Friday , November 22 2024

News

2nd DQ case inihain vs Grace Poe

ISA pang disqualification case ang hinaharap ni Senator Grace Poe mula kay dating senador Francisco “Kit” Tatad laban sa presidential candidate. Isinumite ni Tatad ang kanyang petisyon sa Commission on Elections (Comelec) main office sa Palacio del Gobernador sa lungsod ng Maynila. Iginiit ng dating mambabatas, hindi “natural born Filipino” ang senadora at hindi rin siya pasok sa 10-year residency …

Read More »

Nilait ng dyowa bebot nagbigti

MALAKI ang hinala ng pulisya nagbigti ang isang 35-anyos babae makaraang laitin ng kanyang kinakasama kahapon ng madaling-araw sa Pasay City. Hindi na naisalba sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang buhay ng biktimang si Jenny Oklonario, ng 118 Tenement Building, Punta, Santa Ana, Maynila. Ayon sa report kay Pasay City Police chief, Sr. Supt. Joel Doria, naganap ang insidente dakong 1:30 …

Read More »

2 sundalo patay sa enkwentro sa ComVal

DAVAO CITY – Patay ang dalawang sundalo sa enkwentro sa Sitio Kalinugan, Brgy. Casoon, Monkayo, Compostela Valley Province kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang sina Corporal Byron Moreno at Private First Class Thon Katog, parehong miyembro ng 25th Infantry Battalion. Nakasagupa ng mga biktima ang 60 miyembro ng Section Committee 3 Pulang Bagani Command 4 Southern Mindanao Regional Committee ng New …

Read More »

Sumampa sa payloader bata nagulungan, todas (3 kalaro ligtas)

DAVAO CITY – Agad nalagutan ng hininga ang 8-anyos batang lalaki makaraang masagasaan ang ulo nang mahulog mula sa sinampahang payloader kamakalawa. Ayon sa ulat, habang nagkakarga ng graba at buhangin ang payloader sa Sebusa River, sa bayan ng Matanao, Davao del Sur, nang biglang sumampa ang apat naliligong mga bata. Kinilala ang mga batang sina Juanito Gallos, 12; Jeffrey …

Read More »

Matino at mahusay na pamumuhay, magpapaunlad sa Filipinas—Alunan

HINDI ikinahihiya ni dating Secretary of Interior and Local Government Rafael “Raffy” Alunan III kung tawagin siyang ‘bubot’ sa desisyon na pasukin ang mundo ng politika. “Delikado at komplikado ang pumasok sa politika, lalo na sa mga katulad kong bagito, na alam ko napakahirap manalo sa larangang ito,” paliwanag ni Alunan matapos isumite ang kanyang certificate of candidacy (COC) para …

Read More »

Motorcycle rider dedbol sa bundol

PATAY ang isang 47-anyos motorcycle rider makaraang sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang pampasaherong jeep sa kasagsagan ng bagyong Lando kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Resty Cruz Jr., residente ng 196 Gen. Luna St., Brgy. Ibaba ng nasabing lungsod. Habang agad naaresto ang suspek si Rustan Ganao, 30, residente ng 238 Hernandez St., Brgy. …

Read More »

10-wheeler truck sumalpok sa poste 3 sugatan

BAGUIO CITY – Isinugod sa pagamutan ang driver ng isang 10-wheeler cargo truck at dalawa pang biktima makaraang bumangga ang kanilang sasakyan sa poste ng koryente sa Bokawkan road, Lungsod ng Baguio, kahapon ng madaling araw. Kinilala ang driver ng truck (XBY-674) na si Rolando Benzon, nasa legal na edad, tubong San Fernando, Pampanga, habang ang dalawang kasama niya ay …

Read More »

May ibang ligaw, bebot utas sa dyowa

HINIHINALANG panibugho ang nagtulak sa isang lalaki upang kitlin ang buhay ng kinakasama sa Parañaque City kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Parañaque si Jeanalyn Amores, 28, ng 39 Quirino Ave., Lapid Market Compound, Brgy. Baclaran ng lungsod, tinamaan ng mga saksak sa katawan. Tinutugis ng mga tauhan ng Parañaque Police ang suspek na si Jonathan …

Read More »

PAG-IBIG aprubado sa solar panels loans

MAAARI nang kumuha ng housing loan para sa pagpapakabit ng mga solar panels sa kanilang bahay, ang mga kwalipikadong PAG-IBIG Fund member na maaaring parte ng home improvement o home purchase. Sa isang memorandum na nilagdaan ni Atty. Darlene Marie B. Berberabe, chief executive officer ng PAG-IBIG Fund, makukuha ang loan sa paggamit ng residential property na gagamitan ng solar …

Read More »

‘Lando’ hahagupit hanggang miyerkoles

HANGGANG sa Miyerkoles pa mananalasa bago umalis sa Luzon ang bagyong Lando. Bahagyang humina ang bagyo pero patuloy na hinagupit ang Central at Northern Luzon. Ayon sa Pagasa, taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 150kph-185kph. Umuusad ang bagyo sa mabagal na 5 kilometro bawat oras. Unang nag-landfall ang mata ng bagyo sa Aurora kahapon ng …

Read More »

Ambush sa Marawi police chief work related

CAGAYAN DE ORO CITY- Kaugnayan sa trabaho ang anggulong tinutukan ng pulisya kung bakit tinambangan ang chief of police ng hindi kilalang mga salarin sa Brgy. Luksa Datu, Marawi City kamakalawa. Ito ang inihayag ni Lanao del Sur provincial police director, Senior Supt. Seigfred Ramos kaugnay sa sinapit ni Marawi City Police Station Director Al Wahab Santos. Sinabi ni Ramos, …

Read More »

Erpat kalaboso sa 5 counts ng child abuse

NAGA CITY – Arestado kamakalawa ang isang padre de pamilya bunsod ng 5 counts ng child abuse sa Brgy. Caricot Bato, Camarines Sur. Kinilala ang suspek na si Fernando Gamelo, 52-anyos. Ayon sa ulat, dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Manuel M. Rosales, presiding judge ng RTC Br. 34 Iriga City. Nahaharap sa …

Read More »

Obero todas sa saksak

PATAY ang isang magpapatis makaraang makursunadahan at pagsasaksakin ng hindi nakilalang suspek kahapon ng madaling araw sa Navotas City. Hindi na umabot nang buhay sa Navotas City Hospital ang biktimang kinilalang si Bonifacio Manuel, 52, trabahador ng Quality Patis, at residente ng Bacog St., Brgy. Daanghari ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng …

Read More »

2 estudyante nag-away sa classroom 1 patay

PATAY ang isang binatilyong estudyante nang mabagok ang ulo sa baldosa sa loob ng classroom habang nakikipag-away sa kanyang kaklase sa isang paaralan sa Sta. Maria, Bulacan kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Rioben Santor Jr., 14-anyos, estudyante ng Sta. Maria National High School sa naturang bayan. Ayon kay Larry Lagman, school principal, nagpambuno sina Rioben at ang hindi pinangalanang kaklase …

Read More »

MATAIMTIM na nagdasal ang pamilya Atienza sa simbahan ng Poon Nazareno sa Quiapo, Maynila bago magtungo sa Commission on Election (COMELEC) at pormal na naghain ng Certificate of Candidacy (COC) sina incumbent 5th District Councilor Ali Atienza bilang kandidatong bise alkalde at Maile Atienza, bilang kosehal ng ikatlong distrito. Humabol rin si Amado Bagatsing ang kanilang kandidato sa pagka-alkalde ng …

Read More »

Magkasabay na nag file ng kanilang kandidatura sa comelec sina Senator Grace Poe at Senator Chiz Escudero para sa pagka pangulo at pangalawang pangulo sa 2016 presidential election (( BONG SON))

Read More »

Magkasabay na nag file ng kanilang kandidatura sa comelec sina Mar Roxas at Leni Robredo para sa pagka pangulo at pangalawang pangulo sa 2016 presidential election (( BONG SON))

Read More »

TINATAYANG nagkakahalaga ng P100 milyon ang mga gamot na ikinategoryang prohibited at regulated gaya ng Cytotec 200mg, Valium 10mg, Xolmox , Ritalin, Alprazolam at Ambin 10mg tablets, na inabandona ng importer ang iniharap kay Customs Commissioner Bert Lina ni NAIA district collector Edgar Macabeo bago isinuko kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Director Erwin Sangre Ogario, Regional Director. Pinuri …

Read More »

LIMANG Chinese nationals na kinilalang sina Xiong Bun Sy, Xu Chang Cheng, Jimmy Go, Alexander Go, lulan ng Toyota na kulay gray, may plakang ZRW 851 at Hyundai ACCENT na kulay puti, may plakang ABG 547 ang nasakote sa isang buy-bust operations National Capital Region Police Office Anti-Drug Special Operation Task Group (NCRPO-ADSOTG at nahulihan ng tinatayang P50 milyong halaga …

Read More »

P100-M droga nasabat sa NAIA; P50-M shabu kompiskado sa 5 chinese

UMABOT sa P100 milyon ang halaga ng droga na nasabat ng Customs officials sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang limang bigtime drug dealer na pawang Chinese national ang naaresto makaraang makompiskahan ng mahigit 10 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P50 milyon sa buy-bust operation kahapon sa Quezon City. Iprinisenta kay Customs Commissioner Bert Lina at sa publiko ang P100 …

Read More »

Mar, Leni sinamahan ni PNoy sa CoC filing

INIHATID pa mismo ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon ng umaga sa pintuan ng tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sina administration presidential at vice-presidential bets Mar Roxas at Leni Robredo para maghain ng kanilang certificate of candidacy (CoC) para sa 2016 elections. Nauna rito, dakong 7 a.m. ay magkakasamang nagsimba sina Aquino, Roxas at Robredo pati na ang ilang …

Read More »

Poe-Chiz naghain na ng CoC

NAGHAIN na ng kanilang certificate of candidacy (CoC) sina Senadora Grace Poe bilang pangulo, at Senador Francis “Chiz” Escudero bilang pangalawang pangulo. Sina Poe at Escudero ang magka-tandem sa 2016 Presidential election, makakatunggali ang pambato ng adminitasyon na sina Interior Secretary Mar Roxas at Camarines Sur Rep. Leni Robredo, at oppositions na sina Vice President Jejomnar “Jojo” Binay” at Senador …

Read More »

Palasyo ‘di nagpatinag kahit una si Chiz sa survey

TULOY lang ang kampanya ng administrasyon para sa kanilang kandidato sa vice presidential race sa kabila nang pangunguna pa rin ni Sen. Chiz Escudero sa pinakabagong Pulse Asia survey. Pormal nang inihain ni Escudero ang kanyang certificate of candidacy bilang vice presidential bet ni presidential aspirant Sen. Grace Poe sa 2016 elections. Sa naturang survey ay pumangalawa si Sen. Bongbong …

Read More »