Friday , November 22 2024

News

16 sugatan sa karambola ng 3 bus sa Quezon

UMABOT sa 16 katao ang sugatan, karamihan ay mula sa Peñafrancia fiesta sa Bicol, makaraang magsalpukan ang tatlong bus sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigan ng Quezon kamakalawa ng gabi. Ang mga biktima ay lulan ng Manila-bound bus na bumangga sa dalawang roll-on roll-off bus na nakaparada sa Quirino Highway. Sa inisyal na imbestigasyon, ang unang bus ay nag-overtake nang …

Read More »

BIFF muling umatake sa North Cotabato

COTABATO CITY – Muling umatake ang hinihinalang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa isa pang bayan ng North Cotabato kahapon, makaraang maghasik ng kaguluhan sa ilang barangay sa bayan ng Midsayap. Ayon sa mga awtoridad, tinatayang 80 armadong kalalakihan ang sumalakay sa bayan ng Tulunan dakong 7 a.m. kahapon at dinahas ang mga security guard ng Del …

Read More »

Kinaroroonan ni Misuari tukoy na ng gov’t

TUKOY na ng gobyerno ang eksaktong kinaroroonan ng pinaghahanap na si MNLF Chairman Nur Misuari, ang sinasabing utak sa Zamboanga crisis. Ayon kay ARMM Gov. Mujiv Hataman, nasa isang sitio sa Sulu si Misuari ngunit tumanggi siyang isiwalat ang detalye ng pinagtataguan ng MNLF chairman. Aniya, kasama ni Misuari ang 60 hanggang 100 armadong followers niya. Sinabi ni Hataman, tinutunton …

Read More »

DPWH hugas-kamay sa usad-pagong na road construction

NAGSIMULA na naman ang pagbubungkal at pagsasaayos ng kalsada sa kahabaan ng Rizal Avenue Extension sa Caloocan City kaya simula na rin ng pagbagal ng daloy ng mga sasakyan at pagkairita ng mga driver at pasahero na dumadaan sa nasabing lugar. (RICROLDAN) PINANINIWALAANG naghugas-kamay ang Department of Public Works and Highways  (DPWH) sa usad-pagong na road construction sa kahabaan ng …

Read More »

Manila water naglabas ng dispute notice (Arbitration simula na)

PORMAL nang nagsumite ng Dispute Notice sa International Chamber of Commerce ang Manila Water, na konsesyonaryo sa silangang bahagi ng Metro Manila, upang harapin ang inilabas na pasya ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ukol sa taripa sa tubig. Sa paglabas ng dispute notice, opisyal nang sisimulan ang proseso ng paghahatol sa nasabing tagapamagitan o “arbitration.” Ang hakbang na …

Read More »

Trader sugatan sa ligaw na bala

Sugatan ang isang negos-yante matapos  tamaan ng ligaw na bala mula sa hindi pa kilalang suspek habang nasa loob ng sasakyan kamakalawa ng gabi sa Pasig City. Kinilala ni P/chief Insp. Glenn Magsino, hepe ng Criminal Investigation Section (CIS), ang biktimang si Elaine So, 58, residente ng  Beatle St., Valle Verde 6, Brgy. Ugong ng lungsod. Sa ulat, naganap ang …

Read More »

2 parak, 2 kasabwat kulong sa hulidap

KULONG ang dalawang pulis at dalawang kasabwat matapos na ihulidap ang sampu kataong nagsusugal ng sakla sa isang lamayan ng patay sa Malabon City kamakalawa. Kinilala ang mga suspek na sina PO1 Froilan Deocaris, 31-anyos, nakatalaga sa Sub Station 2, Caloocan Police, residente  ng Bagong Barrio at PO1 Louie Sisca, 30, ng RPHAU-NCRPO, residente ng PNR Compound, Brgy. 73, Caloocan …

Read More »

Stop waste, save rice isinulong sa kamara

Sanhi ng pagsirit ng presyo ng bigas sa gitna ng walang katiyakan sa suplay nito, magkatuwang na isinusulong ngayon ng Chairman ng Committee on Agriculture at ng Committee on Food Security sa Kamara de Representante ang pagpasa ng panukalang aampat sa paglobo ng nasasayang na bigas sa bansa na umaabot sa halagang P8.4 bilyon taon-taon. Nakatakdang ihain ng Chairman ng …

Read More »

Lolang bingi’t bulag, 4 pa nalitson sa sunog

PATAY ang 92-anyos lolang bingi’t bulag, isang babaeng amo at tatlong kasambahay sa magkahiwalay na sunog sa Bislig City, Surigao del Sur kamakalawa at sa Fernandez Street, Sta. Cruz, Maynila, Lunes ng umaga. Kinilala ang unang biktima na si Maxima Lim, residente ng Purok-3, Barameda Street, Riverside District, Bislig City, sinabing isang bingi’t bulag na senior citizen. Sa imbestigasyon, napag-alamang …

Read More »

Next Customs IEG chief ‘bata’ ng rice cartel, smuggler na si David Tan (Appointment nilalakad ng padrinong Senador at Presidential kin)

NASA pintuan lang ng Palasyo ang hinahanap na salarin sa paglobo ng presyo ng bigas bunsod ng artipisyal na krisis na nilikha ng rice cartel na protektado nito. Kinompirma ito ng isang source na nagsabing, isang malapit kay Pangulong Benigno Aquino III ang nagkakanlong sa rice smuggling syndicate ni David “Bata” Tan at nagmamaniobra ngayon sa rigodon sa Bureau of …

Read More »

‘PNoy’s lunch with Napoles’ ipagbibitiw ni Lacierda (Kapag napatunayan ni Tatad)

NAKAHANDANG magbitiw si Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa kanyang posisyon kapag napatunayan ni dating Sen. Francisco ‘Kit” Tatad ang isinulat sa kanyang column na nakasalo pa sa tanghalian ni Pangulong Benigno Aquino III si Janet Lim Napoles ilang oras bago ang pagsuko ng negosyante sa Palasyo noong Agosto 28 ng gabi. “He has not even identified the sources of this …

Read More »

‘Not guilty plea’ ipinasok ng korte para kay Napoles

NAGPASOK ang Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 150 ng “not guilty” para kay Janet Lim-Napoles kaugnay sa kinakaharap na kasong illegal detention. Isinagawa ito makaraang tumangging magsalita si Napoles sa arraignment ng kaso sa sala ni Judge Elmo Alameda. Naging mahigpit ang seguridad na ipinatupad sa loob at labas ng korte para sa pagbasa ng sakdal kay Napoles …

Read More »

Napoles inimbita sa Senate pork probe

IPASU-SUBPOENA ng Senate Blue Ribbon committee ang arestadong ne-gosyante na dawit sa P10-billion pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles. Ayon kay Sen. TG Guingona, chairman ng komite, kailangan na lamang lagdaan ni Senate President Franklin Drilon ang subpoena para maisilbi kay Ginang Napoles. Nais ng komite na padaluhin si Napoles sa kanilang pagdinig sa pork barrel scandal sa Setyembre …

Read More »

24 patay sa Zambales landslides

UMABOT na sa 24 ang namatay sa naganap na landslides sa Zambales bunsod ng malakas na buhos ng ulan kahapon ng umaga. Ang 15 sa mga biktima ay namatay sa dalawang magkahiwalay na landslindes sa Brgy. Wawandue at Brgy. San Isidro sa bayan ng Subic, ayon kay Mayor Jefferson Khonghun. Narekober na ang bangkay ng siyam biktima sa Wawandue, ayon …

Read More »

Misuari mananagot – PNoy

TINIYAK ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino” na mapananagot si Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nuri Misuari sa kaguluhan sa Zamboanga City. Kamakalawa, bumalik na sa Metro Manila si Pa-ngulong Aquino matapos ang 10 araw na pagtutok sa operasyon ng government forces laban sa MNLF – Misuari group. Sinabi ng Pangulong Aquino, may mga hawak silang testigo na direktang …

Read More »

Etits ng magsasaka sinakmal ng kabayo

DAVAO CITY – Namemeligrong tuluyang maputulan ng ari ang isang magsasaka matapos sakmalin ng kabayo ang kanyang sex organ sa Brgy. Manuel Peralta, bayan ng Malita, Davao del Sur. Kinilala ang biktimang si alyas Roldan, 19, patuloy na ginagamot sa Southern Philippines Medical Center (SPMC). Una rito, nakasakay sa kanyang kabayo ang biktima dakong 2:30 p.m. kamakalawa at bababa na …

Read More »

43 babae, 6 bugaw dinampot sa 2 bar

CEBU CITY – Nasagip ng mga awtoridad ang 43 kababaihan, kabilang ang 14 dalagita sa operasyon ng Regional Anti-Human Trafficking Task Force (RATFF-7) sa dalawang bar sa General Maxilom Avenue, lungsod ng Cebu. Kasabay nito, naaresto rin ang anim bugaw matapos tumanggap ng P3,000 marked money galing sa isang pulis na nagpanggap na costumer. Ang nasabing operasyon ay pinangunahan nina …

Read More »

Solons kakapkapan na rin sa Kamara

NAGPALABAS ng kautusan ang liderato ng Kamara de Reprtesentantes sa lahat ng kanilang security guard at kasapi ng Legislative Security Bureau (LSB) na kakapkapan na rin ang mga mambabatas bago sila pumasok sa plenaryo. Ang kautusan ay bunsod ng insidente noong nakaraang Biyernes na pumasok sa plenaryo ng Kamara ang security escort ni Nueva Ecija Rep. Estrellita B. Suansing na …

Read More »

Rider lasog sa cargo truck

DUROG ang katawan at ulo ng 38-anyos rider matapos  salpukin at pumailalim sa rumaragasang cargo truck kamalawa ng gabi sa Valenzuela City. Dead on the spot  ang biktimang si Rolando Calopez, ng Ilang-Ilang Street, Brgy. Bangcal, Meycaua-yan, Bulacan. Agad sumuko ang suspek na si Manuel Besona, 56-anyos, ng Iba, Meycauayan, Bulacan, driver ng truck (CBK-102) na nahaharap sa kasong reckless …

Read More »

Lolang bingi’t bulag, 4 pa nalitson sa sunog

PATAY ang 92-anyos lolang bingi’t bulag, isang babaeng amo at tatlong kasambahay sa magkahiwalay na sunog sa Bislig City, Surigao del Sur kamakalawa at sa Fernandez Street, Sta. Cruz, Maynila, Lunes ng umaga. Kinilala ang unang biktima na si Maxima Lim, residente ng Purok-3, Barameda Street, Riverside District, Bislig City, sinabing isang bingi’t bulag na senior citizen. Sa imbestigasyon, napag-alamang …

Read More »

‘Burn the house down’ ingatan ( Babala ng mga eksperto )

“Huwag natin sunugin ang ating bahay para makapaglitson lamang.” Matatandaang ito ang paalala sa bansa ng kilalang tagapagtaguyod ng Saligang Batas na si Fr. Joaquin Bernas hinggil sa maingay na usapin ng reproductive health habang papalapit ang halalan ngayon taon. Noong nagdaang mga araw, dalawa sa mga natatanging pantas sa agham pampolitika mula sa dalawang nangungunang pamantasan sa bansa – …

Read More »

31+ flights kanselado kay Odette

Nananalasa sa Hong Kong at ilang bahagi ng China ang bagyong Odette na may international name na Usagi. Bunga nito, 34 international flights ng Philippine Airlines (PAL) Cathay Pacific, at Cebu Pacific patungo at mula Hongkong at ilang bahagi ng China ang kinansela hanggang kahapon ng alas-11:00 ng umaga. Narito ang mga cancelled flights: NAIA Terminal 1 CX 919 HK-MNL-HK …

Read More »

Arraignment ni Napoles sa Makati kasado na

NAKAHANDA na ang Philippine National Police (PNP) sa ipatutupad na seguridad ngayon, Setyembre 23, 2013 para sa pagbasa ng sakdal sa negosyanteng si Janet Lim-Napoles, nahaharap sa kasong illegal detention sa Makati City Regional Trial Court branch 150. Ayon kay PNP spokesman, S/Supt. Reuben Theodore Sindac, mismong si S/Supt. Noli Taliño ng PNP-SAF ang mangunguna sa ipatutupad na seguridad. Hindi …

Read More »

MNLF Misuari faction kinasuhan sa Zambo

SINAMPAHAN na ng criminal charges ng PNP Criminal Investigation and Detection Group ang grupo ng Moro National Liberation Front (MNLF) Misuari faction na responsable sa madugong standoff sa lungsod ng Zamboanga na ikinamatay ng marami at ikinasugat ng iba pa. Ayon kay CIDG spokesperson Chief Insp. Elizabeth Jasmin, kasong rebelyon at paglabag sa Republic Act 9851 (Crimes Against International Humanitarian …

Read More »

Tatlong suspek sa Davantes murder hawak ng NCRPO

Nasa kustodiya ng mga awtoridad ang tatlo sa mga suspek sa pagpaslang sa advertising executive na si Kristelle ‘Kae’ Davantes. Sa isang press conference ng National Capital Region Police Office (NCRPO), sinabi ni police Sr/Supt. Christopher Laxa, pinuno ng Task Force Kae, nakasentro ang imbestigasyon ng pulisya sa anggulong pagnanakaw batay na rin sa pahayag ni Samuel Decimo, 19-anyos, isa …

Read More »