Sa salaysay ng doktora, dakong 2:26 p.m. nang pumasok ang  suspek sa kanyang klinika, na inilarawang may …

Read More »

5-anyos hinalay ng tambay

DETENIDO sa piitang Lungsod ng Malolos ang 44-anyos istambay makaraan ireklamo ng paggahasa sa 5-anyos batang babae sa loob ng bahay ng biktima sa Menzyland Subdivision, Brgy. Mojon, Malolos City. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Orlando dela Cruz, residente rin sa nasabing lugar. Ayon sa pulisya, bandang 5:30 p.m. nang mangyari ang insidente habang nag-iisa ang biktima sa …

Read More »

HS graduating student utas sa schoolmate

BINARIL at napatay ang graduating high school student ng kanyang schoolmate sa Brgy. Rizal, sa bayan ng Claveria, Misamis Oriental kamakalawa ng hapon. Ang biktimang si John Rey Balayong, 19, ay binaril at napatay ni Nico Labastida, 19-anyos, kapwa mga estudyante ng Rizal National High School. Sa inisyal na imbestigasyon, nag-inoman ang dalawa sa labas ng school campus nang mag-walkout …

Read More »

2 PUP ROTC officer sibak

SINIBAK sa puwesto ng pamunuan ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang dalawang Reserved Officers’ Training Course (ROTC) cadet officers dahil sa reklamong hazing. Matatandaang noong Pebrero, lumutang ang isang estudyanteng itinago sa pangalang “Sheena,” 18, first year student  ng Institute of Technology, upang humingi ng hustisya dahil sa naranasang parusa sa hindi niya pagsipot sa briefing night ng …

Read More »

Ex-OFW natigok sa motel

PATAY ang 46-anyos na  dating overseas Filipino worker (OFW)  nang atakehin sa puso habang nasa loob ng motel, sa Pasay City, kamakalawa ng gabi. Dead on arrival sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Nico Lawas,  ng Los Baños, Laguna, nang  makaranas ng paninikip ng dibdib sa loob ng Sogo Hotel, F.B. Harrison, kasama ang kaibigang babae na …

Read More »

Ama, utol sinaksak ng kadebate (Sa debateng mangga mamumunga ng malunggay)

VIGAN CITY – Mainitang pagtatalo kung ‘mamumunga ang mangga ng malunggay’ ang dahilan ng pana-naksak ng isang lalaki sa kanyang ama at kapatid sa Brgy. Puro, Magsingal, Ilocos Sur. Kinilala ang mag-amang biktima na sina Nemesio Tabigne, at Marcelino Tabigne. Habang nakapiit na sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Jimmy Tabigne, anak din ni Nemesio. Ayon sa imbestigas-yon …

Read More »

Negosyante utas sa ambush

PATAY sa ambush ng riding in tandem ang 65-anyos negosyante habang nag-kakape sa labas ng kanyang bahay sa Antipolo City kahapon ng umaga. Kinilala ang napatay na si Dionisio Asensio, 65, ne-gosyante, retired employee, at nakatira sa Granada Avenue, Pagrai Hills, Brgy. Ma-yamot, sa lungsod. Ayon sa ulat, dakong 7:40 am, nagkakape ang biktima at ang kanyang kausap nang dumatingang …

Read More »

200 pamilya sa N. Cotabato gutom sa tindi ng tag-init

KORONADAL CITY – Gutom ang nararanasan ngayon ng 200 pamilya ng Manobo tribal village sa President Ro-xas, North Cotabato dahil sa tagtuyot dulot ng mainit na panahon simula pa noong nakaraang buwan ng Pebrero. Inihayag ni Masong Macla, tribal chieftain ng Brgy. Datu Inda, nakararanas ng food shortage ang mga resi-dente sa kanilang lugar nang matuyo ang kanilang mga lupang …

Read More »

P.1-M reward vs suspeks sa Davao cocaine

DAVAO CITY – Aabot sa P100,000 ang ibibigay na pabuya ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon kung nasaan ang kinaroroonan at kung sino ang may hawak sa natitirang 14 blocks ng cocaine na nakuha mula sa container van ng Sumifru Philippines nitong nakaraang araw. Ayon sa alkalde, maaaring i-text na lamang sa kanya o …

Read More »

Pagbuwag ng Bank Secrecy Law tinutulan

TINUTULAN ng ilang mga senador ang mungkahi ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares sa Kongreso na alisin na ang Bank Secrecy Law. Binigyang-diin ni Sen. Grace Poe, kung magkakaroon ng kalayaan ang BIR na busisiin ang bank account ng sino man ay baka mawalan na ng tiwala sa mga banko ang mga depositor na tiyak makaaapekto sa …

Read More »

MASKARADONG KABABAIHAN:   Kinondena ng mga kababaihang miyembro ng underground movement na Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA), member organization ng National Democratic Front (NDF) ang pag-aresto sa mag-asawang rebolusyonaryo na sina Benito Tiamzon at Wilma Austria sa isinagawa nilang lightning rally bilang paggunita at pagdiriwang sa ika-45 anibersaryo ng New People’s Army (NPA) sa Carriedo St., Sta. Cruz, Maynila  25   …

Read More »

NAMAHAGI ng tulong-pinansiyal si dating Manila Mayor Alfredo S. Lim sa mahigit 500 biktima ng sunog sa Moriones, Tondo. Kahit wala na sa posisyon hindi tumigil at patuloy na tumutulong si Mayor Lim sa panahon na mayroong mga biktima ng sunog, baha at iba pang kalamidad sa Maynila.  Kasama niya sa pamamahagi si dating chief of staff Ric de Guzman …

Read More »

Caloocan chairman dedo sa tandem ( 2 pa sugatan)

PATAY ang isang barangay tserman, nang pagbabarilin  ng hindi nakilalang riding in tandem, sa Caloocan City, iniulat kahapon ng umaga. Dead on arrival sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital,  sa Tala Estate, ang biktimang si Brgy. 183 Chairman Pedro Ramirez, 57-anyos, residente  ng Guadonville Subdivision, sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 baril sa iba’t ibang parte …

Read More »

JASIG claim ng NDF kalokohan — Chief nego

NANINDIGAN ang gobyerno na hindi saklaw ng 1995 Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) sina Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) chairman Benito Tiamzon at misis niyang si Wilma Austria. Sinabi ni government chief negotiator Alexander Padilla, hindi maaaring i-invoke ng National Democratic Front (NDF) ang JASIG para palayain ang mga Tiamzon na naaresto sa mga …

Read More »

Tiamzons et al inquested na

NA-INQUEST na sa Campo Crame ang mag-asawang top NPA leaders na sina Benito at Wilma Tiamzon kasunod ng pagsasampa ng panibagong kaso laban sa dalawa at sa lima pa nilang mga kasamahan. Naaresto ang grupo nina Tiamzon sa Alonguisan, Cebu nitong Sabado ng hapon makaraan ang mahigit dalawang buwan na surveillance at monitoring. Kasong illegal possession of firearms ang panibagong …

Read More »

Klase sa Agosto magbubukas

Inendoso ng University Council ng Uni bersidad ng Pilipinas-Diliman ang pagbubukas ng klase sa Agosto mula sa nakasanayang Hunyo. Ito’y makaraang bumoto pabor sa panukala ang karamihan sa mga miyembro ng konseho kabilang na ang assistant professors hanggang full professors ng unibersidad. Inianunsyo ang nasabing desisyon ng UP-Diliman, dakong 1:30 Lunes ng hapon sa kanilang Facebook page. “Today, the UP …

Read More »

Gov. umalma vs ‘Bingoteng’ (RD, PD ipinasisibak ng mga alkalde)

NUEVA VIZCAYA – Hinagupit ng mga alkalde sa lalawigang ito ang lokal na pulisya dahil obyus umanong pinoprotektahan ang mga ilegalistang nag-oopereyt ng jueteng na ang prente ay ang Bingo Milyonaryo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Nanawagan din sila sa pamunuan ng Pambansang Pulisya na sibakin ang PNP regional director na si Gen. Mike Laurel at provincial director na …

Read More »

Mukha ni Lance Raymundo wasak sa 80-lbs barbell

NASANGKOT ang actor-singer na si Lance Raymundo sa freak gym accident nitong nakaraang linggo, nagresulta sa multiple facial bone fractures at pagkawasak sa kanyang ilong at gitnang bahagi ng mukha. Sa pahayag ng ina ni Raymundo na si Nina Zaldua-Raymundo, naganap ang insidente nitong Miyerkoles nang mabagsakan ang biktima sa mukha ng 80-pound barbell habang nasa gym. “The person who …

Read More »