Wednesday , January 8 2025

News

Ginang niratrat sa ‘huling hapunan’

PATAY ang isang ginang nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek, sa loob mismo ng kanyang bahay sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi . Kinilala ang biktimang si Clotilde Alvarez, agad namatay sanhi ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril, sa iba’t ibang parte ng katawan, habang tumakas ang suspek sakay ng motorsiklong minamaneho …

Read More »

Mag-utol na paslit pisak sa trak (Ina sugatan)

DUROG ang katawan ng magkapatid na paslit matapos aksidenteng masagasaan ng truck sa San Pablo City, Laguna. Nabatid na karga ni Jenalyn Ruiz, sugatan sa insidente, ang kanyang 1-taon gulang na anak na si Alvery, habang hawak sa kanyang kamay si Derick, 5-anyos, at papatawid sa Mahabang Parang Road sa Bgy. San Francisco, nang araruhin ng humahagibis na truck. Agad …

Read More »

400 officials ‘di pwedeng sibakin ng Comelec

INIHAYAG ni  Justice Secretary Leila de Lima kahapon, hindi mapupwesa ng Comelec ang mahigit 400 elected officials na bakantehin ang kanilang pwesto bunsod ng hindi paghahain ng kanilang statement of contributions and expenditures (SOCEs). Sinabi ni De Lima, na hindi maaaring makapag-utos ang Comelec sa Department of Interior and Local Government at House of the Representatives na alisin ang elected …

Read More »

Kagawad, anak sugatan sa tandem

Sugatan ang isang barangay kagawad at anak nito, matapos pagbabarilin sa Quezon City, Martes ng umaga. Sa panayam, sinabi ng biktimang si Pedro Salazar, tatlong suspek ang umatake sa kanila sa kanto ng Dahlia at Azucena Street, Roxas District, malapit sa kanilang karinderya. Aniya pa, ang mga suspek na riding-in-tandem at isa pang kasamahan na nakamotorsiklo ay mga naka-helmet. Narekober …

Read More »

Guro pinatay ng pamangkin (2 biik nilason)

ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang guro matapos barilin ng kanyang pamangkin dahil sa paglason ng biktima sa dalawang biik ng suspek sa Purok 5, Brgy. Legarda 3, Dinas Zamboanga del Sur. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Cayetano Igano Ferrer, 46, habang ang suspek ay si Ronald Igano Aranas, 22, isang magsasaka. Batay sa report ng Dinas Municipal …

Read More »

Sabwatan sa power hike bubusisiin (Meralco, ERC, power suppliers lagot)

Sabay-sabay na igigisa ngayon sa Senado ang mga pinagdudahang nagsabwatan para patawan simula ngayong Disyembre hanggang Marso ng karagdagang singil na P4.15/kwh ang milyon-milyong electricity consumers sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan. Nanguna sa listahan ng mga ipinatawag ng Senate energy committe na pinamunuan ni Sen. Sergio Osmena ang hepe ng Energy Regulatory Commission na si Zenaida Ducut …

Read More »

18 patay, 16 sugatan sa ‘lumipad’ na bus sa Skyway (Close van nadaganan)

BUMALANDRA muna sa kaliwang barandilya ang Don Mariano Transit bago nahulog sa Skyway sa Bicutan, Taguig. Kinompirma ang pagkamatay ng 18 pasahero (makikita sa larawan) at grabeng pagkasugat ng 16 iba pa. (JERRY SABINO) LABING-WALO ang kompirmadong patay, 16 na iba pa ang sugatan, sa mga pasahero ng Don Mariano Transit, matapos mahulog mula sa Skyway sa bahagi ng lungsod …

Read More »

Peace & order sa NCR tiniyak ng palasyo (Sa pagsalakay ng Martilyo Gang)

TINIYAK ng Malacañang sa publiko na batid ng pulisya ang kanilang tungkulin upang mapanatili ang peace and order, lalo ngayong Kapaskuhan, matapos ang pag-atake ng Martilyo Gang sa isang mall sa Quezon City, kamakalawa dakong 7:00 ng gabi . “Enforcement measures, they’ve taken this as part of their duty (during the) holiday season,”  sabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda. Dalawang …

Read More »

P4.3-M cash rewards sa 7 PDEA informants

Nasa P4.3 million cash rewards ang ibinigay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pitong civilian informants na nagbigay ng malaking kontribusyon sa anti-drug campaign ng ahensya. Pinapurihan ni PDEA Director General Arturo Cacdac, ang pitong informants na kinilala lamang sa kanilang codenames Segul, Mac-mac, Balik loob, Ebok, Coca, Cold Ice at Jows dahil sa pagbibigay ng impormasyon na naging …

Read More »

Rehab funds kickback scheme iimbestigahan

INIUTOS ni ‘rehabilitaion czar’ Panfilo Lacson sa Philippine National Police at National Bureau of Investigastion (NBI) ang imbestigasyon kaugnay sa sinasabing tangkang pangingikil ng ilang local government officials sa mga natanggap na tulong para sa rehabilitation efforts ng mga lugar na sinalanta ng super typhoon. Ayon sa bagong talagang presidential assistant for rehabilitation and recovery, nakarating sa kanya ang report …

Read More »

Kutsilyo isinalaksak sa bunganga ng nobyang tomador (Service crew arestado )

NAKASALAKSAK   pa sa bunganga ng isang 23-anyos bebot ang  kutsilyo na ginamit  na panaksak ng  kanyang live-in partner  na service crew ng Jollibee, nang mabungaran ng nagres-pondeng pulis sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon. Kinilala ang biktimang si Kimberly Hernandez,  live-in partner ng naarestong suspek, si Dennis Ryan Pangan, 24, service crew ng isang branch ng nasabing fastfood chain  sa Recto, …

Read More »

Titser utas sa tarak ng katagay

LAGUNA – Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Sta. Rosa City Community Hospital ang isang guro makaraang pagsasaksakin ng kany mga kainoman kabilang ang isang menor de edad matapos maganap ang alitan sa West Drive Subdivision, Brgy. Labas, lungsod ng Sta. Rosa. Sa report ni Supt. Edwin Wagan, hepe ng pulisya, kay Laguna PNP Provincial Director, Sr. Supt. Pascual Munoz …

Read More »

5 pulis na security ni Sec. Deles sugatan sa bomba

BUTUAN CITY – Limang police officers ang sugatan nang masabugan ng improvised explosive device (IED) ang kanilang sinasakyan sa bayan ng Bacuag, Surigao del Norte. Ang mga pulis na hindi muna isinapubliko ang mga pangalan ay mula sa inagurasyon ng farm-to-market road project sa Brgy. Dugsangan nang masabugan sa boundary ng Brgy. Paypay. Ayon kay S/Insp Liza Montenegro, tagapagsalita ng …

Read More »

Shipping company ginigipit ng PPA

PUMALAG ang kinatawan ng malaking shipping company sa umano’y panggigipit sa kanya ng pamunuan ng Philippine Ports Authority (PPA) na naging dahilan ng pagkakasibak niya sa trabaho at pagkalusaw ng kanyang maliit na negosyo sa Vitas Terminal sa Tondo, Maynila. Personal na dumulog upang humingi ng tulong sa media si Rudy Chan, dating kinatawan ng Whales Shipping Corporation makaraang sibakin …

Read More »

Unang Simbang Gabi Dinagsa ng parokyano

MASIGLANG sinalubong kahapon ng madaling araw, ang unang Simbang Gabi na taunang tradisyon ng Simbahang Katolika, siyam na araw bago ang Pasko. Sa Our Lady of Loreto Parish sa Sampaloc, Maynila, dinagsa ng mga deboto ang pagbubukas ng Misa de Gallo. Nagtalaga naman ng checkpoint ang pulisya sa mga lugar na malapit sa simbahan. Sa San Sebastian Recoletos sa Legarda, …

Read More »

Ama kritikal sa pukpok ng bato ng anak

NAGA CITY – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang 25-anyos lalaki matapos pukpukin ng bato sa ulo ang sariling ama sa Tiaong, Quezon. Kinilala ang suspek na si Arnesto Galoso Fernando habang ang kanyang ama ay si Mercado Fernando, 55, kapwa residente ng Brgy. Ayusan 2. Batay sa impormasyon mula Quezon Police Provincial Office, inawat ng biktima ang kanyang anak na …

Read More »

6 karnaper, tiklo sa checkpoint

ARESTADO ang anim  miyembro ng kilabot na karnaper sa inilatag na checkpoint makaraang dumaan ang sinasakyan nilang tricycle sa Binangonan, Rizal. Kinilala ni P/Cinspector Bartolome Marigondon, chief of police ang mga suspek na sina Christopher Atienza, 26, driver, residente ng #1128 Punong Bayan St., Brgy., Lunsad, Binangonan, Rizal, Elmer John Aralar, 19 anyos estudyante ng Binangonan; Charvic Arabit, 20, binata, …

Read More »

677 pasahero na-stranded sa barko

CAGAYAN DE ORO CITY – Na-stranded ang umaabot sa 677 pasahero na sakay ng MV Trans Asia-5 na mula Cagayan de Oro City at may byaheng papuntang Cebu City. Inihayag ni Philippine Coast Guard (PCG) Northern Mindanao spokesperson Lt. Commander Eliezer Danlay, biglang nawalan ng enerhiya ang makina ng barko dahilan upang hindi na ito makapagpatuloy sa paglayag sa daungan …

Read More »

BUMALANDRA muna sa kaliwang barandilya ang Don Mariano Transit bago nahulog sa Skyway sa Bicutan, Taguig. Kinompirma ang pagkamatay ng 18 pasahero (makikita sa larawan) at grabeng pagkasugat ng 16 iba pa. (JERRY SABINO)

Read More »

Peace & order sa NCR tiniyak ng palasyo (Sa pagsalakay ng Martilyo Gang)

TINIYAK ng Malacañang sa publiko na batid ng pulisya ang kanilang tungkulin upang mapanatili ang peace and order, lalo ngayong Kapaskuhan, matapos ang pag-atake ng Martilyo Gang sa isang mall sa Quezon City, kamakalawa dakong 7:00 ng gabi . “Enforcement measures, they’ve taken this as part of their duty (during the) holiday season,”  sabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda. Dalawang …

Read More »

Sibakan sa DepEd banta sa Pasko (Libo-libong empleyado apektado)

HINDI magiging masaya ang Pasko para sa libo-libong empleyado ng Department of Education (DepEd) na mawawalan ng trabaho bago matapos ang taon, pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Party-list. Sinabi ni ACT Rep. Antonio Tinio, ang malawakang sibakan sa trabaho ay bunsod ng pag-iisyu ng panuntunan na nagpapatupad sa rationalization plan ng DepEd nitong Disyembre 3. Sa rationalization plan, …

Read More »

P2 Trilyon pagkalugi isinisi sa trapiko

TUMATAGINTING na P2 trilyon ang nalugi sa Filipinas mula 1999 hanggang kasalukuyan dala na rin ng lumalalang lagay ng trapiko sa Metro Manila at sa iba pang lugar sa bansa ayon sa Red Advocates, bagong tatag na multisectoral group na tumututok sa pagkakaroon ng tamang disiplina ng mga motorista sa lansangan. Ani Brian Galagnara, presidente ng grupo, sa pag-aaral ng …

Read More »

Presyo ng gas sisirit ulit

Nagbabadya na namang tumaas ang presyo ng gasolina ngayong linggo. Inaasahang, tataas ng P0.30 hanggang P0.50 ang kada litro ng gasolina sa pangunguna ng ‘Big 3.’ Pero may aasahan namang bawas-presyo sa diesel na posibleng pumalo ng P0.50 hanggang P0.70. May rollback din sa kerosene na P0.10 hanggang P0.20 kada litro.

Read More »