Sunday , November 24 2024

News

Laborer nakoryente sa ginagawang fly-over sa NAIA

ISINUGOD sa pagamutan ang isang pump crate operator makaraan makoryente sa itinatayong flyover ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA Project) sa Pasay City kahapon. Mula sa Villamor Air Base Hospital, inilipat sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Raffy Ugalino, 27, may asawa, kawani ng DMCI Construction Corporation, at nakatira sa Palar Compound, Makati City, dumanas ng 3rd …

Read More »

Libanan natigok sa selda

PATAY na nang matagpuan ang isang presong nahaharap sa patong-patong na kaso, sa loob ng selda kahapon ng umaga sa Malabon City. Kinilala ang biktimang si Melvin Libanan, alyas Bornok, 30, ng Phase 1B, Pabahay, Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan, nahaharap sa mga kasong tresspass to dwelling, malicious mischief at attempted homicide. Kasalukuyang sumasailalim sa awtopsiya sa Philippine National …

Read More »

5 tiklo sa resto robbery at bus holdap

LIMANG lalaking sangkot sa panloloob ng isang restaurant at tangkang pagholdap ng isang pampasaherong bus ang inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkahiwalay na pagsalakay kaugnay sa “Operation Lambat Sibat” ng Philippine National Police (PNP). Sa ulat kay Chief Supt. Edgardo G. Tinio, QCPD Director, ang mga nadakip ay sina Joven Valeza, 32, Eric Simbulan, …

Read More »

Gun amnesty muling ipatutupad ng gov’t

KINOMPIRMA ng pamunuan ng PNP-Firearms and Explosive Office (PNP-FEO) na muling magpapatupad ang pamahalaan ng panibagong gun amnesty nang sa gayon mabigyan ng pagkakataon ang mga hindi lisensiyadong baril upang gawing legal. Ayon kay PNP FEO spokesperson, Senior Supt. Sydney Hernia, target ng PNP ipatupad ang panibagong amnesty sa ikatlong quarter ng kasalukuyang taon. Pahayag ni Hernia, kasalukuyang isinasapinal na …

Read More »

4-day work week muling binuhay vs metro traffic

BUNSOD nang umiinit na namang usapin tungkol sa problema sa trapiko sa Metro Manila, muling iginiit ng kilalang election lawyer na si Romulo Macalintal ang kanyang panukalang four-day work week. Ipinaliwanag ng abogado, dapat magkaroon ng kanya-kanyang araw na walang pasok ang bawat lugar sa Metro Manila. Halimbawa aniya, tuwing Lunes, pwedeng walang pasok sa trabaho sa Quezon City, Las …

Read More »

Roxas, PNP kumilos para sa biktima ni Ineng

HINDI nagpapatinag si DILG Secretary Mar Roxas sa patuloy niyang pagtatrabaho kahit naendorso na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III para maging kandidato ng administrasyon para sa pampanguluhan sa 2016. Kahapon ay namataan sa headquarters ng NDRRMC sa Camp Aguinaldo ang kalihim kasama ang iba pang miyembro ng Gabinete na sina Defense Secretary Voltaire Gazmin, Social Welfare Secretary Dinky Soliman …

Read More »

MIAA nagbuo ng special elite security unit

NAGBUO ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng elite security force bunsod ng mga insidente ng pambobomba at pagtaas ng banta ng terorismo sa Filipinas at ibang bansa. Binuo ng MIAA ang Special Reaction Unit (SRU) ng airport police department bilang pagtupad sa International Civil Aviation Organization’s (ICAO) requirement na ang bawat paliparan sa bansa na may domestic and international …

Read More »

14 patay kay Ineng

UMAKYAT na sa 14 ang namatay sa pagbayo ng bagyong “Ineng” sa Hilagang Luzon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sinabi ni NDRRMC Executive Director Alexander Pama, pinakahuling nadagdag sa tala ang tatlong nerekober mula sa landslide sa Mankaya, Benguet, at isang nalunod sa Bontoc, Mountain Province. Kabilang sa death toll ang siyam biktima ng landslide …

Read More »

2 patay, 3 sugatan sa motorsiklo vs tricycle sa La Union

LA UNION – Idineklarang dead on arrival sa La Union Medical Center sa bayan ng Agoo ang dalawang biktimang magkakaangkas sa motorsiklo makaraan makasalpukan ang isang tricycle sa Brgy. Damortis, bayan ng Sto. Tomas kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang namatay na si Allan Marquez, 35, residente ng Brgy. Bael, Sto. Tomas, at ang backride niyang si Degracias. Samantala, sugatan ang …

Read More »

Granted bail ng SC kay JPE rerepasohin ng Palace legal team

REREPASOHIN ng legal team ni Pangulong Benigno Aquino III ang desisyon ng Korte Suprema na nagpahintulot na magpiyansa si Sen. Juan Ponce-Enrile sa kasong plunder, isang non-bailable offense. “Well, normally, of course the… kasama po riyan ‘yung legal team ng Pangulong Aquino and the… as mentioned by Secretary (Leila) de Lima, she is batting for the prosecution to file an …

Read More »

2 Pinoy nurses nahawa sa MERS sa Saudi – DFA

KINOMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawang Filipino nurses ang kabilang sa panibagong positibo sa sakit na Middle East Respiratory Syndrome (MERS) sa Saudi Arabia. Ayon kay DFA spokesman Charles Jose, kasalukuyang nasa intensive care ng isang ospital sa Saudi ang dalawang kababayan. Tiniyak ng hospital management sa Philippine embassy na tinutugunan ang pangangailangang medikal ng dalawang Filipino. …

Read More »

8 Heavy equipments sinunog ng rebels sa Davao de Sur

DAVAO CITY – Walong heavy equipments ang sinunog ng hinihinalang mga kasapi ng New People’s Army (NPA) dakong 7 p.m. kamakalawa. Dalawa sa heavy equipments ang sinunog sa Coronon, Sta. Cruz, Davao del Sur na kinabibilangan ng isang backhoe at isang grader. Samantala, sa Tagabuli, sa bayan pa rin ng Sta. Cruz, Davao del Sur, isang crane na may jack …

Read More »

4 bilanggo sa SoCot jail bigong pumuga

KORONADAL CITY- Apat bilanggo sa South Cotabato Provincial Jail sa Brgy. GPS, lungsod ng Koronadal ang nagtangkang tumakas sa pamamagitan ng pagtalon sa mataas na bakod ng nasabing piitan pasado 10 a.m. kahapon ngunit nabigo sila. Dalawa sa nagtangkang tumakas ay kinilalang sina Jeffrey Cabrera, residente ng bayan ng Polomolok, may kasong robbery, at Jonathan Camdong, residente ng Maguindanao, nakompiskahan …

Read More »

Konsehal, 13 pa sugatan sa truck vs van

CAGAYAN DE ORO CITY – Umabot sa 14 katao ang sugatan, kabilang ang isang municipal councilor makaraan salpukin ng Bongo truck ang isang Toyota Hi-Lux sa national highway ng Gitagum, Misamis Oriental kamakalawa. Inihayag ni Gitagum Police Station commander, Senior Insp. Nerfie Daganato, mula Lanao del Norte at papuntang Bukidnon ang cargo truck na minamaneho ng isang Robesper Udar nang …

Read More »

2 bata, tiyahin 1 pa nilapa ng asong ulol (Sa Aklan)

KALIBO, Aklan – Apat katao kabilang ang dalawang batang magkapatid ang magkakasunod na nilapa ng isang naulol na aso sa Brgy. Agmailig, Libacao, Aklan kamakalawa. Ang mga biktima ay kinilalang sina Renz Valencia, 12, at Mary Joy Valencia, 10, gayondin ang kanilang tiyahin na si Mylene Villorente, 38, at Danny Zoleta, 48, isang magsasaka, pawang mga residente sa naturang lugar. …

Read More »

2 frat member habambuhay sa hazing

WALA nang lusot sa habambuhay na pagkabilanggo ang dalawang brod ni Vice President Jejomar Binay sa Alpha Phi Omega (APO) fraternity na hinatulan ng mababang hukuman dahil sa pagkamatay ng isang estudyante ng University of the Philippines Los Baños, na si Marlon Villanueva sa hazing noong 2006. Ito ay makaraan pagtibayin ng Kataas-taasang Hukuman ang hatol na ipinataw ng Calamba Laguna …

Read More »

Aktibistang brodkaster patay sa ambush

LEGAZPI CITY – Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may kinalaman ba sa trabaho ang motibo sa pagpatay sa isang human rights activist at radio broadcaster sa Sorsogon kamakalawa. Ang biktima ay kinilalang si Teodoro “Tio Todoy” Escanilla ng Brgy. Tagdon, Barcelona, at tagapagsalita ng grupong Karapatan Sorsogon Chapter. Ayon kay Senior Supt. Ronaldo Cabral, director ng Sorsogon Police Provincial Office, base …

Read More »

Kris bad vibes kay Chiz

TILA nabasag na ang katahimikan ni presidential sister at “Queen of All Media” Kris Aquino sa isyu ng pulitika sa nalalapit na 2016. Mapapansing tahimik lang si Kris mula inendorso ng kanyang kapatid na si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III si Interior Secretary Mar Roxas para maging kandidato ng administrasyon. Marami ang nagsasabing pro-Grace Poe si Kris, na ikinampanya niya noong …

Read More »

Death anniv ni Robredo special working holiday

IDINEKLARA ng Malacañang bilang special working holiday ang kamatayan ni DILG Secretary Jesse Robredo sa buong bansa. Nilagdaan kamakalawa ni Pangulong Aquino ang RA 10669 na nagdedeklara na special working holiday ang Agosto 18 bilang paggunita sa kamatayan ni Robredo. Dahil isang special working holiday ang Agosto 18 kada taon, nangangahulugan na may pasok sa lahat ng tanggapan at may …

Read More »

Hindi Estrada at Arroyo ang apelyido ko — PNoy (Sa udyok na tumakbong bise)

 “HINDI naman Estrada at Arroyo ang apelyido ko.” Ito ang sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III hinggil sa pag-uudyok sa kanyang tumakbong bise-presidente ni administration presidential bet Mar Roxas sa 2016 elections. Sina dating pangulong Joseph Estrada at Gloria Macapagal- Arroyo ay parehong tumakbo sa mas mababang posisyon. Ayon sa Palace source, malabong magkatotoo ang Mar-Noy tandem dahil ayaw nang …

Read More »

32nd anniv ni Ninoy gugunitain

GUGUNITAIN ngayon ng pamilya Aquino sa isang misa ang ika-32 death anniversary ni dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr., sa Manila Memorial Parak sa Parañaque City. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., kasama ni Pangulong Aquino ang kanyang mga kapatid, kaanak at malalapit na kaibigan sa pagbisita sa puntod ng kanyang ama. “Noong mga nakaraang taon nasaksihan natin ang …

Read More »

Dummy ni Binay hina-hunting pa

MAS pinalawak pa ng Senado ang pagtugis kay Gerry Limlingan, ang sinasabing bagman at dummy ni Vice President Jejomar Binay na contempt sa kapulungan dahil sa kabiguang dumalo sa imbestigasyon kaugnay ng mga isyu na kinasasangkutan ng bise presidente. Kasabay ng pagdinig kahapon, hiniling ni Senate Blue Ribbon Sub-Committee Chairman Sen. Koko Pimentel sa National Bureau of Investigation (NBI), Philippine …

Read More »

Ex-call center agent nagtangkang pasagasa sa MRT, 3 sugatan

INARESTO ng mga pulis ang isang dating call center agent na nagtangkang magpasagasa sa Metro Rail Transit (MRT) makaraan tatlong pasahero ang masugatan sa insidente sa Makati City, kamakalawa. Si Mark Robert Connor, 31, ng 6945 Washington St., Brgy. Pio Del Pilar ng lungsod, ay nasa kustodiya na ng Makati City Police. Habang ang nasugatang mga pasahero ay sina Elisa …

Read More »

JPE nakalaya na

PANSAMANTALANG nakalaya mula sa hospital arrest si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile makaraan maglagak ng P1 milyong piyansa kaugnay sa kasong pork barrel scam. Magugunitang nagdesisyon ang Korte Suprema na payagan si Enrile na makapagpiyansa dahil hindi ‘flight risk,’ ang matanda at mahina na ang kalusugang mambabatas. Habang walang binayaran si Enrile sa Philippine National Police (PNP) General Hospital dahil …

Read More »