Tatay patay 4-anyos, ina sugatan (Pamilya inambus)

Tinambangan ng hindi pa nakikilalang armadong grupo ang isang pamilya na agad ikinamatay ng padre de familia at pagkasugat nang malubha ng misis at 4-anyos anak sa Aroroy, Masbate.

Agad namatay sa maraming tama ng punglo sa katawan ang biktimang si Salvador Cedillo, 25, habang kritikal ang 24-anyos na misis niyang si Beverly Cedillo, may tatlong tama ng punglo sa katawan.

Suwerteng nakaligtas pero nagkasugat sa katawan ang 4-anyos nilang anak.

Sa ulat, sakay ng kanilang kotse ang pamilya Cedillo sa Sitio Bungcayao, Barangay Mariposa nang harangin ng isang grupo saka pina-ulanan ng punglo.

(Beth Julian)