Thursday , June 4 2026

Mason patay sa atake sa puso

PATAY na nang makita ng kanyang kabaro, ang 49-anyos mason, hinalang  inatake sa puso sa loob ng barracks sa pinagtatrabahuhang konstruksiyon sa Sampaloc, Maynila iniulat kahapon

Ayon kay SPO1 Rommel del Rosario, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, may anim oras nang patay ang biktimang si Samuel Rico Cubacub, ng 622 Cavo F. Sanchez , Mandaluyong City, bago natuklasan ng kasamahang si Armando Mallari,39.

Huling nakitang buhay ang biktima na nagrerekla-mong nahihilo bago pumasok sa barracks at hindi na lu-mabas dakong 10:30 a.m.

“Yong kasama niya pumasok ng barracks para magbihis, nakita ‘yong biktima na nakatihaya nilapitan at gigisingin sana kaso nakita  hindi na kumikilos at malamig kaya tinawag ‘yong isa nilang kasamahan at ini-report sa barangay,” ani del Rosario.

Dinala ang bangkay sa St. Rich Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …