Thursday , September 19 2024

News

Trillanes, pinuri bawas-singil sa tubig

PINURI ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System sa anunsyong bawas-singil sa tubig. “Ang aksyong ito ng MWSS ay isang tagumpay para sa mga residente ng Metro Manila na tahimik na pumapasan sa mataas na presyo ng tubig sa loob ng mahabang panahon,” ani Trillanes. “Umaasa ako na ang MWSS ay patuloy na poprotekta …

Read More »

PDEA spokesman utas sa tambang

CEBU CITY – Agad binawian ng buhay ang dating Bombo Radyo anchorman at tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas (PDEA-7) na si Jessie Tabanao sa Escario St., Cebu City. Ayon sa mga saksi, tumi-gil si Tabanao sa nasabing lugar sakay ng kanyang Mitsubishi Estrada (YFY-911) dahil may kinuha sa backseat nang biglang may isang hindi nakilalang lalaki …

Read More »

Buntis na GRO utas sa martilyo

PATAY na nang ma-tagpuan ang buntis na guest relations officer (GRO) sanhi ng pagkabasag ng bungo dahil sa paghataw ng mar-tilyo sa Caloocan City kamakalawa ng mada-ling-araw. Kinilala ang biktimang si Lorilyn Obiego, 29, residente ng Manggahan, Brgy. 186, Malaria ng nasabing lungsod. Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang isang lalaking kinilalang si alyas Rolly na kalapit kwarto ng biktima, …

Read More »

Neneng pinulutan ng lasing

SWAK sa kulungan ang lalaki matapos lasingin at gahasain ang 16-anyos dalagitang kasintahan sa Malabon City kahapon ng madaling araw Kinilala ang suspek na si Raymond Cordero, 21, ng Kaunlaran St., Brgy. Muzon ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong rape in relation to R. A. 7610 (Child Abuse). Batay sa ulat ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Malabon …

Read More »

Nilayasan ng live-in karpintero nagbigti

LAOAG CITY – Nagbigti ang isang karpintero matapos layasan ng kanyang live-in partner sa Badoc Ilocos Norte. Kinilala ang biktimang si Jose Espejo, 32, residente ng Brgy. Canaam, Badoc. Ayon kay S/Insp. Leonardo Tolentino, hepe ng Badoc PNP, lasing ang biktima at nanggulo sa kanilang bahay kaya’t nilayasan ng kanyang partner. Sinabi ng ina ni Espejo, nagulat na lamang sila …

Read More »

Alcala resign – Lawyer

HININGI kahapon ng abogadong si Argee Guevarra ang pagbibitiw ni Department of Agriculture (DA) Secretay Proceso Alcala matapos mapag-alaman sa pagdinig ng Mababang Kapulungan nitong Huwebes na hindi kakayaning maabot ng bansa ang target na maging self-sufficient sa bigas ngayon taon. Sa ulat, inamin ng mga opisyal ng Department of Agriculture na kukulangin ng higit sa 2.5 milyong metriko toneladang …

Read More »

Malik patay sa Zambo siege

KINOKOMPIRMA ng mga awtoridad ang impormasyon na kabilang sa mga napatay ang komander ng Moro National Liberation Front (MNLF) na si Ustadz Habier Malik sa nagpapatuloy na tensyon sa lungsod ng Zamboanga. Sa kanyang twitter account, sinabi ni Major Harold Cabunoc, commander ng 7th Civil Relations Group ng Philippine Army (PA), mayroon siyang natanggap na impormasyon mula sa isang kaibigan …

Read More »

Pork barrel ‘ibinebenta’ ng solons kay Napoles (Ayon sa whistleblower)

INIHAYAG ni Benhur Luy, whistleblower sa P10 billion pork barrel scam, na mismong ang mga kongresista ang lumalapit  kay  Janet Lim-Napoles  upang ibenta ang kanilang pork barrel nang mabatid na maaari silang tumanggap ng 40% kickback sa ghost project at agad nilang makukuha ang kalahati nito mula sa negosyante. Ayon sa pinsan ni Napoles, ang mga senador naman ay kadalasang …

Read More »

22 patay, 57 sugatan sa Zambo

ZAMBOANGA CITY – Umaabot na sa 22 ang bilang ng mga namatay habang nasa 57 na ang nasugatan sa nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Moro National Liberation Front (MNLF) na sinasabing mga tauhan ni Nur Misuari, at tropa ng pamahalaan sa lungsod ng Zamboanga. Ayon sa ulat ng Western Mindanao Command (Westmincom), kabilang sa mga namatay ang 12 miyembro …

Read More »

Koreanong mafiosi timbog sa MPD

KOREAN MAFIOSI SWAK SA REHAS. Bitbit ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at Bureau of Immigration ang No. 2 most wanted criminal sa Korea na si Lee Byeong Koo alyas Bruce Lee na matagal nang pinaghahanap ng awtoridad dahil sa patong-patong na kasong kriminal na kinasasangkutan ng puganteng dayuhan. (BONG SON) NADAKIP   ng  mga operatiba ng Manila Police …

Read More »

Multiple Murder vs Sajid Ampatuan pinagtibay ng CA (Sa November 23 massacre)

PINAGTIBAY ng Court of Appeals (CA) ang pagsasampa ng kasong multiple murder laban sa isa pang miyembro ng pamilya Ampatuan hinggil sa karumal-dumal na Maguindanao massacre noong Nobyembre 23, 2009 na ikinamatay ng 58 katao kabilang ang higit 30 kasapi ng media. Batay sa 12 pahinang desisyon na may petsang Setyembye 10, 2013 na isinulat ni Associate Justice Rodil Zalameda, …

Read More »

Napoles itinurong mastermind sa pork barrel scam

TAHASANG inihayag ng whistleblower na si Benhur Luy na si Janet Lim-Napoles ang mastermind sa kanilang mga transaksyon sa pork barrel fund scam. Taliwas ito sa ilang impormasyon na may ‘tao’ nasa likod ni Napoles na nagdidikta sa kanyang mga ginagawa. Sa pagtatanong ng mga senador, inisa-isa ni Luy ang kanilang mga ginagawa mula sa pakikipag-usap sa mga mambabatas, follow-up …

Read More »

MNLF gagamitan na ng pwersa — Palasyo

HINDI mangingimi ang pamahalaan na gamitin ang pwersa ng estado para protektahan ang mga mamamayan kaya hinimok ang mga nasa likod ng Zamboanga City standoff na makipagtulungan upang malutas sa mapayapang paraan sa lalong madaling panahon. Ito ang nakasaad sa pahayag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda kahapon sa ika-apat na araw ng standoff sa nasabing siyudad ng tropa ng pamahalaan …

Read More »

Ex-SolGen Chavez pumanaw na

PUMANAW na si dating Solicitor General Frank Chavez matapos makaranas ng stroke kamakalawa ng gabi. Kinompirma kahapon ni Ingrid Chavez na noon pang Hulyo na-confine sa ospital ang kanilang ama. Ang opisyal ay ipinanganak sa Bateria, Sagay, Negros Occidental noong Pebrero 6, 1947. Siya ay nag-aral ng school education sa University of Negros Occidental-Recoletos, at nagtapos bilang salutatorian. Pumasok siya …

Read More »

P18/100 kWh dagdag singil ng Meralco

INIHAYAG ng Manila electric Company (Meralco) na magdadagdag sila ng P18 sa kada 100 kilowatt (kWh) na konsumo ng koryente ngayon buwan. Gayonman, halos hindi anila mararamdaman ng konsyumer ang pagtaas ng singil sa koryente dahil kadalasan naman sa mga household ay hanggang 100kWh lamang ang konsumo sa isang buwan. Ayon sa Meralco, bagama’t bahagyang bumigat ang generation and transmission …

Read More »

Travel advisory vs PH dumagsa

KABILANG na rin ang Hong Kong sa mga nagdeklara ng travel ban laban sa Filipinas dahil sa kaguluhan sa Zamboanga City. Ayon sa latest advisory ng HK government, hindi lamang sa Zamboanga pinagbabawalan ang kanilang mga kababayan kundi pati na sa buong Filipinas. Ang abiso ay iba pa sa travel alert na dati nang ipinaiiral kaugnay ng nangyaring Manila hostage …

Read More »

PH BoC, Korea nagkasundo sa Customs trade

PORMAL na pumirma ng kasunduan ang Filipinas at ang Republic of Korea (ROK) na naglalayon na mas lalong mapabuti ang customs trade sa pagitan ng dalawang bansa. Walang iba kundi si Bureau of Customs Commissioner Rozanno “Ruffy” Biazon at ang kanyang counterpart na si Korean Customs Service Head Back Chan Un ang sumaksi sa pagpirma ng Memorandum of Agreement (MoA) …

Read More »

Police asset itinumba sa harap ni misis

LAGUNA – Agad binawian ng buhay ang isang hinihinalang asset ng pulis makaraang pagbabarilin sa harap ng kanyang misis ng dalawang hindi nakilalang salarin kamakalawa sa San Vicente Road, Brgy. San Vicente, bayan ng San Pedro. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Neil Depano, 40, naninirahan sa Bonifacio Street, Purok 1, Brgy. Magsaysay ng nabanggit na lugar. Ayon sa ulat, …

Read More »

12 arestado sa ‘putahan’

NAARESTO ang 12 katao kabilang ang walong babae sa pinaigting na kampanya laban sa mga putahan at mga walang work permit sa Taytay, Rizal. Gayonman, natuwa pa ang mga empleyado ng Ysabell KTV Bar dahil ligtas na sila sa kamay ng isang alyas Alvin na may-ari ng nasabing club, na sapilitang nag-uutos na magtanghal ng malalaswang panoorin sa harap ng …

Read More »

2 parak nadakma sa anti-drug ops

POSIBLENG masibak sa serbisyo at tiyak na masasampahan ng kasong kriminal ang dalawang pulis na nakalawit sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa General Santos City. Tinukoy ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr., ang mga suspek na sina PO3 Fernando Alim, 49, at PO1 Kadil Masahod, 34, pawang mga residente ng Sultan Kudarat at …

Read More »

Chief of Staff ni Enrile sumibat (Sa gitna ng ‘pork barrel’ scam probe)

LUMABAS na ng bansa si Atty. Lucila “Gigi” Gonzales Reyes, dating chief of staff ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile, sa gitna ng scam na kinasasangkutan ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas. Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, si Reyes ay umalis ng Manila nitong Agosto 31 dakong 7:30 p.m. lulan ng Cebu Pacific flight 5J …

Read More »

DA, NFA niresbakan

KINASTIGO ngayon ng abogadong aktibista na si Argee Guevarra ang mga opisyal ng Department of Agriculture at ng National Food Authority sa patuloy na paglihis sa isyu ng maanomalyang importasyon ng tone-toneladang bigas mula sa Vietnam noong Abril. Bilang tugon sa mga pagtanggi ni NFA Deputy Administrator Ludovico Jarina noong isang linggo, sinabi nitong Martes ni Guevarra na, “ang mga …

Read More »

Plunder vs Napoles, solons swak na

TINIYAK ni Pangulong Benigno Aquino III, maisasampa na ang mga kaso laban sa mga taong sangkot sa P10-B pork barrel scam sa Biyernes hanggang sa Lunes. “Iyong the first charges with regards to this issue, I understand, will be filed not later than Monday. There is a possibility it can be filed by Friday,” sabi ni Pangulong Aquino. Umiwas ang …

Read More »