Friday , November 22 2024

News

Maluluhong pulis isumbong kay Mar

MAY kapitbahay o kakilala ka bang pulis na may naglalakihang bahay, magagarang kotse, mamahaling alahas o maluho ang estilo ng pamumuhay? Kung walang negosyo ang mga pulis na ito, maaari mo na silang isumbong kay DILG Secretary Mar Roxas para maimbestigahan kung galing sa katiwalian ang kayamanan nila. Sa panayam sa radyo, sinabi ni Roxas na kasalukuyang ginagawa ng DILG …

Read More »

Overhaul sa MRT — Solon (Bakit maintenance?)

TINULIGSA ng isang mambabatas kahapon ang Department of Transportation and Communication (DOTC) at ang Metro Rail Transit Corporation (MRTC) dahil sa umiinit na “word war” na namamagitan sa kanila sa gitna ng paghihirap sa biyahe ng 500,000 mananakay sa MRT araw-araw. “Imbes maghanap ng sousyon sa patong-patong na problema sa MRT, mukhang mas nakatuon ngayon ang DOTC at ang MRTC …

Read More »

Jeep tumagilid 3 patay, 21 sugatan (Sa La Union)

LA UNION – Patay ang tatlo katao habang 21 ang sugatan sa pagtagilid ng isang pampasaherong jeep sa Brgy. Pias sa lungsod ng San Fernando, La Union dakong 8:15 a.m. kahapon. Ayon sa ulat, galing ang naturang sasakyan na minamaneho ni Eugene Marquez, sa bulubunduking lugar ng Brgy. Baraoas patungo pababa sa sentro ng lungsod nang mangyari ang trahedya. Sa …

Read More »

P30-M suhol ni Cedric Lee sa Taguig judge? (Para makapagpiyansa)

ITINANGGI ng kampo ni Cedric Lee na may nangyaring suhulan para paboran ng judge ang pansamantalang kalayaan ni Lee na humaharap sa kasong serious illegal detention. Ito ay makaraang lumabas sa networking sites na binayaran ng kampo ni Lee si Paz Esperanza-Cortes ng Regional Trial Court Branch 271 ng P30 milyon para makapagpiyansa ang mga akusado. Ayon sa abogado ni …

Read More »

Gen. Purisima pinagbibitiw ng anti-crime groups

IGINIIT ng ilang anti-crime groups na magbitiw na si Philipine National Police Chief Dir. Gen. Alan Purisima dahil sa patuloy niyang pananahimik sa mga krimen na kinasasangkutan ng ilang mga pulis nitong mga nakaraang buwan. Iginiit ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), kailangan nang magsalita ni Purisima hinggil sa mga isyung kinahaharap ng PNP sa ilalim ng kanyang pamumuno. …

Read More »

Robbery-carnap gang nalansag 6 arestado

TIMBOG ang lider ng sindikato at limang tauhan na sangkot sa robbery-holdup at carnapping at nag-o-operate sa Quezon, sa pagsalakay ng mga operatiba sa kanilang safehouse sa PNR Gloria 2, Sindalan, San Fernando City, Pampanga kamakalawa. Sa report ni Provincial director,  Senior Supt. Marlon Madrid, kinilala ang mga naaresto na sina Norman Delfin, 35, lider ng grupo, ng Malino, Mexico; …

Read More »

Pagkuyog kay Abad ng UP students kinondena ng Palasyo

KINONDENA ng Palasyo ang pagkuyog ng mga militanteng estudyante kay Budget Secretary Florencio Abad Jr. makaraan magsalita sa isang forum sa University of the Philippines (UP) kamakalawa. “Lahat po tayo ay malayang magpahayag ‘nung ating damdamin, ‘nung saloobin, ng ating opinyon. Pero may mali na po siguro kapag ‘yung pagpapahayag na ‘yon ay tumatawid na nagkakaroon ng posibilidad na magkaroon …

Read More »

Katutubo inasinta, todas (Napagkamalang unggoy)

BINAWIAN ng buhay ang 16-anyos katutubong Tagbanua sa Narra, Palawan makaraan barilin nang mapagkalaman na isang unggoy. Kinilala ang biktimang si Bernard Bacaltos habang ang suspek ay si Normando Bungkas, 42-anyos. Batay sa imbestigasyon ng Narra PNP, dakong 4 p.m. nang magkasamang nangaso ang biktima at ang suspek. Ilang sandali pa, nakarinig ng kaluskos ang suspek sa hindi kalayuang lugar. …

Read More »

Ex-cager timbog sa drug raid

ARESTADO ang dating manlalaro ng Metropolitan Basketball Association (MBA) sa anti-drug operation sa Brgy. Ugong, Sta. Cruz, Laguna dakong 6 a.m. kahapon. Pakay mismo ng operasyon si Reggie Gutierrez, dating manlalaro ng Laguna Lakers team, dahil nasa target list siya ng mga drug personality sa lalawigan. Unang inakala ng mga tauhan ng Laguna PNP Intelligence Branch Special Action Team na …

Read More »

Philharbor nakikiramay sa pamilya ng mga namatay sa trahedya

NAKIKIRAMAY ang pamunuan ng Philharbor Ferries & Port Services, Inc. (Philharbor), ang operator ng M/V Maharlika 2, sa mga pamilya ng mga pasaherong nasawi sa aksidente sa karagatan na kinasasangkutan ng sasakyang pandagat na pagmamay-ari nila nitong Setyembre 13 (2014). Tiniyak nito na simula pa lamang sa unang araw ay nagpaabot na sila ng tulong pinansiyal sa mga survivor, at …

Read More »

Ordanes nanumpa na bilang halal na alkalde ng Aliaga, Nueva Ecija

NANUMPA si Reynaldo Ordanes kay Judge Jose Paneda ng Komisyon ng Serbisyo Sibil bilang nagwaging alkalde ng Aliaga, Nueva Ecja sa Quezon City kamakalawa. NANUMPA na sa tungkulin bilang tunay na halal na alkalde sa Aliaga, Nueva Ecija si Reynaldo M. Ordanes matapos iutos ng Cabanatuan City Regional Trial Court Branch 30 ang writ of execution sa kanyang pagwawagi sa …

Read More »

Lifestyle check vs PNP Gens (Gen. Purisima hindi lusot)

NAKAHANDA na ang lifestyle check sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at unang masasampolan ang mga heneral. Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas, nakipagpulong na siya kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares ukol dito. Kinonsulta na rin niya si Ombudsman Conchita Carpio-Morales hinggil sa legalidad ng naturang aksyon. Nakatakdang …

Read More »

‘Demolition job’ binigo ng QCPD AnCar chief

DESPERADONG makalusot  sa kinasasangkutan na mga kasong carnapping at pagbebenta ng chop-chop vehicles, inakusahan ng mag-amo ang walong kagawad ng Quezon City Police District (QCPD) na dumakip sa kanila noong nakalipas na Enero. Ito ang nakasaad sa isinumiteng report ni QCPD Anti-Carnapping Section chief Senior Inspector Rolando Lorenzo, Jr., kay QCPD Director, Chief Supt. Richard Albano, matapos iulat ng programang …

Read More »

EO vs port congestion inilabas

NAGPALABAS ng Executive Order (EO) si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III para maibsan ang problema sa port congestion. Sa ilalim ng EO No. 172, itinalaga ni Aquino ang Port of Batangas at Subic Bay Freeport bilang extension ng Port of Manila. Maaaring gamitin ang dalawang pier kung may port congestion o emergency sa Maynila katulad ng kalamidad o strikes. Ang …

Read More »

P6-M shabu nakompiska 5 bigtime drug dealers arestado (Sa CARAGA region)

BUTUAN CITY – Arestado ang limang bigtime drug dealers sa Carage region makaraan makompiskahan ng P6 milyong halaga ng shabu sa pagsalakay ng mga awtoridad dakong 6:30 p.m. kamakalawa ng gabi. Nahuli sa operasyon ng intelligence personnel at SWAT-Surigao City Police Station, ang mga suspek na sila Nyrma Teves alias Asniah, Nornalyn Caliulama at Normalyn Saliling, 22, may asawa, ng …

Read More »

Ginang timbog sa kilong Shabu

NADAKIP ang isang ginang makaraan makompiskahan ng isang kilo ng shabu sa Pasay City kahapon. Kinilala ni Supt. Juluis Caesar Mana, hepe ng Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force ng Philippine National Police (PNP AIDSOFT), ang suspek na si Erlinda Sabanal Dienega alyas Linda, 52, ng Apelo Cruz St., Brgy. 152, Pasay City. Ayon sa opisyal, nakatanggap sila ng impormasyon …

Read More »

22K residente inilikas sa pagsabog ng Mt. Mayon

LEGAZPI CITY – Patuloy na inililikas ang mga residente sa Albay bunsod nang nalalapit na pagsabog ng Bulkang Mayon. Tiniyak ng lokal na pamahalaan ang sapat na suplay ng relief goods sa mga apektadong residente habang nananatili sila sa evacuation centers. Bagama’t hirap ang mga matatanda, may-edad at mga bata, mas pinili nilang lumikas dahil sa takot sa bulkan. Ayon …

Read More »

Pamilyang Tsinoy pinasok ng Gapos Gang

MILYON halaga ng salapi, mga alahas at iba pang mahalagang kagamitan ang tinangay ng apat ng miyembro ng “Gapos Gang” kamakalawa ng umaga sa Valenzuela City. Kinilala ang mga biktimang sina Sengka Alfredo Lee, negosyante at misis na si Maria Theresa, kapwa residente ng 144 V. Cordero St., Brgy. Marulas, ng nasabing lungsod. Sa ulat ni SPO3 Armando De Lima, …

Read More »

Lasenggong Hapon ‘tigok’ sa cancer

Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung inatake sa puso ang dahilan ng pagkamatay ng isang Japanese National na natagpuan sa loob ng kanyang silid sa Malate, Maynila, iniulat kahapon. Wala nang buhay nang datnan sa kanyang kuwarto ang biktimang si Shigeatsu Mori, negosyante, ng Unit 1917, Le Mirage Condominium, A. Mabini St., Malate, Maynila Sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista, sinabi …

Read More »

‘Pusher’ itinumba ng tandem

“Mabuti nga sa kanila, magnanakaw at tulak kasi! “ Ito ang walang panghihinayang na pahayag ng mga residente sa isang subdibisyon sa pamamaril at pagpatay ng hindi nakikilalang riding in tandem sa isang kelot sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Dead-on-the-spot ang biktimang si Wenxyle Falco, ng Lingayen St., Phase 1, Dela Costa Homes II, ng nasabing lungsod, sanhi ng …

Read More »

6 CamSur COP sinibak sa pwesto

NAGA CITY – Tinanggal sa pwesto ang anim na hepe ng pulisya sa anim na bayan sa probinsya ng Camarines Sur. Kabilang sa mga sinibak sina C/Supt. Vicente Marpuri ng bayan ng Libmanan; C/Insp. Eugenio Manondo ng Pasacao; C/Insp. Efren Orlina ng Tigaon; S/Insp. Mariano Sermona ng Tinambac; S/Insp. Nicel Compañero ng Sagñay; at S/Insp. Stephen Cabaltera ng Garchitorena. Ayon …

Read More »

Chief Engineer Assistant inasunto sa Ombudsman (Panggigipit sa fencing permit)

  ISANG chief city engineer at kanyang assistant city engineer ng Las Piñas City ang inireklamo dahil sa paglabag sa Republic Act 539 ng Civil Code sa ilalim ng ‘Private Property.’ Kinasuhan ni Mario Bunyi, ng 125 Wawa St., Alabang, Muntinlupa City sa Ombudsman sina Engr. Rosabela Bantog, Chief City Wngineer at Mr. Christian Chan, Asst. of the City Engineer …

Read More »

Isyung legal sa MRT harapin — Bravo

Isang kasapi ng Mababang Kapulungan ang dumagdag sa lumulobong panawagan para sa isang mabilisang aksyong legal ng Depaetment of Transportation and Communications (DOTC) laban sa operator ng namumroblema ngayong MRT dahil “ito ang unang hakbang” sa paglulutas sa maraming susapin sa nasabing pampublikong transportasyon. “Dalawang linggo na ang lumipas mula nang buksan ng Senado ang paningin ng publiko sa patung-patong …

Read More »

Intramuros ‘pasasabugin’ ng DPWH (Anda Circle ginigiba na)

IKINOKONSIDERA ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagwasak sa 440 taon nang ‘walled city’ o Intramuros upang mapabilis ang daloy ng cargo trucks mula sa Port Area. Sa blog ng isang Alan Robles, sinabing “planners looked at the Port Area map and they saw this huge 64-hectare congested riverside walled neighborhood blocking the route and they said, …

Read More »

Mt. Mayon alert level 3, 12K pamilya ililikas

LEGAZPI CITY – Nakatakdang ilikas ang 12,000 pamilya makaraan itaas sa level 3 ang alerto sa Bulkang Mayon. Ang mga pamilyang ay nakatira sa loob ng 6 kilometer permanent danger zone (PDZ). Sa rekord ng PDRRMC, umaabot sa 10,000 hanggang sa 12,000 pamilya ang nakatakdang isailalim sa forced evacuation. Ang naturang bilang ay mula sa 52 barangays na mula sa …

Read More »