Saturday , January 11 2025

News

3 patay sa truck vs multicab (Sa South Cotabato)

KORONADAL CITY – Agad binawian ng buhay ang tatlo katao makaraan ang salpukan ng truck na may kargang  softdrinks at multicab na may kargang tuyo sa Prk. Ilang-Ilang Brgy. Saravia, Lungsod ng Koronadal kamakalawa. Ang nasabing truck (body #DT-0492 at plate # UGVG61) ay minamaneho ni Jommy Retardo, 32, residente ng Malalag, Davao Del Sur, malubha ang kalagayan sa pagamutan. …

Read More »

Jueteng namamayagpag pa rin sa Malabon

KINONDENA ng Kilusan Kontra Katiwalian at Kabulukan (4K) ang patuloy na pamamayagpag ng mga ilegal na sugal sa Camanava area partikular sa mga lungsod ng Malabon at Caloocan. Ayon kay 4K secretary general Rodel Pineda, pulos kamag-anak nina Mayor Antolin “Len Len” Oreta at Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang naparatangang nagpapatakbo ng mga ilegal na sugal sa dalawang lungsod kaya …

Read More »

Minahan ni-raid 20 minero arestado (Sa Agusan del Sur)

BUTUAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa bayan ng Sibagat, Agusan del Sur, upang matukoy ang mga personalidad na kakasuhan dahil sa illegal mining operations sa Sitio Agao, Purok 4, ng Brgy. Tabon-tabon sa nasabing bayan. Ayon kay Senior Insp. Arthuro Gonato, chief of police ng Sibagat Municipal Police Station, 20 minero ang kanilang naaresto makaraan ang raid …

Read More »

Militar kasawsaw sa gusot sa INC (Kontsabahan nakadokumento)

NAGLITAWAN ngayong linggo ang mga dokumentong maaaring magturo sa pagkakasangkot ng militar sa awayan sa pagitan ng Iglesia Ni Cristo (INC) at ng kampo ng dalawang kapatid ni INC Executive Minister Eduardo V. Manalo na sina Lottie Manalo-Hemedez at Angel Manalo – hinggil sa #36 Tandang Sora, Quezon City na pagmamay-ari ng Iglesia. Ang mga dokumento, nakadetalye ang iskedyul, oras, …

Read More »

Ex-INC Minister Menorca inaresto

INARESTO ang dating Iglesia ni Cristo minister na inakusahan ang sekta ng pagkidnap sa kanya at pagkulong sa kanyang pamilya, nitong Miyerkoles ng mga pulis na naka-plainclothes sa pangunguna ng police superintendent na miyembro ng INC. Ayon kay Lowell Menorca, patungo siya sa Court of Appeals (CA) para dumalo sa kanyang petition for writs of amparo at habeas corpus nang …

Read More »

Swimming pool, kubol sa Bilibid giniba na

DAKONG 6 a.m. nitong Miyerkoles nang simulan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang ika-13 ‘’Oplan Galugad’’ sa Medium Security Compound ng New Bilibid Prison kahapon. Target ng mga kawagad ng BuCor na gibain ang mga magagarbong kubol ng high-profile inmates. Unang nasamppolan ang tatlong palapag na kongkretong kubol ng isang Jerry Pepino na may maliit na swimming pool sa ibabaw. …

Read More »

Planong political dynasty sa Caloocan pinalagan

NANAWAGAN ang grupong Batang Kankaloo sa Caloocan City sa lahat ng kabataang botante na ibasura ang mga politiko na nasangkot sa pork barrel scam at gustong magpatupad ng political dynasty sa lungsod. Ayon kay Wally Sumook, chairman ng Batang Kankaloo sa Bagong Silang, panahon na upang ipakita ng mga kabataan sa Caloocan na hindi sila mahusay lamang sa ledion-cyber game …

Read More »

Drug pusher itinumba sa computer shop

PATAY ang isang hinihinalaang drug pusher makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek na sinasabing miyembro ng drug syndicate, habang ang biktima ay abala sa paglalaro sa loob ng computer shop sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Ang biktimang agad binawian ng buhay sanhi ng tama ng bala sa ulo at katawan ay kinilalang si Raymund Mina, 26, ng 41 Genesis Alley, …

Read More »

1 patay, 1 sugatgan sa birthday party

NAGING madugo ang pagdiriwang ng kaarawan ng isang lalaki makaraang pagbabarilin ng isa sa mga bisita ang dalawa niyang kaanak sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang namatay na si John Michael Soleta, 39, negosyante at residente ng Phase 10A, Package 3, Block 67, Lot 13, Bagong Silang ng nasabing lungsod. Habang ginagamot sa Far Eastern University (FEU) Hospital …

Read More »

Passenger plane muntik madisgrasa sa ‘laser’ light (Sa Iloilo City)

ILOILO CITY – Iniimbestigahan ng mga pulis kung sino ang gumamit ng search at laser light na inireklamo ng piloto ng dalawang passenger plane na papalapag at paalis sa Iloilo International Airport sa Cabatuan. Sa report ng piloto ng Flight 2P2145 ng Philipine Airlines na Manila-Iloilo at Flight 2P2146 na Iloilo-Manila, may gumamit nang nakasisilaw na search light at ito …

Read More »

Order sa baba-pasahe ilalabas na — LTFRB

ANO mang araw mula ngayon, maaaring magpalabas na ng resolusyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay nang panawagang gumawa ng hakbang para mapababa ang singil sa pamasahe sa public utility vehicles (PUVs). Kaugnay ito nang sunod-sunod na rollback sa presyo ng produktong petrolyo. Kung babalikan, marami na ang nananawagan na panahon na para ibaba ang singil sa …

Read More »

Presidentiables dadalo sa debate

TINIYAK ng mga kandidato sa pagkapangulo at bise presidente na dadalo sila sa itinakdang debate ng Commission on Elections (Comelec) at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) kaugnay ng nalalapit na halalan. Ayon kay KBP National Chairman Herman Z. Basbaño, halos lahat ng mga kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo ay nagbigay na ng katiyakan sa Comelec-KBP na dumalo …

Read More »

Pangalan ni Poe nasa balota kung walang ruling sa Feb 1 (Ayon sa Comelec)

TIYAK na mapapasama sa balota ang pangalan ni Sen. Grace Poe sa oras na hindi makapaglabas ng desisyon ang Korte Suprema hanggang sa Pebrero 1, 2016 kaugnay nang nakabinbing disqualification cases sa hukuman. Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, isinasapinal na nila ngayon ang listahan ng mga kandidato na mapapasama sa paglimbag ng balota para sa eleksiyon sa Mayo. Nakatakda …

Read More »

Imprenta ng balota iliban (Hirit ni Drilon)

NANAWAGAN at nakikiusap kay Commission on Election (Comelec) Chairman Andres Bautista si Senate President Franklin Drilon na iliban muna ang nakatakdang Pebrero 1 na pag-imprenta ng mga balota para sa May 2016 elections. Ayon kay Drilon dapat hintayin muna ni Bautista ang magiging desisyon ng Korte Suprema ukol sa kaso ni Presidential aspirant Senadora Grace Poe hinggil sa disqualification case …

Read More »

Basilan bomber patay sa shootout

ZAMBOANGA CITY – Patay sa shootount kamakalawa ang isang lalaki na hinihinalang responsable sa pagtatanim ng bomba sa magkakahiwalay na lugar sa Basilan.  Batay sa ulat mula kay C/Insp. Gean Gallardo, hepe ng Lamitan City police station, dakong 7:20 p.m. nang isilbi ang warrant of arrest sa suspek na si Haji Jabier Pinglias. Lumaban ang suspek at pinaputukan ang mga …

Read More »

Anak tinaga ng ama (Dudang kalaguyo ng ina)

VIGAN CITY – Selos ang dahilan ng pagtaga ng isang ama sa sariling anak sa Brgy. Apang, Alilem Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Roldan Lausan, 21-anyos, habang ang suspek na kanyang ama ay si Rolando Lausan, parehong residente ng nasabing bayan. Ayon kay Senior Inspector Joel Lagto, chief of police ng PNP-Alilem, matagal nang nagseselos ang ama sa pagiging …

Read More »

Gapos gang leader arestado

ARESTADO sa pinagsanib na puwersa ng CIDG Anti-Organized Crime Division at Limay, Bataan Police ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang Japanese national na nilooban sa kanyang tirahan sa Room 26F, Malate Bay View Mansion, Adriano Street, Malate, Manila. Pinangunahan ni Supt. Samson Belmonte ng PNP CIDG ang nasabing operasyon. Naaresto ang 47-anyos suspek na kinilalang si Magnaan, sa C3 …

Read More »

Chiz binatikos si Tatad sa pambu-bully (Sa petisyon laban sa TV ad ni Poe)

“Pati ba naman TV ad gustong ipa-DQ?” Ito ang naging tugon ni vice presidential frontrunner Sen. Francis “Chiz” Escudero sa petisyong isinampa ng dating senador na si Francisco Tatad na humihimok sa Korte Suprema na aksiyonan ang pinakahuling TV ad ni Sen. Grace Poe na nagsasabing hindi siya disqualified at pasok-na-pasok pa rin siya sa karera ng panguluhan sa Mayo. …

Read More »

Suspek sa NGCP bombing ‘di matukoy — PNP

CAGAYAN DE ORO CITY – Blangko pa ang pulisya ng Lanao del Sur kung anong grupo ang responsable sa huling pambobomba sa tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Lanao del Sur. Ayon kay Lanao del Sur provincial PNP director, Senior Supt. Seigfred Ramos, nagpapatuloy pa ang kanilang intelligence monitoring kasama ang militar upang kanilang malaman kung …

Read More »

AFP routine patrols sa border ng bansa tiniyak

AMINADO ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na hindi nila nababantayan 24/7 ang borders ng bansa dahil sa napakalawak nito gayon man sinisiguro ng militar na mayroon silang ginagawang routinary patrols sa bahagi ng southern Philippines na tinagurian din backdoors ng bansa. Ayon kay AFP spokesperson BGen. Restituto Padilla, bukod sa routine patrols ng pamahalaan mayroon din silang …

Read More »

Binatilyo sugatan sa saksak ng tanod

SUGATAN ang isang 18 anyos estudyante nang pagsaksaksakin ng barangay tanod na sinita ng biktima sa pag-ihi sa pader kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Inoobserbahan sa San Juan De Dios Hospital si John Paul Christian Eugenio, ng 2417 Cuenca St. ng siyudad, dahil sa tatlong tama ng saksak sa katawan. Habang arestado ng pulisya ang suspek na si Jayson …

Read More »

Bawas-pasahe ipaubaya sa LTFRB — Palasyo

DUMISTANSYA ang Palasyo sa panukalang bawas-pasahe ng transport groups kasunod nang sunud-sunod na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ipinauubaya ng Malacanang sa Land Transportation Franchising regulatory Board (LTFRB) ang pagpapasya sa panukalang bawas-pasahe. Aniya, nasa mandato ng LTFRB na magdesisyon kung kinakailangang magpatupad ng fare adjustment. Tungkulin aniya ng …

Read More »

Bebot dedbol sa bundol, driver ng SUV kinuyog

DAGUPAN CITY – Agad binawian ng buhay ang isang babae makaraang banggain ng isang SUV habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa Cabanatuan, Nueva Ecija kamakalawa. Bali ang balakang ng biktimang si Ella Lopez na tumilapon pa ng ilang metro dahil sa lakas ng impact bago nabagok ang ulo nang tumama sa konkretong poste. Nabigla ang mga kaibigan niyang kasamang …

Read More »

Rehab works sa ‘Yolanda victims’ mabagal — UN

AMINADO ang United Nations (UN) na nababagalan ito sa ginagawang rehabilitasyon para sa mga biktima ng bagyong Yolanda kasabay ang pangambang abutan pa sila ng panibagong kasinglakas na bagyo. Sinabi ni UN Special Representative of Secretary General for Disaster Risk Reduction Margareta Wahlstrom, nababagalan sila sa ipinatutupad na rehabilitation works ng gobyerno sa mga sinalanta ng kalamidad dahil hanggang ngayon …

Read More »

SSS sinisi ni Belmonte

TAHASANG sinisi ni House Speaker Feliciano Belmonte ang pamunuan ng Social Security System (SSS) kung bakit naipasa ang pension hike bill nang wala ang kaakibat na dagdag poder sa SSS board. Ayon kay Belmonte, napakatahimik ng liderato ng SSS sa panahong tinatalakay ang bill kaya hindi nailakip ang pagbibigay ng kapangyarihan sa board. Puro subbordinates at legal counsel aniya ang …

Read More »