CEBU CITY – Kritikal ang kondisyon ng isang security guard ng Vicente Sotto Memorial Medical Center-center for behavioral sciences makaraan saksakin ng pasyente ng pagamutan kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Jonatahan Flordeliz, 47, at residente ng Brgy. Cogon-Pardo, Lungsod ng Cebu. Ayon kay VSMMC-Behavioral Sciences head Dr. Rene Obra, ang pasyente ay dinala sa kanilang pagamutan kamakalawa dahil iba na ang …
Read More »3 ipit gang tiklo sa Papal visit dry-run
ARESTADO ang tatlong hinihinalang miyembro ng ‘ipit gang’ nang makahingi ng tulong ang saksi sa mga pulis na nagsasagawa ng dry-run sa pagdating ng Santo Papa, makaraan maaktuhan ang pagdukot sa babaeng biktima kamakalawa sa Pasay City. Kinilala ni Pasay City Police Officer in Charge, Sr. Supt. Sidney Hernia ang tatlong suspek na sina Rolando Casadio, 49; Francisco Apolinario, 37; …
Read More »Logbook pa ng illegal drug transactions nakompiska sa Bilibid
MULING nakakompiska ng logbook na naglalaman ng transaksyon sa bawal na droga ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang raid kahapon sa New Bilibid Prisons (NBP). Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, ang paghalughog ng NBP ay madalas nang ginagawa makaraan ang malaking raid na isinagawa noong Disyembre 15, 2014. Ang pagsalakay na halos araw-araw …
Read More »Sanggol tumilapon sa irigasyon nalunod
NALUNOD ang 2-anyos sanggol na lalaki nang malaglag mula sa sinasakyang motorsiklo at nahulog sa irigasyon sa Brgy. Bisaya, Vintar, Ilocos Norte kamakalawa. Ayon kay Senior Inspector Lauro Milan, chief of police sa bayan ng Vintar, ang biktimang si Angelo Pascual ay isinakay ng kanyang mga tiyuhin na sina Marvin Pascual at Jeffrey Quelnat sa isang motorsiklo at inilagay nila …
Read More »P30-M ginastos sa Quirino Grandstand (Para sa Papal events)
UMABOT sa P30 million ang halaga na ginastos ng Department of Public Works and Highway (DPWH) kaugnay sa ginawang altar at pag-repair sa Quirino grandstand kung saan magsasagawa ng misa si Pope Francis sa bansa. Ayon kay DPWH Secretary Rogelio Singson, nasa P30 million ang ginastos ng DPWH para sa kanilang ginawang pagsasaayos sa Quirino grandstand. Giit ni Singson tinapos …
Read More »Pumatay sa buntis na teenage bride itatapon sa dagat
GENERAL SANTOS CITY – Buhay rin ang kailangang ibayad ng mister na pumatay sa kanyang misis na tatlong buwan buntis. Ito ang sinabi ni ni Adeb Udag, tribal chieftain ng tribung T’boli. Aniya, alam ng suspek na buntis na ang 16-anyos misis bago niya pinakasalan. Naging tampok sa kanilang tribu ang pagsasauli ng dowry sa unang mister ng biktimang si …
Read More »Teenage bride pinatay ni mister nang mabuking na buntis
GENERAL SANTOS CITY – Tinutugis ng pulisya ang isang lalaki na bumaril at nakapatay sa kanyang misis kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Tonio Gumbe, 42, magsasaka, residente ng Bati-an Maitum Sarangani Province. Madaling araw nang nag-away si Gumbe at misis niyang si Noraida Sugod, 16-anyos, na nagresulta sa pamamaril. Agad binawian ng buhay ang biktima na natadtad ng tama …
Read More »Seguridad ni Pope Francis klaro — PNP
INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) na nananatiling walang banta sa seguridad ni Pope Francis sa pagbisita sa bansa. “As of now po, wala po talagang detalyado or partikular na impormasyon na natatanggap ang PNP [na banta],” sabi ni Deputy Dir. Gen. Leonardo Espina, officer-in-charge ng PNP. Siniguro niyang patuloy ang pinaigting na seguridad para sa pagdating ng lider ng …
Read More »Ceasefire sa Papal visit tuparin (Gov’t sa CPP)
UMAASA ang Malacanang na tutuparin ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang pahayag nilang hindi magiging banta sa seguridad ni Pope Francis ang New People’s Army (NPA). Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, sana pangangatawan ng mga rebeldeng komunista ang kanilang anunsyo at hindi lalabag sa kanilang sariling ceasefire declaration sa Papal visit. Ayon kay Coloma, nagpapatuloy ang kanilang …
Read More »1M deboto dadagsa sa Tacloban
INAASAHANG isang milyong deboto ang dadagsa sa Tacloban sa pagdating ni Pope Francis sa probinsya ngayong Sabado. Ito ang inihayag ni Fr. Amadeo Alvero, spokesperson ng Archdiocese of Palo. Banggit ni Alvero, nasa 120,000 lang ang papayagang makadalo sa open-air mass ni Pope Francis sa Tacloban Airport. Bubuuin ito ng tig-1,000 delegado mula sa iba’t ibang parokya kabilang na ang …
Read More »Epal tarps babaklasin ng DPWH
TINIYAK ng Department of Public Works and Highways kahapon, ipagpapatuloy nila ang pagtunton at pagbaklas sa ‘epal’ tarpaulins na inilagay kaugnay sa limang araw na pagbisita ni Pope Francis sa Filipinas. Ibinigay ni DPWH Metro Manila director Reynaldo Tagudando ang pagtitiyak makaraan magsimulang magsulputan ang mga tarpaulins sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila. Sinabi ni Tagudando, gagawin ng kanyang …
Read More »Listahan ng inmates para sa pardon inihanda na ng Palasyo
INIHAHANDA na ng Palasyo ang pangalan ng ilang inmates na mabibigyan ng executive clemency ni Pangulong Benigno Aquino III. Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, maaaring ilabas na ang listahan ngayong linggo makaraan ang deliberasyon ng Office of the President. Gayonman, hindi inihayag ni De Lima kung ilang inmates ang bibigyan ng clemency na kasali sa pinagpipilian. Una rito, …
Read More »Pemberton ilipat sa regular jail (Giit ng pamilya Laude)
NAGHAIN ng motion for reconsideration ang pamilya na pinaslang na transgender na si Jennifer Laude, kaugnay sa desisyon ng korte na huwag nang ilipat sa regular na kulungan ang suspek na si Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton. Sa mosyon na inihain ng kapatid ng biktima na si Marilou Laude, hiniling niya sa Olongapo Regional Trial Court na baligtarin ang naunang …
Read More »Magbiyenan todas sa ambush sa Rizal
KAPWA patay ang magbiyenan nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki habang nagpapa-vulcanize ng gulong ng kanilang motorsiklo kahapon ng umaga sa Rodriguez, Rizal. Kinilala ni Supt. Robert Baesa, hepe ng Rodriguez Police, ang mga napatay na sina Ricardo Fernandez y Reyes, 57, empleyado ng Manila City Hall, at si Enrique Paba y Ranque, 52, kapwa tubong Surigao del Norte, …
Read More »2 patay, 11 sugatan sa pagsabog sa Capiz school
ROXAS CITY – Patay ang dalawa katao habang 11 ang sugatan sa pagsabog sa harap ng isang paaralan sa Brgy. Lantangan, Pontevedra, Capiz kahapon. Inihayag ni Brgy. Captain Henry Tumlos, dakong 12:10 p.m. nang marinig niya ang napakalakas na pagsabog. Kasunod nito ay nakita na lamang na nakahandusay sa harap ng paaralan ang nagkalat na mga parte ng katawan ng …
Read More »Misis ng preso binugbog ginahasa ng pulis
CAGAYAN DE ORO CITY – Kasong rape at pambubugbog ang isinampa sa piskalya ng isang ginang laban sa pulis na kasapi ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) sa Lungsod ng Cagayan de Oro. Ito’y makaraan maglakas loob ang 23-anyos ginang na ibulgar ang makailang beses na panggagahasa sa kanya ng suspek na si PO3 Zari Iraz, residente sa …
Read More »6-anyos paslit nalunod sa creek (Naghahanap ng gagamba)
NAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang isang bata sa bayan ng Nabua makaraan malunod sa isang creek kamakalawa. Ayon kay Virginia Rejaldo, lola ng biktimang si John Joven Abayon, 6, grade 1 pupil sa Nabua Central School, nahulog ang biktima sa isang creek sa Brgy. San Miguel. Ayon kay Rejaldo, kasamang naghahanap ng gagamba ng biktima ang 5-anyos …
Read More »New lowest temp sa M. Manila 18.5°C
BUMABA pa ang temperatura kahapon sa Metro Manila dahil sa patuloy na epekto ng hanging amihan. Ayon kay Pagasa forecaster Alvin Pura, naranasan kahapon ng madaling araw ang 18.5 degrees Celsius. Ito na ang pinamakamalamig na panahon ngayong taon at maging sa buong amihan season mula noong huling bahagi ng 2014. Inaasahang magpapatuloy pa ang ganitong kondisyon ng panahon hanggang …
Read More »10 Bilibid inmates pa inilipat sa NBI
SAMPU pang notoryus na preso sa New Bilibid Prison (NBP) ang inilipat sa pangangalaga ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Taft Avenue, Maynila. Ang paglilipat sa mga preso ay kasunod nang ikatlong pagsalakay sa NBP sa Muntinlupa na isinagawa ng Department of Justice, NBI at ng Philipiine National Police. Kabilang sa mga inilagay sa kostudiya ng NBI at pinaniniwalaang …
Read More »MPD 2 deputy chief tinarakan ng gunting sa leeg
SUGATAN ang deputy chief ng Manila Police District Station 2 makaraan saksakin ng gunting sa leeg ng isang lalaking sabog sa illegal na droga sa mismong gate ng kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila. Kinilala ang biktimang si Chief Insp. Roberto Mupas, 36, ng 2424 Bonifacio St., Tondo, nilalapatan ng lunas sa hindi binanggit na ospital. Habang arestado …
Read More »Central Luzon, Metro Manila niyanig ng lindol
NIYANIG ang Metro Manila at Central Luzon ng magnitude 6.0 na lindol na unang itinala ng Phivolcs sa 5.7 at 5.9, dakong 3:31 a.m. kahapon. Naramdaman ang Intensity IV sa Pasig City; Makati City; Pasay City; Manila City; Quezon City; Hagonoy, Bulacan; San Mateo, Rizal; at Obando, Bulacan Habang Intensity III sa Tagaytay City; at San Miguel, Tarlac; Intensity II …
Read More »Drones bawal sa Papal visit
MAHIGPIT na ipatutupad ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang “no drone policy” sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa simula Enero 15 hanggang 19. Sa advisory ng CAAP, ang gagamit ng unmanned aircraft systems o drones ay haharap sa multang P300,000 hanggang P500,000. Nauna rito, idineklara ang ‘no-fly zone’ sa three nautical miles radius mula sa ibaba …
Read More »Listahan para sa executive clemency nirerepaso pa (Pasalubong kay Pope Francis)
NIREPASO pa ni Justice Secretary Leila de Lima ang listahan ng mga pangalan na isusumite sa Malacanang para sa executive clemency. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., ang listahan ay hindi pa naisusumite kay Pangulong Benigno Aquino III, na magsisilbing regalo ng Palasyo kay Pope Francis sa pagdating ng Santo Papa sa bansa. “Noon pong Biyernes ng umaga, sinabi …
Read More »61-anyos ina nagsaksak sa sarili (Anak nakaalitan)
LA UNION – Itinakbo sa pagamutan sa bayan ng Bauang, La Union, ang isang 61-anyos lola makaraan magtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang sarili kamakalawa. Sa ulat mula sa Bauang PNP, sinaksak ng nasabing lola ang kaliwang dibdib at natagpuan na lamang ng kanyang anak na nakahandusay at duguan sa kanilang bahay katabi ang ginamit na kutsilyo. Maswerteng …
Read More »2 killer ng lady journo arestado
NAARESTO na ang dalawa sa apat na mga suspek sa pagpaslang sa tabloid reporter na si Nerlita “Nerlie” Ledesma sa Bataan. Ayon kay Bataan Police Director, Sr. Supt. Rodel Sermonia, positibong kinilala ng mga testigo ang gunman na si Inocencio Bendo alyas Banjo at kasabwat na si Juan Pulo alyas Buboy, kapwa kakasuhan ng murder. Dagdag ni Sermonia, tumbok na …
Read More »