Saturday , January 11 2025

News

LP ibasted, tumakbong independent (Hiling kay Grace Poe sa kaarawan ni FPJ)

SA KAARAWAN ni Fernando Poe Jr. (FPJ),  bigyang dangal ang kanyang alaala sa pamamagitan ng pagtakbo bilang independent at isakatuparan ang hangarin para sa mahihirap.  Ito ang payo kay Sen. Grace Poe ni Sen. Tito Sotto  ngayong Martes kasabay ng panawagan na huwag paunlakan ang imbitasyon ng Liberal Party (LP) na maging katambal ni Interior and Local Government Secretary Manuel “Mar” Roxas …

Read More »

Erice: Sino makikinabang kung matanggal si Poe?

NAGBIDA si Senador Francis ‘Chiz’ Escudero na aalamin niya kung sino ang nasa likod ng natalong senatoriable na si Rizalito David, na nagsampa ng kaso sa Senate Electoral Tribunal (SET) laban sa pagkapanalo ni Sen. Grace Poe nung 2013. Sinasabi ni David na hindi dapat nakaupo sa Senado si Poe dahil diskwalipikado sa isyu ng citizenship.  “Sino ba ang nagtulak …

Read More »

2 kilong heroin sa sapatos nabisto sa NAIA

DALAWANG pares ng sapatos na inabandona at nasa lost and found section ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang nadiskubreng may nakatagong dalawang kilo ng heroin. Ayon sa MIAA kahapon, ang mga sapatos na kinabibilangan ng itim na Clark Active Air, at Brown Clark Active ay mas mabigat kaysa normal na timbang nang pagbukod-bukurin ng lost and found personnel ang …

Read More »

Isyu ng Torre de Manila haharapin ko — Lim

TINIYAK ni dating Manila Mayor Alfredo Lim na haharapin niya ang mga kaso kaugnay sa ibinigay na permit kaya naitayo ang kontrobersiyal na Torre de Manila condominium na tinaguriang ‘pambansang photobomber.’ Sa ginanap na ika-apat na oral argument sa petisyon ng Knights of Rizal laban sa konstruksiyon ng Torre de Manila, nagpahiwatig si Supreme Court Associate Justice Francis Jardeleza na …

Read More »

P2 bilyon para maging presidente

Ito ang tinatayang gagastusin ng bawa’t kandidato sa pagka-pangulo sa darating na 2016 elections, na ayon kay dating Chief Justice Reynato Puno ay ginagawang katawa-tawa ang Saligang Batas—at isang dahilan para isulong ang pagbabago ng sistema ng gobyerno sa pamamagitan ng pabalangkas ng bagong Konstitusyon. Sa isang forum on Constitutional reform sa University of the East kahapon, sinabi ni Puno …

Read More »

14-anyos totoy nagbigti (Nakipag-away sa utol dahil sa bigas)

TUGUEGARAO CITY – Nagbigti ang isang 14-anyos binatilyo makaraan makipagtalo sa nakatatandang kapatid dahil sa bigas na kinuha ng biktima sa kanilang tiyuhin sa Sta. Ana, Cagayan kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Ian Jay Benavidez, residente ng Brgy. Centro sa naturang lugar, at trabahador sa farm ng kanilang tiyuhin. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang biktima …

Read More »

Bad spirits sa pinutol na puno sumanib sa 11 teens

CAGAYAN DE ORO CITY – Naalarma ang Department of Education (DepEd) Schools Division ng Misamis Oriental hinggil sa ilang mag-aaral ng sekondarya na sinasabing sinanipian masamang espiritu. Ayon sa ulat, sinapian ang 11 mag-aaral na pawang babae, ng bad spirits makaraan putulin ang mag-aapat dekada nang malaking punongkahoy ng Talisay sa loob ng Baliwagan National High School ng Balingasag sa …

Read More »

Ineng signal no. 2 sa Batanes at Cagayan

NAPANATILI ng Bagyong Ineng ang kanyang lakas habang papalapit sa pinakataas na bahagi ng Hilagang Luzon.  Batay sa pinakahuling weather bulletin na inilabas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong11 a.m. nitong Miyerkoles, itinaas ang Signal No. 2 sa Batanes Group of Islands at Cagayan kasama ang Calayan at Babuyan Group of Islands.  Habang nakataas ang Signal …

Read More »

Ama tepok, 8-anyos anak sugatan (Pedicab sinalpok ng multicab)

PATAY ang isang ama at malubha ang 8-anyos niyang anak na batang babae makaraan salpukin ang sinasakyan nilang pedicab ng isang multicab kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Kinilala ang biktimang si Piolito Aloccilja, 36, nakatira sa #2142-14 Adriatico St., Malate, Maynila, nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Pasay City General Hospital (PCGH) dahil sa matinding pinsala sa katawan. Ang anak niyang …

Read More »

Gun for hire group leader utas sa shootout (Parak sugatan)

PATAY ang sinasabing lider ng gun for hire group habang nasugatan ang isang pulis nang magsagawa ng operasyon ang mga awtoridad laban sa nasabing grupo sa Malabon  City  kahapon  ng tanghali. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakukuha ang pagkakakilanlan ng suspek na namatay makaraan makipagbarilan sa mga pulis. Habang ginagamot sa Chinese General Hospital si PO1 Nixon Ponchinian, miyembro …

Read More »

Enrile babalik bilang Senate minority leader

KINOMPIRMA ni Senate President Franklin Dirlon na babalik bilang minority leader si Sen. Juan Ponce Enrile sa oras na bumalik sa kanyang trabaho sa Senado makaraan payagan ng Korte Suprema na makapagpiyansa sa kanyang kasong plunder sa Sandiganbayan. Ayon kay Drilon, naging acting minority leader lamang si Sen. Tito Sotto nang makulong si Enrile kaya’t babalik siya bilang minority leader. …

Read More »

PH eagle Pamana utas sa boga

PATAY makaraan barilin ang Philippine eagle na si Pamana sa Davao Oriental. Kinompirma ito ni Dennis Salvador ng Philippine Eagle Foundation. Natagpuang patay si Pamana noong Agosto 16, isang kilometro mula sa Brgy. San Isidro sa nasabing probinsya, kung saan ito pinalaya noong Hunyo 12, Independence Day. Base sa necropsy, ang 3-anyos agila ay may tama ng bala sa kanang …

Read More »

9 opisyal ng state university sinibak (Sa Bulacan Madlum river tragedy)

SINIBAK sa puwesto ang siyam matataas na opisyal ng Bulacan State University (BSU) makaraan ibaba ng Office of the Ombudsman ang hatol na guilty sa kasong administratibo kaugnay sa pagkamatay ng pitong tourism students sa Madlum River sa San Miguel, Bulacan noong Agosto 19, nakaraang taon. Batay sa 12 pahinang desisyon ng Ombudsman, guilty sa kasong grave misconduct at gross …

Read More »

Enrile pinayagan mag-piyansa

PINAYAGAN si Senador Juan Ponce-Enrile ng Korte Suprema na makapaghain ng piyansa para sa kinakaharap na kasong plunder kaugnay sa multi-bilyong pork barrel scam.  Sa botong 8-4, pinaboran ng mayorya ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang P1 milyong piyansa kapalit ng pansamantalang kalayaan ng senador.  Bukod sa argumentong mahina ang mga ebidensya laban sa kanya, iginiit ng batikang politiko …

Read More »

Agaw-cellphone target sa NAIA

PINALAKAS ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang puwersa ng seguridad sa labas ng mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang biguin ang masasamang elemento na gumagala sa paligid ng paliparan. Inihalimbawa rito ang naganap na pang-aagaw ng cellphone sa isang intern ng China Southern Airlines nitong Agosto 7, dakong 2:37 a.m. habang ang biktima ay papasok sa …

Read More »

Namatay na Pinay sa Bangkok bombing bineberipika pa — DFA

WALA pang kompirmasyon ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa napabalitang isang Filipina ang namatay nangyaring pagsabog sa Bangkok, Thailand. Nilinaw kahapon ni DFA spokesperson Charles Jose, patuloy pa nilang beniberipika ang nasabing impormasyon. Nagpadala na rin aniya ng mga opisyal ang embahada ng Filipinas sa ospital kung saan isinugod ang mga biktima makaraan ang pagsabog sa Hindu Shine …

Read More »

Pedicab driver binoga ng mag-utol

SUGATAN ang isang pedicab driver makaraan barilin ng isa sa magkapatid na kanyang nakaaway sa larong basketball sa Tondo, Maynila kamakalawa. Nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Reynaldo Zorilla, 26, ng 227 Pacheco St., Tondo, dahil sa tama ng bala sa kaliwang bahagi ng katawan. Habang pinaghahanap ng mga tauhan ng Manila Police District-Don …

Read More »

Bombay tiklo sa P1-M sex drugs

ARESTADO ng mga operatiba ng Southern Police District Office (SPDO) ang isang Indian national na sinasabing nagbebenta ng party at sex drugs sa ilang club at bars, at nakompiska sa kanya ang tinatayang P1 milyong halaga ng droga kamakalawa ng gabi sa Makati City. Base sa ulat na ipinarating ni Supt. Lorenzo Trajano, hepe  ng District Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group, kay …

Read More »

Dalagita 2 taon sex slave ng ama

NATULDUKAN ang pagdurusa ng isang dalagitang halos dalawang taon ginawang sex slave ng ama at kinalbo pa upang hindi makalabas ng bahay, makaraan maaresto ang suspek sa Navotas City, iniulat ng pulisya kahapon. Nakapiit na sa detention cell ng Navotas City Police habang nahaharap sa kasong multiple rape in relation to R.A. 7610 (Anti-Child Abuse law) ang suspek na si …

Read More »

Dalagita tinurbo ng 3 kelot sa harap ng BF

BUTUAN CITY – Tinutugis ng mga tauhan ng Butuan City Police Station 1 (BCPS-1) ang dalawa sa tatlong lalaking tumakas makaraan halinhinang gahasain ang isang dalagita sa harapan ng kanyang kasintahan sa Butuan By The River. Unang nadakip ang isa sa mga suspek base na rin sa kompirmasyon ng 17-anyos biktima na itinago sa pangalang “Inday” nang makita ang suspek …

Read More »

Karibal sa BF sinaksak ng bebot

TARGET ng awtoridad ang isang 25-anyos babae makaraan saksakin ang kapwa babae na sinasabing “apple of the eye” ng kanyang boyfriend sa Marikina City kamakalawa. Kinilala ni Senior Supt. Vincent Calanoga, hepe ng Marikina City Police, ang suspek na si Maybelle Jasmine Estanislao, nakatira sa 254 E. Dela Paz St., Brgy. Sto. Niño ng lungsod. Habang nilalapatan ng lunas sa …

Read More »

SUMUGOD at kinalampag ang tanggapan ng National Housing Authority (NHA) ng 1,000 kasapi ng Samahang Nagkaisa sa Lupa mula sa Brgys Batasan, Commonwealth, at Payatas sa lungsod Quezon para hilingin na ibigay na sa kanila ang titulo ng lupa sa nabanggit na lugar. (ALEX MENDOZA)

Read More »

HINAMON ni Chrisler Cabarrubias, chairman ng Confederation of Guardians in the Phillipines, at ng iba pang mga miyembro nito, ang mga opisyales ng Bureau of Customs na buksan na ang hinihinalang 89 smuggled container vans mula China na ilang linggo nang nakatengga sa BOC, sa isang press conference sa Parañaque City. (BONG SON)’

Read More »

Karapatan ng mangingisda segurado kay Ebdane

TINIYAK ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr., na ang mga karapatan ng daan-daang mangingisda ay maipagkakaloob bilang kaagapay sa kanilang pangkabuhayan sa oras na maipasubasta ang mga ‘palutang’ o ang Chinese dredge floaters na natagpuan sa karagatang sakop ng Brgy. Sto. Cristo, na binabantayan na ng provincial government ang nasabing mga palutang. Ipinunto ni Ebdane ang Article 719 ng Civil …

Read More »

Butz Aquino pumanaw na

Pumanaw na si dating Sen. Agapito “Butz” Aquino, 76. Ayon sa kanyang pamangkin na si Sen. Bam Aquino, binawian ng buhay ang dating senador dahil sa kom-plikasyon habang nasa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan. Si Aquino dalawang terminong nagsilbi bilang senador. Si dating Sen. Butz Aquino ay kilala noon na malamig sa politika at walang balak na kumandidato …

Read More »