Sunday , November 24 2024

News

Modernong lutong Pinoy inihain

LASANG Filipino na may kakaibang presentasyon ang ipinakain sa world leaders sa isinagawang welcome reception kamakalawa sa APEC economic leaders. Ibinida ng Filipino restaurant owners na si Glenda Barretto at Gaita Flores ang kanilang inihandang pagkain gaya ng mga pagkaing Filipino na Adobo, Tinola, kesong puti, itlog na maalat. Inihalimbawa rito ang isang maja blanca na may kakaibang presentasyon na …

Read More »

Raliyista nakalapit sa APEC venue (Binomba ng water cannon)

PINAIGTING ng Asia-Pacific Economic Coop-eration (APEC) security ang kanilang pagbabantay sa paligid ng Philippine International Convention Center (PICC) at International Media Center (IMC) nang makalapit ang ilang raliyista sa event venue kahapon. Ayon sa source, naghiwa-hiwalay ang mga nagpoprotesta kaya nakapuslit ang ilan sa kanila sa mga barikada ng mga awtoridad. Dahil dito, inihanda ng mga tauhan ng Bureau of Fire …

Read More »

APEC hottie Trudeau ng Canada dinumog sa Sofitel Hotel (Sa Bilateral talks kay PNoy)

MISTULANG hinampas ng hanging Habagat ang mga tao nang dumating si Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa Sofitel Hotel kamakalawa ng gabi para sa bilateral talks nila ni Pangulong Benigno Aquino III. Natigalgal ang lahat, lalo ang kababaihan at nagkandarapa sa pagkuha ng larawan habang naglakad sa harap nila ang guwapo at matipunong si Trudeau na nakangiting binati ang lahat …

Read More »

Hustisya sa Malaysian na pinugutan ng ASG (Sigaw ng pamilya)

UMAASA ang pamilya ng Malaysian hostage na si Bernard Then Ted Fen na agad maiuuwi sa lalong madaling panahon ang kanyang bangkay makaraang pugutan ng Abu Sayyaf group (ASG). Ayon sa kanyang kapatid na si Christopher, nananawagan siya sa gobyerno ng Malaysia at sa Filipinas na mas palawakin pa ang paghahanap sa naiwang bangkay ng kanyang kapatid. Dagdag niya, nananalig …

Read More »

7 minero arestado sa illegal mining sa CamNorte

NAGA CITY – Bagsak sa kulungan ang pitong mi-nero na naaktohan ng mga awtoridad habang ilegal na nagmimina sa Brgy. Benit, Labo, Camarines Norte kamakalawa. Kinilala ang mga suspek na sina Crisanto Adelen, 62; Nelson Diaz, 55; Nick Binarao, 44; Reden Masaysay, 42; Harold Rafer, 35; Marcial Bermas, 35, at Ronald Rafer, 26. Napag-alaman, naaktohan ng pinag-isang puwersa ng Regional …

Read More »

Leni Robredo isusulong programa para sa urban poor

MANDAUE CITY – Nangako si Leni Robredo, vice presidential candidate ng Liberal Party, na ipupursige ang mga programang sinimulan ng yumaong asawa na si da-ting Interior Secretary  Jesse Robredo para sa urban poor. “Isa sa mga unang programa ng aking mister nang maupo siya bilang mayor ng Naga ay pabahay sa informal settlers,” wika ni Robredo sa kanyang pagbisita sa 6.5-hectare …

Read More »

Jail officer todas sa tandem (Lolo sugatan)

PATAY ang isang miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) makaraang pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo habang sugatan ang isang lolo nang tamaan ng ligaw na bala sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay ang biktimang si JO1 Marwan Christopher Arafat, 27, nakatalaga sa Caloocan City Jail, at residente ng Talimusak St., kanto ng …

Read More »

Mag-asawa sa Koronadal todas sa tiyuhin

KORONADAL CITY – Patay ang mag-asawa habang dalawa ang sugatan sa pamamaril sa Lungsod ng Koronadal kamaka-lawa ng gabi. Kinilala ang mga biktimang napatay na sina Belen Consumo, 33, at Romy Consumo, 36; habang ang mga sugatan ay sina Jerly Consumo at Joselito Consumo, mga anak ng suspek na si Jose Consumo, 46, pawang mga residente sa Purok Mariveles, Brgy. …

Read More »

DPWH official sa Kalinga utas sa boga

 TUGUEGARAO CITY – Patay sa pamamaril ng hindi pa matukoy na suspek ang isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Sitio Dinacan, Brgy. Dangoy, sa bayan ng Lubuagan, Kalinga kamakalawa. Ayon kay Kalinga PNP spokesman, Chief Insp. Jomarick Felina, natagpuan sa gitna ng highway ng mga motorista ang nakabulagta at naghihingalong …

Read More »

Tisoy patay sa dyowang private tutor

PATAY ang isang lalaking mestiso makaraang pagsasaksakin ng kinakasamang private tutor makaraang magtalo kamakalawa ng hapon sa Caloocan City. Hindi na umabot nang buhay sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang kinilalang si Alejandro Calza Jr., 25, ng Phase 9, Package 6, Block 68, Lot 37, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod. Habang tinutugis ng mga awtoridad …

Read More »

13 OFWs patay sa road accident sa Saudi (14 sugatan)

KINOKOMPIRMA pa ng Embahada ng Filipinas ang napaulat na pagkamatay ng 13 Filipino sa nangyaring aksidente sa Saudi Arabia. Ayon sa source, aabot sa 13 ang namatay sa pagsalpok ng coaster sa isang delivery truck sa Al-Ahsa, isang probinsiya sa Eastern region ng bansa. Bukod sa mga namatay, 14 ang sugatan kabilang ang driver ng truck na isang Pakistani. Ang …

Read More »

Bigtime lady shabu dealer sa Bulacan arestado (P.7-M droga kompiskado)

TINATAYANG aabot sa P700,000 halaga ng shabu ang nakompiska ng mga awtoridad mula sa isang bigtime drug dealer sa isinagawang buy-bust operation sa San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa. Kinilala ni Director General Usec. Arturo Cacdac, Jr., chairman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang nadakip na si Mona Salanggi, 27, ng Brgy. Muzon, sa naturang lungsod. Ayon sa ulat, …

Read More »

US todo-suporta sa PH vs China

BUO ang suporta ng Amerika sa isinusulong na arbitration case ng Filipinas kontra China kaugnay sa isyu nang agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea (WPS). “We are not claimants ourselves, but we fully support a process in which through international law and international norms these issues are resolved. And we look forward to working with all parties to move …

Read More »

Canada’s PM Trudeau, Mexico’s President Nieto APEC ‘Hottie’

KINILIG ang ilang kababaihan sa pagdating sa Filipinas ni Canadian Prime Min-ister Justin Pierre Trudeau para dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting sa bansa. Agad nag-trending ang hashtag na “APEC hottie” para sa Canadian PM. Maging ang ilang kilalang personalidad sa Filipinas ay hindi mapigilan ang huma-nga sa batang prime minister. Kahit sa APEC International Media Center, tilian …

Read More »

Indonesia nag-sorry sa ‘di makontrol na haze

HUMINGI ng paumanhin si Indonesian Vice President Jusuf Kalla sa perhuwisyong dulot ng haze mula sa forest fires sa kanilang bansa. Ang naturang haze o usok ay bumalot sa Southeast Asia. Si Kalla ang kinatawan sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) 2015 ni Indonesian Pres. Joko Widodo dahil hindi  nakarating ang pangulo para sa ilang mahalagang appointment. Sa kanyang pagharap sa APEC-CEO Summit, …

Read More »

Aklan’s piña cloth ginamit sa barong ng APEC delegates

KALIBO, Aklan – Mula sa lalawigan ng Aklan ang Piña cloth na ginamit sa paggawa ng Barong Tagalog na isusuot ng mga delegado at kanilang mga asawa sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders Summit na sa Metro Manila. Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) provincial direrctor Engr. Diosdado Cadena, ang Piña fiber para sa espesyal na barong ay …

Read More »

Dalagita kinalikot ng amain

LUMULUHANG dumulog sa tanggapan ng pulisya ang isang 17-anyos dalagita kasama ang kanyang ina upang ipaaresto ang manyakis na amain makaraang kalikotin ang ari ng biktima habang natutulog kamakalawa ng gabi sa Navotas City. Sa follow-up operation ng pulisya, agad nasakote ang suspek na kinilalang si Valiente Sanchez, 42, mangingisda, ng 177 Governor Pascual St., Pitong Gatang, Brgy. Sipac-Almacen ng nasabing …

Read More »

Militanteng grupo nag-vigil sa Mendiola

MAGDAMAG na nag-vigil sa Mendiola ang mga progresibong grupong tutol sa pagsasagawa ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) economic leaders’ meeting sa bansa. Nagsindi ng sulo ang iba’t ibang katutubong grupo, Miyerkoles ng umaga, bilang panawagan sa pamahalaan. Anila, mas dapat na unahin ang mga katutubong nasa mga bundok kaysa gugulin ang pondo ng bayan para sa APEC at paboran lamang …

Read More »

DQ vs Grace ibinasura ng SET (Senators inismol, Petitioner hihirit sa SC)

IBINASURA ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang disqualification case laban kay Senator Grace Poe kaugnay sa 2013 polls. Sa botong 5-4, ibinasura ng SET ang inihaing disqualification case na isinampa ni Rizalino David. Ang mga senador na bumoto para balewalain ang petisyon ay mga kasamahan sa Senado ni Poe na sina Senators Loren Legarda, Cynthia Villar, Bam Aquino, Pia Cayetano …

Read More »

APEC leaders dumating na

MAGKAKASUNOD na dumating sa bansa ang mga head of states na dadalo sa 23rd Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na gaganapin sa Philippine International Convention Center (PICC). Dakong 1 p.m. nang dumating si US President Barrack Obama lulan ng Air Force 1 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sumunod na lumapag din sa NAIA sina Australian Prime Minister Malcolm …

Read More »

‘Di pinadalo sa b-day ng anak, 19-anyos ama nagbigti

CEBU CITY – Nagbigti ang isang 19-anyos ama makaraang hindi padaluhin ng kanyang dating live-in partner sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanilang anak kamakalawa ng gabi sa Cordova, Cebu. Kinilala ang biktimang si Axel Rose Roldan Añiza. Ayon kay SPO2 Laurencio Wagwag ng Cordova Police Station, natagpuan ng ama ang biktima habang nakabigti sa loob ng kanyang kuwarto. Kuwento ng …

Read More »

Eroplanong bumagsak sa Sinai binomba ng terorista (Kinompirma ng Russia)

KINOMPIRMA ng Russian security officials na ang pagbagsak ng isang eroplano sa Sinai nitong Oktubre ay dahil sa sumabog na bomba, ito ay makaraang may matagpuang explosive traces sa nawasak na sasakyang panghimpapawid. Ayon sa Russian media, naniniwala ang security officers na maaaring itinanim ang bomba sa loob ng eroplano ng isang Sharm el-Sheikh baggage handler. Sinabi ng Egyptian authorities …

Read More »

Pemberton hahatulan sa Nob. 24

KINOMPIRMA ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Branch 74,  naitakda na nila sa susunod na linggo ang pagbaba ng hatol kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.  Si Pemberton ang sinasabing nakapatay sa Filipino transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer. Itinakda ng korte ang paglabas ng verdict sa Nobyembre 24, 2015, dakong 1 p.m. Ayon kay Judge …

Read More »