SINIMULAN na ng Maynilad ang pagsasaayos sa malaking linya ng tubig sa Hermosa at Juan Luna streets sa Tondo, Maynila na magdudulot ng water interruption sa ilang bahagi ng Metro Manila. Ito ay bahagi ng ginagawang flood interceptor project ng Department of Public Works and Highways (DPWH). (BONG SON)
Read More »BEAUTIES AND THE BEST. Binisita ng mga kalahok sa PINAY BEAUTY QUEEN Academy, ang pinakamagandang reality TV show na mapapanood sa GMA News TV 11 tuwing Sabado at Linggo, dakong 5:30-6:00 p.m., si JSY publisher JERRY YAP bilang pasasalamat sa pakikipagtaguyod ng pahayagang HATAW D’yaryo ng Bayan, sa nasabing programa. (BONG SON)
BEAUTIES AND THE BEST. Binisita ng mga kalahok sa PINAY BEAUTY QUEEN Academy, ang pinakamagandang reality TV show na mapapanood sa GMA News TV 11 tuwing Sabado at Linggo, dakong 5:30-6:00 p.m., si JSY publisher JERRY YAP bilang pasasalamat sa pakikipagtaguyod ng pahayagang HATAW D’yaryo ng Bayan, sa nasabing programa. (BONG SON)
Read More »Lola kinatay puso kinain ng apong adik
SINAKSAK sa dibdib ng isang 19-anyos binatilyo ang kanyang lola saka dinukot at kinain ang puso sa bahay ng biktima sa Brgy. Tapi, Kabankalan City, Negros Occidental, nitong Martes ng madaling-araw. Ayon kay Supt. Kabankalan City police chief German Garbosa, inamin ni Ruben Jalaman ang pagpatay sa kanyang lola na si Olivia, 85, at kinain ang puso ng matanda dakong …
Read More »Atake kay PNoy strategy ni Binay
NANINIWALA ang Palasyo na habang in-atake ni Vice President Jejomar Binay si Pangulong Benigno Aquino III ay lalong tumitingkad ang mga isyu ng korupsiyon laban sa Bise-Presidente. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang patuloy na pagbatikos ni Binay kay Pangulong Aquino ay pagsusulong ng desperadong politika habang ang administrasyong Aquino’y ipinaiiral ang politika ng pag-asa. “The more he attacks …
Read More »Kaso vs Sen. Poe naunsiyami (Sa legalidad ng pagiging senador)
NAUNSIYAMI ang pagsasampa ng reklamo ng isang nagpakilalang concerned citizen sa Senate Electoral Tribunal (SET) para kuwestyonin ang legalidad ng pagiging senador ni Sen. Grace Poe. Hindi ito natuloy dahil walang kaalam-alam si Rizalito David na kailangan niyang magbayad ng P50,000 filing fee at P10,000 cash deposit para tanggapin ng SET ang kanyang mga dokumento. Dakong 10:40 a.m. nitong Miyerkoles …
Read More »Black prop vs Poe ‘di pakana ng Palasyo
ITINANGGI ng Malacañang na sila ang nasa likod ng mga propaganda laban kay Sen. Grace Poe lalo na ang isyu sa kanyang citizenship. Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi nila ito magagawa kay Poe dahil inaalok nga nila ang senador na maging running mate ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas. Iginiit niya na hindi sila maninira at wala …
Read More »Maynilad magrarasyon ng tubig (Sa mga apektado ng water interruption)
MAGRARASYON ng tubig ang Maynilad sa mga apektado ng water interruption sa ilang lugar sa Metro Manila at Cavite sa susunod na linggo. Ayon kay Maynilad Media Relations Officer Grace Laxa, handang magrasyon ng tubig ang Maynilad sa apektadong lugar. Mayroon aniyang 35 water tanker na magdadala ng tubig. Una nang nagsabi ang Maynilad na mawawalan ng tubig sa Caloocan, …
Read More »Taxi driver na pinatay ng holdaper natagpuan sa GPS (Mukha binalot sa packaging tape)
ISANG hinoldap at pinatay na 67-anyos taxi driver ang natagpuan ng kanyang karelyebo sa pamamagitan ng electronic global positioning system (GPS) sa Malate, Maynila, kahapon ng umaga. Sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balinggan, ng MPD Homicide Section, dakong 6:30 a.m. nang matagpuang walang buhay sa loob ng ipinapasadang KEN taxi (UYE 361) ang biktimang si Arturo Amascual, 67, ng 1855 …
Read More »Wang Bo ipinatatapon ng DoJ
IPINADE-DEPORT na ng Department of Justice (DoJ) ang Chinese gambling lord na si Wang Bo. Ito’y makaraan ibasura ng kagawaran ang inihaing motion for reconsideration ni Wang na pinababaligtad ang unang desisyon para sa kanyang summary deportation. Sa inilabas na resolusyon, walang nakitang konkretong batayan ang DoJ para pagbigyan ang mosyon ni Wang dahil sapat na ang isinumiteng ebidensya ng …
Read More »19 arestado sa Caloocan shabu tiangge
ARESTADO ang 19 indibidwal sa pagsalakay nang pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Highway Patrol Group (HPG), Special Weapons and Tactics (SWAT), at kinatawan ng Special Action Force (SAF) sa ilang bahay sa Donata Avenue, Brgy. Tala, North Caloocan nitong Miyerkoles ng madaling araw. Nakita ng mga operatiba ang 10 abandonadong yunit ng National Housing Authority …
Read More »7 patay, 2 missing sa pagbaha sa Bukidnon
CAGAYAN DE ORO CITY – Umakyat na sa pito katao ang kompirmadong namatay habang dalawa ang hindi pa natatagpuan sa malawakang pagbaha sa bahagi ng Valencia, Bukidnon. Bukod dito, nanalasa rin ang buhawi kasunod nang malakas na pag-ulan na naranasan sa malaking bahagi ng Bukidnon simula kamakalawa. Inihayag ni Valencia City police station offi-cer-in-charge, Supt Al Abanales, kabilang sa mga …
Read More »Ilegal na imprenta ng libro sinalakay
SINALAKAY ng National Bureau of Investigation- National Capital Region Division (NBI-NCR) ang dalawang photocopying at printing establishment sa Baguio City. Sa pamamagitan ng search warrants na ipinalabas ni Regional Tial Court(RTC) Branch 24 Judge Ma. Victoria Soriano-Villadolid pinasok ang mga nasabing establisyemento dahil sa ilegal na pag-duplicate at pagbebenta ng palsipikadong kopya ng mga librong inilathala ng REX Book Store. …
Read More »Obrero kritikal, 1 pa sugatan sa saksak ni lolo (Nagkasagutan sa inoman)
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang obrero habang sugatan ang isa pa makaraan saksakin ng isang 60-anyos lolo na kainoman ng mga biktima kamakalawa ng gabi sa Navotas City. Nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktimang si Armel Laquindanum, 28, ng 129 Mapalad St., sanhi ng isang tama ng saksak sa dibdib. Pinauwi na makaraan gamutin ang sugat …
Read More »Sekyu utas, 1 sugatan sa carjacking sa Kyusi
AGAD binawian ng buhay ang isang guwardiya ng e-games at sugatan ang isang lalaki sa insidente ng carjacking sa Quezon City, nitong Miyerkoles ng madaling araw. Ayon sa mga testigo, palabas ng e-games ang lalaking kinilala bilang si Enrico Lim nang salubungin siya ng dalawang armadong lalaki. Hinablot ng mga suspek ang clutch bag ni Lim ngunit tumanggi ang biktimang …
Read More »Nagkabit ng jumper nangisay sa koryente
PATAY ang isang lalaki nang makoryente dahil sa pagkakabit ng jumper sa linya ng koryente sa poste ng Manila Electric Company kahapon ng umaga sa Pasay City. Agad nalagutan ng hininga ang biktimang kinilala lamang sa alyas Kilabot, nasa hustong gulang, residente sa panulukan ng Taft Avenue Extension at Park Avenue ng lungsod. Batay sa ulat ni Inspector Jolly Soriano, commander ng …
Read More »Trillanes: Dagdag suweldo sa gov’t employees tuloy
SA NALALAPIT na pagtatapos ng termino ni PNOY bilang Pangulo, siniguro ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV na ipagpapatuloy niya ang pagsasabatas ng Senate Bill No. 2671 o ang Salary Standardization Law 4. “Ito ang gusto nating iwang regalo ni President Aquino sa mga kawani ng gobyerno, kabilang ang mga guro, pulis at sundalo, na walang humpay ang pagtulong …
Read More »Plataporma ni VP Binay sa 2016 presidential election hungkag (Ayon kay PNoy)
HUNGKAG ang plataporma ni Vice President Jejomar Binay sa 2016 presidential elections. “Mahirap magbenta ng produkto na abstrakto. May nagsasabi na gaganda ang buhay n’yo. Ngayon hinihintay ko kung paano. Paano lalong sasagana ang buhay ng Filipino,” sabi ni Pangulong Benigno Aquino III sa pagtitipon ng mga miyembro ng Liberal Party sa Gloria Maris restaurant sa Greenhills, San Juan City …
Read More »Utak sa P500-M investment scam arestado
ARESTADO ang isang babaeng sinasabing utak ng isang investment scam sa entrapment operation na isinagawa ng PNP sa Better Living subdivision, Parañaque City. Si Mary Angelaine Libanan, 25, ng 121 Citadela Drive, Citadela Executive Village, Las Piñas City ay nakapiit na sa detention cell ng Parañaque Police, habang pinaghahanap ng pulisya ang partner niyang si Mark Anthony Martirez, 24, residente …
Read More »NBI walang ebidensiya sa extortion kay Wang BO
WALANG natagpuang ebidensiya ang special team ng National Bureau of Investigation (NBI) na magpapatunay sa sinasabing pangingikil sa Chinese crime lord na si Wang Bo. Sa kanyang liham sa House committee on good government and public accountability, sinabi ni Justice Sec. Leila de Lima, lumalabas na ‘hearsay’ ang lahat ng alegasyon ng pangingikil kay Wang pati na ang sinasabing pinuntahan …
Read More »10-anyos totoy nagbigti (Pinagalitan ng titser, nakipag-away)
NAGBIGTI ang isang 10-anyos batang lalaki kamakalawa ng gabi sa siyudad ng Muntinlupa. Wala nang buhay ng idating sa Alabang Medical Hospital ang grade 3 pupil na si Chris, natagpuang nakabigti sa pader ng kanilang bahay sa Phase 3, Southville, Brgy. Poblacion ng lungsod. Base sa ulat na natanggap ni Muntinlupa City Police chief, Sr. Supt. Allan Nobleza, kasalukuyang nasa bahay …
Read More »65 katao nalason sa palabok sa Albay
LEGAZPI CITY – Umabot na sa 65 katao ang napaulat na nalason sa kinaing palabok sa isang party sa Albay. Mula sa 26 na una nang naitala ng mga awtoridad mula sa limang pamilya, nadagdagan pa ang mga biktima na naisugod sa ospital. Ayon kay Albay provincial health officer, Dr. Nathaniel Rempillo, ang mga biktima ay kumain ng palabok na inihain …
Read More »26 estudyante tinamaan ng typhoid fever (Sa Eastern Samar)
TACLOBAN CITY – Kinompirma ni Department of Health (DoH) Regional Office 8 assistant regional director, Dra. Paula Sydionco, aabot sa 26 estudyante sa Borongan, Eastern Samar, ang tinamaan ng typhoid fever. Halos lahat ng mga estudyante ay mula sa Pandan National High School. Ayon sa ulat, nagsimula ang nasabing sakit noong Hulyo 17 at bukod sa pagsusuka, nakaranas din ng …
Read More »Mag-asawang septuagenarian patay sa sunog sa Marikina
PATAY ang mag-asawa nang masunog ang kanilang bahay sa Tumana, Marikina kahapon ng madaling araw. Ayon sa Marikina Bureau of Fire Protection, sumiklab ang sunog sa bahay ng mga biktimang sina Sebastian, 74, at Evangeline Librando, 73. Hindi nasagip ng mga bombero ang mag-asawa dahil naka-lock ang pintuan ng kuwarto at may grills ang mga bintana ng bahay. Sinabi ng …
Read More »Ex-Bantay Ilog volunteer dedo sa saksak ng adik na bayaw
PATAY ang 49-anyos lalaki matapos pagsasaksakin ng bayaw na lulong sa droga sa pagitan ng Estero de Concordia at Estero de Paco sa Paco, Maynila kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktimang si Jesus Reyes, 49, dating River Warrior- Bantay Ilog at residente sa Burgos St., Paco, Maynila na agad binawian ng buhay dakong 03:59 pm sa Philippine General Hospital (PGH). …
Read More »10 kabataan pumuga sa CSWD holding center, 1 sugatan
SAMPUNG kabataan na tinaguriang ‘Children In-Conflict with the Law’ (CICL) ang napaulat na pumuga mula sa detention cell ng Caloocan City Social Welfare and Development (CSWD) sa pamamagitan ng paglagari sa bakal na bintana habang isa ang nasugatan dahil sa pagtalon mula sa ikatlong palapag. Base sa nakalap na impormasyon sa Police Community Precinct (PCP) 2 ng Caloocan City Police, …
Read More »