Saturday , January 11 2025

News

Grupo ng nurse nagmartsa sa Mendiola (Wage hike iginiit)

Sumugod sa mendiola ang mga nurse buhat sa ibat ibang hospital para magsagawa ng kilos protesta sa gobyernong aquino para sa kanilang increase na 25.00 pesos na pinangunahan ng Alliance of Health Workers (BONG SON) NAGMARTSA patungong Mendiola mula sa University of Sto. Tomas sa España Boulevard sa Maynila ang grupo ng mga nurse kahapon. Pawang nakasuot ng itim na …

Read More »

Suspek sa rape sa UPLB student natimbog

ARESTADO na ang tricycle driver na suspek sa panghahalay sa isang freshman student ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) kahapon ng madaling araw. Ayon kay Sr. Supt. Florendo Saligao, direktor ng Laguna PNP, 12:45 a.m. nang maaresto ang 26-anyos na si Jose Montecillo y Vivas alyas Joey, sa bahay ng kanyang tiyahin sa Calauan, Laguna habang nagtatago. Bago …

Read More »

Baggage quota system sa NAIA porters ipinatigil

IPINATITIGIL na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang baggage quota system sa mga porter sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1. Dahil sa baggage quota system, mistulang nag-aagawan at nag-uunahan ang mga porter sa NAIA upang makaabot sa 45 bagahe na quota kada araw kundi’y magmumulta sila ng P1,000. Ayon kay Asst. General Manager for Operations Ricardo Medalla …

Read More »

Isolation room sa NAIA para sa Ebola cases (Alert level 3 ikinakasa ng PH)

NAGHANDA na ng isolation room ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa mga pasaherong nanggagaling sa mga bansang may kaso ng Ebola. Ayon kay Robert Simon ng Airport Emergency Services Department, kayang idetine sa loob ng silid ang 100 indibidwal. Dati itong training room ng rescue and firefighting building ng NAIA, sa pagitan ng Terminal 2 at Terminal 3. …

Read More »

6 reporters, doktor abswelto sa libel

  IBINASURA ng Navotas Prosecutor’s Office ang kasong libelo na isinampa ng isang barangay kagawad laban sa anim reporters at isang doktor ayon sa inilabas na desisyon kamakalawa. Sa desisyon ni Fiscal Jennie C. Garcia na inaprubahan ni fiscal Lemuel B. Nobleza, OIC ng Malabon-Navotas City Prosecutor’s Office, walang sapat na basehan ang kasong libelo laban sa anim reporters at …

Read More »

Trike driver tigok sa sarap

HINDI na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang tricycle driver makaraan atakehin sa puso habang nakikipagtalik sa isang babae sa loob ng isang motel sa Malolos City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Felicisimo Tolentino, 59, residente ng Wawa St., Brgy. San Sebastian, bayan ng Hagonoy, sa naturang lalawigan. Ayon sa imbestigasyon ng Malolos City Police, nag-check-in si …

Read More »

Kelot binurdahan ng 50 saksak

UMABOT sa 50 saksak sa katawan ng isang hindi nakikilalang lalaki at itinapon sa kalsada ang bangkay kahapon ng madaling-araw sa Sta. Mesa, Maynila. Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Glenzor Vallejo, nakita sa footage ng CCTV ng Brgy. 428, Zone 43, District 4, Sta. Mesa, Maynila ang isang pampasaherong jeep na dahan-dahang tumatakbo sa panulukan ng Algeria St., Sta. Mesa. …

Read More »

P80-M utang ng Iloilo City sa koryente

ILOILO CITY – Umaabot na sa P80 milyon ang kailangang bayaran ng lungsod ng Iloilo sa Panay Electric Company (PECO) makaraan hindi makabayad ang lungsod sa loob ng mahigit apat buwan. Ang P80 milyon utang ay kinabibilangan ng electric bill sa city markets, city street lights, city offices at city schools. May pinakamataas na bayarin ng city markets ay umaabot …

Read More »

NAIA pinuri ng website sa ‘long awaited rehabilitation’ (Hindi na world’s worst airport)

MAKARAAN ang tatlong taong pangunguna sa listahan, hindi na ngayon hawak ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang titulo ng ‘world’s worst airport.’ Sa pinakahuling listahan ng website na ‘The Guide to Sleeping in Airports’ ngayong taon, nasa ikaapat na pwesto na ang Manila NAIA, batay na rin sa survey na isinagawa nito. Kabilang sa mga tinukoy ng website na …

Read More »

Batang nakulam napagaling ni Madam Minnie Credo

CITY OF SAN FERNANDO, Pampanga —Isang pitong taong gulang na batang babae na sinasabing nakulam ng isang mambabarang sa Candaba, Pampanga ang napagaling ng bantog na si Madam Maria “Minnie” Credo, psychic, na tinaguriang “Spiritual Healer” ng kanyang mga kababayan sa Brgy. Cabambangan, San Vicente, Apalit, Pampanga. Sa labis na katuwaan ni Aling Josephene Alabado, may asawa at dalawang anak …

Read More »

Umabot sa 70 street children ang nirescue ng mga…

Umabot sa 70 street children ang nirescue ng mga tauhan ng Manila Police District sa pamumuno ni MPD Deputy Director Directorial Staff Sr Supt Gilbert Cruz at dinala ito sa Manila Social Welfare Department kung saan naabutang natutulog at nakatira na sa ibat ibang lugar sa C.M Recto, Quirino Paco Cementery, and M.H.Del Pilar at Roxas Blvd Manila (BONG SON …

Read More »

Sen. Bongbong Marcos pinangunahan ang World Teachers Day celebration.

Kapiling si Sen. Bongbong Marcos ng daan-daang mga guro sa Jesse Robredo Coliseum, Naga City, Camarines Sur sa selebrasyon ng World Teachers Day Celebration. Sinamahan si Sen.Bongbong ni Gov. Migz Villafuerte (L) at ng amang si dating Gov. LRay Villafuerte (R) habang ibinabahagi niya ang pagsasabatas ng patuloy na edukasyon at sentralisadong programang pabahay para sa mga guro. Inimbitahan ang …

Read More »

AMLC nakoryente sa ‘unexplained wealth’ ni Revilla

TINIYAK ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr., na muling mapapahiya ang prosekusyon sa walang basehang alegasyon ng money laundering at unexplained wealth laban sa kanya batay sa ipinirisenta niyang report mula sa Anti Money Laundering Council (AMLC). Binigyang-diin ng senador na ang AMLC report ay walang bigat para tumibay ang alegasyon laban sa kanya. “The AMLC findings are inaccurate at …

Read More »

Multiple bank accounts indikasyon ng Money Laundering (Ayon sa AMLC)

INIHAYAG ng testigo ng gobyerno na si Anti-Money Laundering Council (AMLC) investigator Leigh Vhon Santos kahapon, ang multiple bank accounts ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., na milyon-milyong piso ang na-withdraw, ay indikasyon ng money laundering. Sa cross examination sa Sandiganbayan First Division kahapon, sinabi ni Santos, may 81 bank accounts sa pangalan ni Revilla at mga miyembro ng kanyang …

Read More »

50 illegal foreign workers tiklo sa Makati call center

NAARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang 50 dayuhan na illegal na nagtatrabaho bilang call center agents sa Makati City. Karamihan sa mga dayuhan ay nasa kanilang pwesto nang salakayin ng BI intelligence group team ang call center. Ang nasabing mga dayuhan ay walang working documents at tumatanggap ng sahod na mula P30,000 hanggang P60,000 kada buwan. …

Read More »

Koreanong wanted inilipat sa Maynila (Natimbog sa Cebu)

INILIPAT na sa Maynila ang nahuling Koreano na isa sa most wanted persons sa South Korea, natimbog sa Cebu nitong nakaraang linggo. Bitbit ng International Operations Division ng National Bureau of Investigation (NBI) si Jung Bon Young na dumating sa NAIA Terminal 3 dakong 6 a.m. kahapon. Sinabi ni NBI-International Operations Division Chief Atty. Daniel Daganzo, pinal na ang deportasyon …

Read More »

Palasyo tikom-bibig sa PNoy-Binay meeting agenda

GINAWARAN ni Pangulong Benigno Aquino III ng “Award of Coast Guard Search and Rescue Medal and Ribbon” ang asong Labrador na si Bosh bunsod ng pagtulong sa paghahanap ng mga biktima ng naganap na lindol sa Bohol. Ginanap ang parangal sa aso sa pagdiriwang ng ika-113 anibersaryo ng Philippine Coast Guard. (JACK BURGOS) TIKOM ang bibig ng Palasyo sa agenda …

Read More »

Transgender inilunod sa inodoro (Ayon sa medico legal)

MULING kinalampag ng mga militanteng grupo ang Embahada ng Amerika sa Maynila at iginiit ang hustisya sa para sa transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer, pinatay ng US Marine na si Private First Class Joseph Scott Pemberton. Nanawagan din ang grupo para sa pagbasura sa VFA at EDCA. (BONG SON) PAGKALUNOD o ‘death by asphyxia caused by drowning’ ang …

Read More »

Baby boy ‘buntis’

ILOILO CITY – Malaking palaisipan ngayon ang kaso ng isang sanggol na lalaking sinasabing buntis. Bagama’t paslit at magdadalawang taon pa lang sa Disyembre, natuklasan ng mga doktor na may fetus sa tiyan ni Julian Conrado Rioja ng Pandan, Antique. Ayon sa ama ng paslit na si SPO1 Julian Rioja, normal nang ipinagbuntis ng kanyang misis ang kanilang anak hanggang …

Read More »

Ulo ng anak minaso ng ama (Parehong senglot)

ROXAS CITY – Patay ang isang lalaki makaraan pukpukin ng maso ng sariling ama sa Brgy. Quiajo President, Roxas Capiz kamakalawa. Ayon sa pulisya, magkasamang umiinom ng alak ang biktimang si Rocky Bayis at ama niyang suspek na si Raul Bayis sa kanilang bahay. Sa hindi malamang dahilan, pinagbantaan ni Rocky ang ama na papatayin kapag natutulog na ang suspek. …

Read More »

P15-M shabu nasabat sa Maynila

NAKOMPISKA ng Task Force Tugis at HPG-SOD ang tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P15 milyon sa isang kotse sa Agoncillo St., Malate, Maynila. Arestado sa operasyon ang driver ng kotse na si Sheila Somar. (ALEX MENDOZA) TINATAYANG P15 milyon halaga ng shabu ang nakompiska mula sa isang kotse ng pinagsanib na pwersa ng Task Force Tugis at Highway …

Read More »

13 arestado sa QC Shabu tiangge

ARESTADO ang 13 katao sa pagsalakay ng pwersa ng District Anti-Illegal Drugs sa isang sinasabing shabu tiangge sa Don Pepe Street, Brgy. Sto. Domingo, Quezon City kahapon. Dalawa sa mga nadakip ay hinihinalang nagtutulak ng droga habang ang iba ay gumagamit ng narkotiko. Batay sa inisyal na impormasyon mula sa Quezon City Police District (QCPD), tinatayang P500,000 halaga ng shabu …

Read More »

Sa Nicole case Repaso sa VFA binalewala ng Amerika — Palasyo

KINOMPIRMA ng Malacañang, ibinasura lamang ng Estados Unidos ang naunang review sa Visiting Forces Agreement (VFA) makaraan ang Nicole case. Naungkat muli ang panukalang repasohin o ipawalang-bisa ang VFA makaraan ang pagpatay ng isang U.S. serviceman sa isang transgender sa Olongapo City. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, naipresenta na sa US counterparts ang resulta ng review ngunit walang nangyaring …

Read More »

Estudyante binaunan ng bala sa ulo  

PATAY ang isang estudyante makaraan barilin ng hindi nakilalang suspek na nakasabay lamang niya sa pampasaherong jeep kahapon ng madaling araw sa Caloocan City. Hindi na umabot nang buhay sa Our Lady of Lourdes Hospital ang biktimang si Nicole Jan Macaranas, 17, estudyante ng Caloocan High School at residente ng #14 Victory St., Vista Verde Subdivision, Brgy. 165 ng nasabing …

Read More »