Tuesday , July 23 2024
prison

30 preso itinakas ng ISIS/Maute group sa Marawi jail

SINALAKAY ng hinihinalang mga miyembro ng ISIS-inspired Maute Group ang Lanao del Sur Provincial Jail sa Brgy. Mapandi sa Marawi City at itinakas ang 30 preso.

Kabilang sa mga nakatakas ang walong hinihinalang miyembro ng Maute group na naaresto sa bayan ng Lumbayanague, kabilang sina Hassim Balawag Maute alyas Apple Jehad, Abul Jabbar Tominaman Macabading, Jamil Batoa Amerul at Muhammad Sinodin Mulok.

Ang mga suspek ay nahuli sa Lanao del Sur noong Agosto 22.

Ayon kay S/Supt. Agustine Tello, Lanao del Sur police director, hindi nakaporma ang mga personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nagbabantay sa piitan dahil sa dami ng mga umatake.

Naglunsad ang militar ng operasyon para tugisin ang grupo.

About hataw tabloid

Check Also

Sonny Angara DepEd

Panawagan kay Angara
SUWELDO NG MGA GURO ITAAS, ‘KORUPSIYON’ SA DepEd DAPAT TUGUNAN — TINIO

NANAWAGAN si dating ACT Teachers Rep. Antonio “Tonchi” Luansing Tinio kay bagong-upong Department of Education …

FEHI, DHSUD sanib-puwersa para sa programang pabahay

FEHI, DHSUD sanib-puwersa para sa programang pabahay

NAGSANIB-PUWERSA ang kompanyang Far East Holdings Inc. (FEHI) at ang Department of Human Settlement and …

First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ng mobile clinics

First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ng mobile clinics

NAMAHAGI si First Lady Louise “Liza” Marcos, sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) ng …

Isko Moreno

Isko Moreno llamado sa muling pagtakbo sa Maynila

HATAWANni Ed de Leon ANO tatakbo na naman si Isko Moreno bilang mayor ng Maynila sa 2025? …

prison

300 PDLs mula Bilibid inilipat sa Iwahig Prison sa Palawan

INILIPAT ang may 300 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *