Saturday , January 11 2025

News

Suspek sa pagpatay, pagsunog sa bebot sa Zambales, nasa US na

 OLONGAPO CITY– Isa sa dalawang suspek sa pagpatay at pagsunog sa 23-anyos babae sa lungsod na ito, ang pinaniniwalaang nakaalis na patungong Amerika, isang araw makaraan ang ginawang krimen. Ang Fil-Am na si Jonathan Dewayne Ciocon Viane, 29, may-asawa, at residente ng San Isidro, Subic, Zambales, ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Karie Ces “Aika” Mojica, natagpuang wala nang buhay …

Read More »

Higit 100 estudyante naospital sa pampurga

MAHIGIT 100 estudyante ang isinugod sa ospital makaraan painomin ng gamot na pampurga o deworming tablets ng Department of Health (DOH) sa bayan ng Piñan, Zamboanga del Norte kahapon ng umaga. Sinabi ni Piñan Mayor Jose I. Belleno, walang na-confine na estudyante mula sa Piñan Elementary School dahil pinauwi silang lahat. Ayon sa ulat, nakaranas ng pananakit ng tiyan at pagsusuka …

Read More »

MRT bus project tinutulan

TINUTULAN ng grupong National Center for Commuter Safety and Protection (NCCSP) ang MRT Bus project na inilunsad nang hindi lubhang napag-aralan.  Layon ng naturang proyekto na maibsan ang mahahabang pila sa tren ng MRT.  Mula Lunes hanggang Biyernes, simula 6 a.m. hanggang 9 a.m. ang biyahe ng mga MRT bus na may apat na ruta: North Avenue hanggang Ayala; North …

Read More »

Shabu bistado sa ari ng dalaw (Sa Pasay City jail)

NABUKO ng mga tauhan ng city jail ang itinagong plastic sachet ng shabu sa ari ng 46-anyos babaeng dadalaw sana sa kanyang kinakasama at sa bayaw na nakakulong sa Pasay City. kamakalawa ng hapon. Ang inarestong babae ay kinilala ni Pasay City Warden Supt. Baby Noel P. Montalvo, na si Jennifer Belda ng Sucat, Parañaque City.          Base sa imbestigasyon ni …

Read More »

Driver tinodas sa carwash

PATAY ang isang driver makaraan pagbabarilin ng dalawa sa tatlong hindi nakilalang suspek habang naghihintay na ma-carwash ang minamanehong truck sa Malabon City kahapon ng umaga. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Juanito Mabini, 56, driver ng Ludy Cruz Chicken Dealer, at residente ng Flovi Homes 6, Brgy. Tonsuya ng lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre …

Read More »

NAGPIKET sa harap ng Quezon City RTC Annex ang mga kasapi ng Bayan-Southern Tagalog upang ipanawagan sa mga awtoridad na ipasilip ang detenidong politikal na si Eduardo Soriano, sampung taon nang nakakulong ngunit hindi nasilayan ng kanyang mga kababayan sa Mindoro. (ALEX MENDOZA)

Read More »

‘IWASAN mataranta upang makasalba.’ Ito ang tema ng isinagawang disaster awareness drill sa ilang paaralan katulad ng 3 Angels Pre-school sa Gagalangin, Tondo, Maynila, at itinuro sa mga batang mag-aaral ang dapat at hindi dapat gawin sa oras ng sakuna gaya ng lindol na posibleng tumama sa ating bansa. (BRIAN BILASANO)

Read More »

IPRINESENTA sa media ni NBI Deputy Director for Investigation Service Atty. Vicente de Guzman ang dalawang suspek sa sim swap scam na sina Franco de Lara at Ramil Mapalad Pascual makaran maaresto sa Calamba, Laguna. (BONG SON)

Read More »

NAGKILOS-PROTESTA sa harap ng tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Visayas Avenue, Quezon City ang Kalikasan People’s Network for the Environment (KALIKASAN PNE) at iba pang militanteng grupo upang kondenahin ang pagmimina ng Intex sa mga probinsiya. (RAMON ESTABAYA)

Read More »

PNoy inupakan si Binay sa SONA

MAANGHANG ang naging buwelta ni Pangulong Noynoy Aquino sa tumiwalag sa gabinete na si Bise Presidente Jejomar Binay sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA).  Maliban sa pagbati sa simula ng talumpati ay hindi nakasama sa mga pinasalamatang miyembro ng gabinete si Binay. Napuruhan pa ni PNoy si Binay lalo na nang itulak ng Pangulo ang pagpasa ng Anti-Dynasty …

Read More »

Palasyo dumepensa

IDINEPENSA ng Malacañang ang pagiging mahaba ng huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr., desisyon ng Pangulo na gawing komprehensibo ang laman ng kanyang huling SONA. Layon din aniyang maipaunawa sa taumbayan ang mga ipinatupad na reporma ng Aquino administration sa nakalipas na limang taon. …

Read More »

SONA kapos sa totoo — Bayan Muna

HINDI makatotohanan ang mga mga inilahad ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kanyang ikaanim at huling State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes. Iginiit ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, hindi pwedeng mga nagawa lamang ng administrasyon ang ibida sa SONA bagkus, ay dapat din banggitin ang realidad. “Ang tunay na state kasi, hindi ‘yung iiwasan mo ‘yong …

Read More »

Mike Arroyo rumesbak sa banat vs GMA

BUMUWELTA si dating first gentleman Mike Arroyo sa muling pag-upak ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kanyang misis na si dating presidente at ngayo’y Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo. Ayon kay Arroyo, walang nagawa si Aquino kaya pinagdidiskitahan ang dating pangulo sa State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes. Giit niya, hindi wasto ang mga pahayag ni Aquino na …

Read More »

Makabayan Bloc kakasuhan sa SONA protest

NAKAAMBANG sampahan ng ethics case ang Makabayan bloc na nagprotesta sa loob ng plenaryo makaraan ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III nitong Lunes. Napag-alaman, kinondena ni Quezon City Rep. Winston Castelo ang aksiyon ng grupo ng mga kongresista na nagtaas pa ng mga placard kontra kay PNoy. “We will confer with House …

Read More »

Chris Brown ipina-subpoena sa estafa case

NAGPALABAS na ng subpoena ang Department of Justice (DOJ) para sa American RnB superstar na si Chris Brown, apat na araw pa lamang ang nakararaan mula nang payagang makaalis sa Filipinas. Ito ay kaugnay sa $1 milyon (P44 milyon) estafa complaint na isinampa ng isang religious sector laban sa 26-year-old Grammy nominated singer at sa kanyang concert promoter. Sa subpoena …

Read More »

P3-T 2016 budget isinumite na ng Palasyo sa Kongreso

ISINUMITE na ng Palasyo sa Kongreso kahapon ang panukalang P3.002 trilyong pambansang budget para sa 2016. Ayon kay Budget Secretary Florencio Abad, ang 2016 national budget ay doble ng budget sa nakalipas na anim na taon, mula sa P1.541 trilyon noong 2010 ay magiging P3.002 trilyon sa susunod na taon. Ang 2016 national budget ay mas mataas ng 15.2% sa …

Read More »

Chiz nagbitiw sa 2 Senate committee

NAGBITIW sa puwesto si Sen. Chiz Escudero bilang chairman ng Senate Finance Committee at co-chairman ng Joint Congressional Oversight Committee on Public Expenditures dahil sa delicadeza. Inihain ni Escudero ang pagbibitiw kay Senate President Franklin Drilon at agad na magiging epektibo. Nais ni Escudero na hindi mabahiran ng politika ang nalalapit na pagtalakay ng panukalang General Appropirations Act o 2016 …

Read More »

Pagpapalaya sa 22 illegal workers ipinabubusisi

PALAISIPAN sa Bureau of Immigration (BI) kung saan napunta ang 22 foreign nationals na kasama sa nahuli sa raid sa Pasay City noong nakaraang linggo. Hulyo 21, sinalakay ng BI ang isang tanggapan at naaresto ang 169 banyaga, karamiha’y Chinese nationals, nagtatrabaho bilang call center agents at online gambling operators. Labing-apat ang nakapagpakita ng tamang visa at working permit kaya …

Read More »

15-anyos binatilyo nagbigti

HINDI matanggap ng mga kaanak ang pagkamatay ng 15-anyos binatilyo na natagpuang nakabigti kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Kinilala ang biktimang si Bon Bryan Trinidad, residente  ng Block 15, Lot 7, Landasca St., Brgy. 28 ng nasabing lungsod. Batay sa ulat ni PO2 Edgar Manapat, dakong 3:30 a.m. nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng inuupahang bahay …

Read More »

Magdyowang estudyante kinasuhan ng infanticide (Sariling sanggol itinapon)

BACOLOD CITY – Nakatakdang sampahan ng kasong infanticide ang magkasintahan na nagtapon ng kanilang sanggol sa Negros Occidental. Napag-alaman mula kay Supt. Herman Garbosa, hepe ng Kabankalan City Police Station, kanilang hinuli ang magkasintahan na kapwa estudyante sa isang unibersidad. Aniya, ang lalaki ay 19-anyos residente ng Kabankalan City, at ang babae ay 20-anyos, residente ng Bantayan, Cebu, parehong third …

Read More »

Mag-asawa iginapos holdaper arestado

ARESTADO ang isang 27-anyos padyak driver makaraan igapos at holdapin ang mag-asawang negosyante sa Tondo, Maynila kahapon. Himas-rehas sa Manila Police District (MPD) Raxa Bago police station ang suspek na si Jardick Bardos, residente ng 17-C Andromeda St., Tondo, Maynila. Habang nakatakas ang kasama ng suspek na si Jay-Ar Pedire, ng Sto. Niño St., Tondo. Kinilala ang mga biktimang sina Ronald Simbling, …

Read More »

Mahigpit na seguridad ipinatupad sa Munti

MAGPAPATUPAD nang mahigpit seguridad sa lungsod ng Muntinlupa bunsod ng sunod-sunod na insidente ng pagdukot, pagnanakaw at pagpatay sa isang guro kamakalawa ng umaga. Kahapon, iniutos ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi sa hepe ng pulisya na si Sr. Supt. Allan Nobleza ang mahigpit na pagpapatupad ng seguridad kasunod ng naganap mga krimen. Inatasan niya si Nobleza na magsagawa ang …

Read More »

Bus nahulog sa bangin 1 kritikal, 25 sugatan (Driver inaantok)

NAGA CITY – Sugatan ang 25 katao habang kritikal ang driver makaraan mahulog sa bangin ang isang pampasaherong bus sa Brgy. Abuyon, San Narciso, Quezon, kamakalawa. Ayon kay SPO1 Isagani Delos Santos, dakong 3:30 a.m. nang mahulog sa bangin ang Balgro transport bus sa nasabing lugar. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, posibleng dahil inaantok kaya’t nawalan ng …

Read More »

MALAWAKANG kilos-protesta ang isinagawa ng iba’t ibang militanteng grupo bilang pagtuligsa sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III. (ALEX MENDOZA)

Read More »

HINDI napigilan nitong Lunes ang demolisyon sa Quinta Market sa kabila ng apela sa Manila City government ng mga nagtitinda roon. Tinutulan ng mga vendor ang pagsasapribado ng nasabing palengke dahil tataas anila ang renta roon. (BONG SON)

Read More »