Wednesday , January 26 2022

Motorcycle rider todas sa bus

LA UNION – Hindi na umabot nang buhay sa Naguilian District Hospital ang isang lalaki makaraan mabangga ng bus ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa.

Kinilala ng Naguilian Police Station ang biktimang si Roger Manongdo, 26, residente ng San Cornello, Caba, La Union habang ang driver ng bus ay si Quirino Tacloy Dawal, 43, ng Asin road, Baguio City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, kapwa binabagtas ng bus at motorsiklo ang national highway sa bahagi ng Brgy. Bato nang biglang umagaw ng linya ang bus hanggang mangyari ang “head on collision.”

Dahil sa lakas ng impact, dumanas nang matinding pinsala sa katawan at ulo si Manobo na nagresulta sa kanyang kamatayan, habang walang nasaktan sa mga pasahero ng bus.

About hataw tabloid

Check Also

BBM Bongbong Marcos

#MarcosDuwag nag-trending

DALAWAMPU’T APAT ORAS nag-trending ang #MarcosDuwag sa social media kamakailan mata­pos umatras ni presidential aspirant …

012122 Hataw Frontpage

Mandatory military service sa 18-anyos
SARA ‘BINARIL’ NG DND SEC

ni ROSE NOVENARIO                WALANG digmang pinaghahandaan ang Filipinas kaya hindi kailangan ang batas na magtatakda …

Sunog sumiklab
50 KABAHAYAN NATUPOK SA STA. MARIA, BULACAN

NAABO ang halos 50 kabahayan sa bayan ng Sta.Maria, sa lalawigan ng Bulacan, matapos sumiklab …

dead gun police

Holdaper todas sa enkuwentro, nagrespondeng pulis sugatan

PATAY ang isang holdaper, samantala sugatan ang isang pulis, sa naganap na enkuwentro sa Sitio …

Bulacan Police PNP

Serye ng operasyon ikinasa ng PNP Bulacan; 1 patay, 9 arestado

BUMULAGTA ang isa sa mga hinihilang tulak ng ilegal na droga habang nadakip ang siyam …

Leave a Reply