Saturday , January 11 2025

News

Joel Teves pormal nang naghain ng kanyang CoC

MASAYANG inihatid at sinamahan ng kanyang pamilya kasama ang maraming tagasuporta nang maghain ng Certificate of Candidacy (COC) sa COMELEC si Vice Mayor Henry Joel Teves para sa congressional seat ng partido UNA sa unang distrito ng lalawigan ng Oriental Mindoro kahapon ng umaga. Si Teves ang kumakatawan bilang District Chairman ng partido UNA sa nasasakupan nitong walong bayan ng …

Read More »

Leni Robredo: Walang dapat maiwan sa pag-unlad ng bansa

SISIKAPIN ni Liberal Party vice presidential bet Leni Robredo na walang maiiwang Filipino dahil mahalaga lahat. “Nasa stage tayo sa ating bansa na marami tayong narating in terms of economic growth ngunit ang kulang dito ay pagiging inclusive,” giit ni Robredo. “Ito ang ating magiging mission, to make sure na kung ano ang nararamdaman sa itaas, nararamdaman din sa ibaba,” …

Read More »

Sara Duterte nagpakalbo para sa #Duterte2016

USAP-USAPAN ang larawan ni dating Davao City Mayor Sara Duterte sa social media na tila hinihimok ang kanyang ama na si incumbent Davao City Mayor Rudy Duterte na tumakbo bilang pangulo ng bansa sa 2016 presidential elections. Sa kanyang instagram account, bukod sa larawan niyang nagpakalbo ay may caption pang “Nagpa upaw nalang ko samtang naghulat #Duterte2016 #kalboparasapagbabago #NohairWecare bisan …

Read More »

Ikatlong araw ng COC filing mala-fiesta

MALA-FIESTA ang ikatlong araw na itinakdang paghahain ng certificate of candidacy (CoC) sa Commission on Elections (Comelec) ng mga kakandidato sa darating na 2016 national elections. Kanya-kanyang gimik ang mga kilala at beteranong politiko na nagdala ng streamers at placards at may kasamang mga musikero para mapansin ng mga botane sa harap ng Palacio del Gobernador. Maaga pa lamang ay …

Read More »

Opisyal ng HUDCC sinibak ni PNoy

SINIBAK ni Pangulong Benigno Aquino III ang opisyal ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) na sinasabing kasabawat ni Vice President Jejomar Binay sa maanomalyang transaksiyon ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) sa Alphaland Corp. Itinalaga ni Pangulong Aquino si Jose Alejandro Payumo bilang deputy secretary general ng HUDCC kapalit ni Wendel Avisado. Si Avisado, senior vice president …

Read More »

Bagyong Lando pumasok na sa PH Sea

PUMASOK na sa Philippine area of responsibility (PAR) dakong 2 p.m. kahapon ang bagyong may international name na “Koppu” na pinangalanan ng lokal bilang bagyong Lando. Natukoy ang sentro ng bagyo sa layong 1,440 sa silangan ng Luzon. Taglay nito ang lakas ng hangin naaabot sa 65 kilometro bawat oras at may pagbugsong hanging aabot sa 80 bawat oras. Sa …

Read More »

Pangamba ng businessmen pinawi ni PNoy (Sa isyu ng korupsiyon)

PINAWI ni Pangulong benigno Aquino III ang pangamba ng mga negosyante sa isyu ng korupsiyon at  sinabing tinutugunan ito ng pamahalaan. Sa kanilang ‘one on one dialogue’ ni Steve Forbes, chairman at editor in chief ng Forbes Media, na ginanap sa Paranaque City kahapon, sinabi ng Pangulo na ang pagiging optimistiko ngayon ng maraming Filipino ang may malaking papel kung bakit masigla …

Read More »

Magsasaka todas sa BFF

CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang isang magsasaka makaraang makipagsaksakan sa katagay na kaibigan sa Brgy. Ara, Benito Soliven, Isabela kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Diosdado Castillo, 30, may asawa, habang ang suspek ay si Sebastian Vidad, 29, kapwa magsasaka at residente ng Brgy. Ara. SSa imbestigasyon ng Benito Soliven Police Station, nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang dalawa sa hindi …

Read More »

IPINAPAKITA ni Rep. Mark Villar ang kanyang Certificate of Candidacy (COC) para sa muling pagtakbo bilang congressman ng Las Piñas sa ilalim ng  Nacionalist Party. (BONG SON)

Read More »

IPINAKIKITA ni Pasay City Mayor Antonino Calixto ang kanyang Certificate of Candidacy (COC) na kanyang inihain sa Pasay Comelec para sa kanyang muling pagtakbong alkalde sa 2016. (JERRY SABINO)

Read More »

PAGBABALIK NI ‘DIRTY HARRY’ RAMDAM NA

Inihain ng Liberal Party ng Maynila ang kanilang kandidatura sa Comelec Aroceros sa pangunguna ni Mayor Alfredo “Fred” Lim bilang mayoralty candidate ng partido kasama ang kanyang vice mayor na si 1st District Rep. Benjamin “Atong” Asilio. Naniniwala si LIM na laban ito ng Maynila para maibalik ang libreng serbisyong pangkalusugan at pang-edukasyon para sa mga nangangailangang residente ng lungsod. …

Read More »

Lucifer, 7 pa tatakbong presidente

WALONG aspirante, kabilang si “Archangel Lucifer,” na sinasabing mga pampagulo, ang naghain ng kandidatura bilang pangulo ng bansa sa 2016 elections. Ang walo ay kinabibilangan nina Marita Arilla, Cornelio Sadsad Jr., Alfredo Tindugan, Bertrand Winstanley, Romeo John Ygonia, Virgilio Yeban, Benjamin Rivera at Juanito Luna. Sa ikalawang araw ng paghahain ng COC kahapon, kauna-unahang naghain ng CoC ang isang nagpakilalang dating magsasaka …

Read More »

‘Dirty Harry’ babalik para linisin ang Maynila

NAGHAIN na ng kandidatura  bilang alkalde ng Lungsod ng Maynila si dating Mayor Alfredo Lim kahapon ng umaga. Isinumite ni Lim ang kanyang certificate of candidacy (CoC) sa local na tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Arroceros St., Ermita kasama ang kanyang vice mayoralty candidate na si Manila First District Representative Benjamin “Atong” Asilo. Ang 85-anyos dating senador at …

Read More »

Sen. Miriam nagdeklarang tatakbo

NAGDEKLARANG tatakbo bilang pangulo sa 2016 elections si Sen. Miriam Defensor-Santiago. Ito ay kasabay ng book signing ng senadora para sa kanyang bagong libro. Sinabi ni Santiago, maghahain siya ng certificate of candidacy (CoC) sa darating na mga araw. Ayon kay Santiago, mayroon na siyang runningmate bagama’t tumangging pangalanan ito. Ngunit nakadeklara na aniya ng kandidatura ang kanyang runningmate. Maalala, …

Read More »

Pacman tatakbong senador sa PDP-Laban

IBINUNYAG ni Manny Pacquiao kahapon na tatakbo siya sa ilalim ng PDP-Laban bilang senador makaraang muling linawin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi siya tatakbo sa pagka-presidente. Ginawa ni Pacman ang pahayag habang siya ay nasa New York para tanggapin ang 2015 Asia Game Changer of the Year award. Ayon kay Manny, ang PDP-Laban ay walang kandidatong presidente …

Read More »

Sabwatang Palasyo Ombudsman vs VP Binay itinanggi

HINDI nakikipagsabwatan ang Palasyo sa Ombudsman para gipitin si Vice President Jejomar Binay at sirain ang kanyang 2016 presidential bid. Sinabi ni Communications Secretary herminio Coloma Jr., walang hurisdiksyon ang Malacanang sa Office of the Ombudsman na isang independeng constitutional body. Binigyang diin pa niya na ang administrasyong Aquino ay tumatalima sa rule of law. “The Office of the Ombudsman …

Read More »

Hot spots, areas of concern ilalabas next week

NAKATAKDANG ianunsyo ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo ang mga listahan ng lugar na isasailalim sa hot spot at areas of concern sa darating na 2016 presidential election. Ayon kay Comelec chairman Andres Bautista, tatapusin muna nila ang paghahain ng certificate of candidacy (CoC) bago ilabas ang mga lugar na kailangan bantayan ng mga kinauukulan. Ayon kay Bautista, …

Read More »

‘House Independent Bloc Leader’ pasok sa senatorial race

martin romualdez

  PORMAL na naghain ng certificate of candidacy (COC) sa main office ng Commission on Elections (Comelec) para pagka-senador si House Independent Bloc leader at 1st District Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez kahapon ng umaga. Bitbit ang bandila ng Lakas-CMD bilang presidente ng partido, ginawa ni Romualdez ang pormal niyang pagsabak sa ‘senatorial race’ sa tanggapan ng Comelec kasama ang …

Read More »

Dinukot na sanggol natagpuang patay sa kanal

NAGCARLAN, Laguna – Patay na nang matagpuan kamakalawa ang isang taon gulang na sanggol makaraang dukutin ng hindi nakilalang suspek nitong Linggo habang natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Malaya, Nagcarlan, Laguna. Sa report na ipinadala ni Chief Inspector  Leopoldo Ferrer, hepe ng Nagcarlan Police, kay Acting Laguna PNP provincial director, Senior Supt. Florendo Saligao, kinilala ang biktimang …

Read More »

Kinidnap na mayor ng Naga, Zambo Sibugay pinalaya

PINALAYA na ang dinukot na alkalde ng Naga, Zamboanga Sibugay na si Mayor Gemma Adana, nitong Martes ng umaga. Ito ang kinompirma ng Joint Task Group Zambasulta ng Armed Forces of the Philippines. Ayon kay Captain Roy Vincent Trinidad, dinala si Adana sa mismong bahay ni Sulu Governor Abdul Sakur Tan bago mag-alas syete ng umaga kahapon. Agad sumailalim sa …

Read More »

4-anyos paslit sinakmal ng asong ulol

DAGUPAN CITY – Hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri sa samples ng asong ulol na sumakmal sa 4-anyos lalaking paslit sa lungsod ng Dagupan kamakalawa. Nagpapagaling pa ang biktima mula sa sugat sa kanyang likod, balikat at braso na sinakmal ng hinihinalang asong ulol. Kuwento ng biktima, naglalakad siya sa gilid ng kalsada nang bigla na lamang lapitan ng aso. …

Read More »

Bagyong Lando papasok sa PAR ngayong gabi

POSIBLENG pumasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Lando Miyerkoles ng gabi o umaga ng Huwebes. Ayon kay Glaiza Escullar, weather forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo sa layong 2535 km Silangan ng Luzon. May lakas ito na 45 kph, habang gumagalaw pa-Kanluran Hilagang Kanluran na may bilis na 25 …

Read More »

3 bata nalunod sa ilog sa Iloilo

ILOILO CITY – Nalunod ang dalawang Grade 6 at isang Grade 2 pupils nang maligo sa ilog sa Navais, Mandurriao, Iloilo City kamakalawa. Ayon kay Brgy. Kagawad Jimmy Capilihan, nagkayayaan ang mga biktimang sina Dion Salmillo at Ramy Monsale, parehong 12-anyos at Grade 6 pupil sa Mandurriao Elementary School, na maligo sa ilog kasama ang apat na iba pang kaklase …

Read More »

Magkalaguyo tiklo sa buy-bust

KORONADAL CITY- Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drug Act of 2002 ang magkalaguyong naaresto sa drug buy bust operation nang pinagsanib na puwersa ng Banga PNP at 4th Manuever Company ng RPSB 12 sa Prk.6, Brgy. San Vicente, Banga, South Cotabato kamakalawa. Kinilala ni Senior Insp. Senen Balayon, ang hepe ng Banga PNP, ang mga suspek …

Read More »

Bagatsing Mayor na tatakbuhin sa 2016

BITBIT ang battle cry na “Ang Bagong Maynila” pormal na inihain kahapon ni 5th District Congressman Amado S. Bagatsing ang kanyang certificate of candidacy (CoC) sa Commission on Elections (COMELEC) upang tumakbo bilang alkalde ng lungsod ng Maynila sa darating na 2016 elections. Nasa kanyang ika-tatlong termino, dumalo muna ang kongresista sa isang misa sa San Agustin Church sa Intramuros …

Read More »