Thursday , June 4 2026

Parking attendant itinumba sa Maynila

PATAY ang isang 44-anyos empleyado ng Manila City Hall makaraan barilin ng hindi nakilalang salarin habang naglalaro ng bilyar sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Manuel Isabela, parking attendant/market collector ng Manila City Hall, residente ng 353 Sgt. Mabagos Street, Tondo.

Sa imbestigasyon ni PO2 Dennis Turla, dakong 1:25 a.m. nang maganap ang insidente sa Carmen Planas St. kanto ng P. Laura St.

Habang naglalaro ng bilyar ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek at siya ay pinaputukan.

Pagkaraan ay kaswal na naglakad palayo ang suspek.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang posibleng motibo sa krimen. (LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …