Thursday , August 11 2022

2 patay sa palpak na crane (Sa San Juan City)

PATAY ang dalawa katao nang mahulog ang metal beam mula sa tower crane sa construction site sa San Juan City at bumagsak sa isang canteen kahapon.

Hindi pa nakuha ang pagkakakilanlan ng dalawang biktima na isang lalaki at isang babae.

Naganap ang insidente sa Wilson Street kanto ng Ortigas Avenue, habang itinatayo ang multi-level parking facility sa nasabing lugar.

Sa inisyal na impormasyon, sinabi ni San Juan City police chief, Senior Supt. Joselito Daniel, biglang nahulog ang metal beam mula sa crane at bumagsak sa canteen.

“Parang nag-slip,” pahayag ni Daniel, idinagdag na kumukuha pa sila ng pahayag sa crane operator para sa dagdag pang detalye.

Aniya, hindi umuulan nang mangyari ang insidente at napakainit, dakong 1:30 p.m.

(MIKKO BAYLON)

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

ABUSADONG ONLINE SELLER TIMBOG
18 tulak, 4 iba pa kalaboso

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos ireklamo ng karahasan kabilang ang 18 tulak …

Prison Bulacan

Bilang ng PDL sa Bulacan Provincial Jail bumaba

BUMABA hanggang sa 1,696 ang bilang ng mga persons deprived of liberty (PDL) sa Bulacan …

Mandaluyong

Sahod ng empleyadong JO sa Mandaluyong P10K na

TATANGGAP ng P10,000 ang mga empleyadong nasa ‘job order status’ sa lungsod ng Mandaluyong. Sa …

Lunod, Drown

Sa Zambales
3 NILAMON NG ALON, 13-ANYOS NAWAWALA

HINDI nakaligtas sa malakas na hampas ng alonang tatlo katao habang nawawala ang kasama nilang …

bugbog beaten

Kinuyog ng 5 katao
16-ANYOS BINATILYO TODAS

BINAWIAN ng buhay ang isang binatilyo matapos pagsasaksakin at pagnakawan ng limang suspek sa Brgy. …

Leave a Reply