Saturday , January 11 2025

News

6-anyos kritikal sa dos por dos

GENERAL SANTOS CITY – Kritikal sa General Santos City Hospital ang 6-anyos batang lalaki makaraan hampasin ng  dos-por-dos ng kanilang kapitbahay kamakalawa. Kinilala ang biktimang si alyas Dodong, taga Saeg, Brgy. Calumpang sa lungsod, habang ang suspek ay si Josephine Alaman, 40-anyos. Sa impormasyon mula sa lola ng biktima, tinawag ng suspek ang kanyang apo at nang lumapit ang bata …

Read More »

1,288 OFWs nakakulong sa droga

LUMOBO na sa 1,288 ang bilang ng mga Filipino na nakakulong sa iba’t ibang bansa dahil sa mga kasong may kaugnayan sa ilegal na droga. Ito ang naging ulat ng DFA sa kanilang pagharap sa pagdinig ng House committee on dangerous drugs, partikular na sa usapin ng kaso ni Mary Jane Veloso. Lumalabas na sa mahigit 1,000 drug rela-ted cases, …

Read More »

Police security ng politico babawiin sa eleksiyon

AALISAN ng mga police security ang mga politikong tatakbo sa 2016 elections sa loob ng election period, ayon sa Police Security and Protection Group (PSPG).  Sabi ni Supt. Rogelio Simon, tagapagsalita ng PSPG, lahat ng electoral candidates na may PNP Security detail, maging ang incumbent government officials, ay aalisan ng security sa oras na maghain sila ng certificate of candidacy.  …

Read More »

Blackmail ‘di estilo ng Aquino admin — Palasyo (Para sa BBL)

HINDI estilo ng administrasyong Aquino ang mam-blackmail para makuha ang gusto, kahit na halos kasabay ng pagpupunyaging makalusot sa Senado ang draft ng Bangsamoro Basic Law (BBL) ang pagsasampa ng kaso ng Department of Justice (DoJ) laban sa third batch ng mga mambabatas na sabit sa pork barrel scam, ayon sa Palasyo. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nagkataon …

Read More »

BBL may nilalabag sa Konstitusyon — 12 senators

UMABOT sa 12 senador ang kombinsidong may mga probisyong labag sa Saligang Batas sa binubuong Bangsamoro Basic Law (BBL).  Ayon kay Sen. Miriam Defensor-Santiago, 12 sa 14 miyembro ng pinamumunuan niyang Senate committee on constitutional amendment and revision, ang pumirma sa report na nagsasabing dapat rebisahin ang ilang bahagi ng panukalang batas.  Bukod kay Santiago, kasamang pumirma sa committee report …

Read More »

Resto owner sa Davao arestado (Senior citizen hindi binigyan ng discount)

ARESTADO ang may-ari ng isang restaurant sa Davao City nitong Lunes nang hindi magkaloob ng discount sa isang senior citizen. Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) si Richard Tuason base sa reklamo ng senior citizen na si Renato Hidalgo. Sinabi ni Hidalgo, kinasuhan niya ang nasabing establisimento makaraan siyang kumain at hindi pinagkalooban ng senior citizen’s …

Read More »

LGU officials suportado si PNoy at Mar

ILANG araw pagkatapos iha-yag ni Pangulong Noynoy Aquino na personal niyang pambato sa nalalapit na halalan si DILG Secretary Mar Roxas ay tila bumubuhos na ang suporta para sa pagtakbo nito, kahit pa sa katapusan pa ng Hulyo gagawin ang opisyal na pag-eendorso. Nanguna rito si Senate Pre-sident Franklin Drilon, isa sa mga haligi ng Liberal Party. “Mar Ro-xas can …

Read More »

Kawatan nangisay sa koryente (Gasoline station pinasok)

PATAY ang isang  jeepner barker na nagtangkang nakawan ang isang gasolinahan nang mahawakan ang live wire sa loob ng cashier’s booth sa Caloocan City, kamaka-lawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Nelcar Enate, 20, ng Sarimburao St., Brgy. 8, ng nasabing lungsod. Batay sa ulat ni SPO2 Joselito Barredo, dakong 9 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng cashiers …

Read More »

3-anyos paslit todas sa kape

HINIHINALANG namatay ang isang 3-anyos paslit sa Bacolod bunsod nang labis na pag-inom ng kape. Ayon sa mga magulang ng biktima, nakita na lang nilang wala nang buhay ang paslit isang umaga. Itinakbo pa nila ang paslit sa ospital ngunit idineklara itong dead-on-arrival. Banggit ng mga doktor, nagkaroon ng irregular heartbeat ang bata na posibleng makuha sa pag-inom ng maraming …

Read More »

Nawalan ng trabaho buntis naglason

UMINOM ng lason bunsod ng depresyon ang isang buntis makaraan masibak sa trabaho bilang kasambahay kamakalawa ng umaga sa Malabon City. Hindi na umabot nang buhay sa Pagamutang Bayan ng Malabon ang biktimang si Rosalinda Cortan, 30, ng Gulayan, Brgy. Catmon ng nasabing lungsod. Batay sa ulat ni Chief Insp. Rey Medina, hepe ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon …

Read More »

Babaeng preso inilalabas sa gabi ng chief warden

INIIIMBESTIGAHAN ng pamunuan ng Manila Police District General Assignment Section ang hinggil sa lumabas na artikulo sa isang pahayagan na sinibak ang isang opisyal ng MPD Integrated Jail dahil sa nakitang record sa Close Circuit Television (CCTV) na inilalabas ang isang presong babae. Pansamantalang tinanggal muna sa puwesto si Insp. Manuel Madlangbayan at posibleng ilipat sa MPD District Support Headquarters …

Read More »

Pulis binaril sa demolisyon (2 pang parak sugatan)

TATLONG pulis ang sugatan kabilang ang isang tinamaan ng bala ng baril, nang lumaban ang mga residente sa isinagawang demolisyon sa isang compound sa Caloocan City kahapon ng umaga. Nilalapatan ng lunas sa Manila Central University (MCU) Hospital si PO1 Virgilio Cabangis, Jr., nakatalaga sa Northern Police District (NPD), sanhi ng isang tama ng kalibre .38 sa kaliwang pigi. Sugatan …

Read More »

Bangsamoro Bill lusot sa House Ways & Means Committee

MABILIS na lumusot sa House Ways and Means Committee ang Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region (BLBAR). Nagkaroon lang ito ng apat minor ammendments ngunit hindi naapektohan ang kabuuan ng panukala. Nabatid na hindi ito dumaan sa normal na botohan kundi nagmosyon na lang si Batangas Rep. Raneo Abu habang ang iba niyang kasamahan ang nag-second the motion. Magkahiwalay …

Read More »

Sarangani ‘wag isama sa Bangsamoro – Pacman

TINUTULAN ni Sarangani Rep. Emmanuel “Manny” Pacquiao na mapabilang sa Bangsamoro Autonomous Region ang kanilang probinsya. Sa inilabas na pahayag ni Pacquiao, sinabi niyang hindi na kailangang isama ang Sarangani sa mga lugar na may isinusulong na kapayapaan dahil tahimik at maayos na ngayon ang kanilang probinsya. Lumabas ang reaksyon ng Sarangani solon makaraan sabihin ng ilang eksperto na maaaring …

Read More »

Suhulan posible sa pulong ni PNoy sa senators – Osmeña (Kaugnay sa BBL)

INIHAYAG ni Senador Sergio Osmeña III na posibleng may maganap na suhulan sa planong pakikipagpulong ni Pangulong Benigno Aquino III sa mga senador para pag-usapan ang pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law (BBL). Ayon kay Osmeña, gagawin ang lahat  ni Pangulong Aquino matiyak lamang na lumusot ang bersiyon ng BBL na kanilang isinumite sa dalawang kapulungan ng Kongreso. Wala rin balak …

Read More »

NAIA security check sisimulan ngayon ng TSA

SASAILALIM sa security assessment ng United States-Transportation Security Administration (TSA) ang pangunahing paliparan ng bansa, mula ngayong araw. Umaasa ang Manila International Airport Authority (MIAA), ang operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), na magiging positibo ang resulta at makapapasa sa pagsusuri ng US TSA. Sisilipin sa sa assessment kung sinusunod ng NAIA ang safety standards na regulasyon ng International …

Read More »

Litsonero nasagip sa tangkang suicide (Umakyat sa tuktok ng krus)

CEBU CITY – Nabulabog ang mga residente ng Brgy. Pajac, lungsod ng Lapu-Lapu, Cebu nang umakyat sa tuktok ng krus ng simbahan ang isang lalaki pasado 8 a.m. kahapon. Kinilala ang biktimang si Eric Bulay-og, 27, isang litsonero, at residente sa nasabing lugar. Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na may tumawag sa kanilang himpilan kaugnay sa nasabing insidente. Agad …

Read More »

Sinermonan ni utol 14-anyos naglason

ROXAS CITY – Hindi na naisalba ng mga doktor ang buhay ng isang 14-anyos dalagita na uminom ng lason makaraan pagalitan ng kanyang kapatid sa Brgy. Maalan, Maayon, Capiz kamakalawa. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang kinilalang si Lynlyn, ng New Guia, Maayon, uminom ng isang uri ng pesticide. Nabatid sa imbestigasyon ng Maayon Police …

Read More »

Problemado nagkoryente sa sarili, patay

NAGPAKAMATAY ang isang hindi nakilalang lalaki sa pamamagitan ng pagkoryente sa kanyang sarili sa itaas ng isang gusali dahil sa matinding problema kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Agad binawian ng buhay ang biktimang 40-45-anyos, may taas na 5’2 hanggang 5’4, at nakasuot ng maong pants. Sa imbestigasyon ni SPO1 Giovanni Arcinue, ng Station Investigation Detective Management Branch (SIDMB) ng …

Read More »

Roxas kasado sa hamon ni PNoy

NAKAHANDA ako. Ito ang mariing tugon ni DILG Secretary Mar Roxas sa mga tanong ng reporter ukol sa pahayag ni Pangulong Noynoy Aquino na siya pa rin ang pambato ng pangulo para sa darating na eleksyon sa 2016. “Ito ang titiyakin ko sa inyo, sa ating mga kababayan: handa akong harapin at tanggapin ang tungkuling ipagpatuloy ang mga magagandang nasimulan …

Read More »

British School pinananagot sa suicide ng estudyante

AMINADO si Department of Education (DepEd) Undersecretary Albert Muyot na may pananagutan ang pamunuan ng British School of Manila sa sinapit na pagpapakamatay ni Liam Madamba, kabilang sa mga mag-aaral na ina-kusahan ng isang guro ng pangongopya o plagiarism. Gayonman, ayon kay Muyot, hindi nila mapapatawan ng sanction ang nasabing paaralan dahil hindi ito sakop ng DepED bagama’t mayroon silang …

Read More »

Florista sinabuyan ng asido, natira nilagok ng suspek

BINABANTAYAN ng mga pulis sa Philippine General Hospital (PGH) ang isang 45-anyos lalaki na uminom ng asido makaraan bugbugin at sabuyan sa mukha ang kanyang live-in partner nang tumanggi ang biktima na lagukin ang nasabing kemikal kahapon ng umaga. Kinilala ni Supt. Mannan C. Muarip, hepe ng Manila Police District Station 4, ang suspek na si Renato Cordova Jr.,  nahaharap …

Read More »

PNoy duda sa tsansa ni Binay

MASKI si Pangulong Benigno Aquino III ay duda sa tsansa ni Vice President Jejomar Binay sa 2016 presidential elections dahil sa kinakaharap na mga isyu ng katiwalian. Ayon sa Pangulo, kahit na nangunguna si Binay sa mga survey sa presidential aspirants, ang abilidad ng Bise-Presidente sa pagsagot sa mga alegasyon ng korupsiyon ang magiging batayan sa paglahok niya sa 2016 …

Read More »

Roxas top list bilang standard bearer — Pnoy

SA GITNA ng mga haka-haka na umiikot dahil sa nalalapit na presidential election sa 2016, inamin ni Pangulong Noynoy Aquino na nananatiling si DILG Secretary Mar Roxas pa rin ang kanyang personal  na  pambato upang ipagpatuloy ang repormang nasimulan ng administrasyong Aquino. “Nagulat akong nakalagay sa ilang pahayagan na hindi raw kinokonsiderang standard bearer ng koalisyon si Mar. Malabo ‘yun,” …

Read More »

BBL hihilingin i-certify na urgent

NAGKASUNDO sina House ad hoc committee chairman Rufus Rodriguez at House Speaker Feliciano Belmonte na hilingin na kay Pangulong Benigno Aquino III na i-certify na bilang urgent ang Basic Law on the Bangsamoro Autonomous Region o Bangsamoro Basic Law (BBL). Ayon kay Rodriguez, naghahanda na sila para idepensa sa plenaryo ang magiging takbo ng debate na inaasahang lalahukan ng malaking …

Read More »