DAVAO CITY – Dalawa ang patay habang 12 ang naaresto sa ‘one time big time’ drug operation ng 12 police stations sa Lungsod ng Davao. Napag-alaman mula sa Davao City Police Office sa pangunguna ni S/Supt. Vicente Danao, Jr., 12 police stations at Investigation and Detection Management Branch ang kabilang sa mga nagsagawa ng operasyon. Sa nasabing operasyon, dalawang armadong …
Read More »Grace Poe Natural Born Filipino Citizen (Say ng CHR sa SC)
KINATIGAN ng Commission on Human Rights (CHR) si Senador Grace Poe sa kanyang kandidatura sa pagka-presidente at sinabing isa siyang natural-born Filipino citizen. Sa isang memorandum na isinumite sa Supreme Court, sinabi ng CHR na ang mga foundling o pulot na katulad ni Poe ay may karapatan sa isang nationality at ang estado ay obligadong irespeto at protektahan ang kanilang …
Read More »Naimprintang balota 6.5-M na — Comelec
PATULOY ang pag-imprenta ng National Printing Office (NPO) sa mga balotang gagamitin sa May 9 elections kahit holiday kahapon. Ayon sa Commission on Elections (Comelec), nasa 6.5 milyon na o 11.66 porsiyento sa kabuuang total na mahigit 55.7 milyon ang mga naimprentang balota kabilang na ang mga gagamitin sa overseas absentee voting at sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). …
Read More »Reconciliation hindi puro bangayan
HINAMON ni senatorial candidate at Leyte Rep. Martin Romualdez ang mga botante na maghalal ng presidente ng bansa na may puso para sa pagsasagawa ng totoong pagkakaisa at ‘malasakit’ na lilimot at gagamot sa mga hinanakit ng mga Filipino sa mga nakalipas na administrasyon. Ipinunto ni Romualdez na dapat ang mamumuno sa bansa ay kayang pag-isahin ang lahat ng sektor …
Read More »Hinlalaking daliri pinutol ng madre (Protesta laban sa landgrabbing)
KORONADAL CITY – Bilang protesta sa mabagal na solusyon at kawalan ng hustisya ng mga katutubong inagawan ng lupa sa Sitio Kuemang, Brgy. Palkan, bayan ng Polomolok, South Cotabato, pinutol ng isang madre ang kanyang hinlalaki sa kaliwang kamay. Pinutol ang kanyang daliri ni Sister Leah C. Cabullo mula Northern Samar, tumutulong sa mga katutubo sa probinsya ng South Cotabato, …
Read More »Laborer tumungga ng bleach kritikal
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ang isang 30-anyos construction worker makaraan lumaklak ng Zonrox bleach kamakalawa ng gabi sa Tondo, Manila. Inoobserbahan sa Tondo Medical Center ang biktimang si Marlon Rivera ng 762-C Laguna Ext., Tondo. May natagpuang suicide note sa sling bag ng biktima na nakasaad ang katagang “Papa, Mama, sorry po. Mahal ko po kayo. Lagi po kayong mag-iingat, c Arvin …
Read More »Marcos era ‘di golden days para sa Pinoy (Giit ni PNoy)
HINDI golden days para sa Filipino ang Marcos era kundi golden days lamang para sa pamilya Marcos at kanyang crony, ayon kay Pangulong Benigno Aquino III. “Golden age nga po siguro noon para sa mga crony ni Ginoong Marcos, at sa mga dikit sa kanya. Marami nga po akong kuwentong narinig: Noong panahon ng diktador, ang mga negosyante, ayaw magpalaki …
Read More »Wala akong dapat ihingi ng tawad — Bongbong
KASUNOD ng pagdiriwang ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power ay muling nanindigan si vice presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos na walang dapat ihingi ng tawad at ipaliwanag sa ipinatupad na batas militar ng kanyang ama. Ayon kay Marcos, kailanman ay hindi siya maaaring sisihin ng sino man sapagkat ang kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos ay tunay …
Read More »Taiwanese na surgeon dermatologist swak sa parricide (Laman-loob, bahagi ng katawan itinapon sa septic tank)
SINAMPAHAN ng kasong parricide sa Makati City Prosecutor’s Office ang isang Taiwanese national na suspek sa pagpatay sa kanyang misis na pinagputol-putol ang katawan nitong Martes ng gabi (Pebrero 23) sa nasabing lungsod. Sinabi ni PO3 Ronaldo Villaranda, ng Homicide Section ng Makati City Police, kinasuhan ng parricide ang suspek na si Yuan-Chang Kuo, 46, dermatologist at registered surgeon, ng 6647 …
Read More »Kelot patay, 1 sugatan sa ambush
PATAY ang 32-anyos lalaki habang sugatan ang kanyang kasama nang pagbabariilin ng hindi nakilalang armadong mga suspek sa gitna ng masayang kuwentohan ng magkaibigan sa Taguig City kahapon ng madaling araw. Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Michael Laureta, ng 248 Apag St., Wildcat, Brgy. Ususan ng lungsod. Habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang …
Read More »3 sugatan sa saksak ng amok
MALUBHANG nasugatan ang company nurse, auditor at kitchen crew makaraan pagsasaksakin ng isang houseboy habang ang mga biktima ay naghihintay ng sasakyan sa Malabon City kahapon ng umaga. Ginagamot sa Valenzuela Medical Center si Mercelie Malig-On, 29, company nurse, residente ng 59 Banana Road; Ronge Lyka Mariano, 19, auditor, habang inoobserbahan sa Manila Center University (MCU) Hospital si Rodel Haveria, …
Read More »Campus journos, estudyante nag-walkout (Neoliberal policies sa edukasyon kinondena)
TINULIGSA ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ang polisiya ng administrasyong Aquino na lalo pang isinailalim sa deregulasyon at komersiyalisasyon ang college education sa bansa na nagkakait sa mga kabataang Filipino sa kanilang karapatan sa edukasyon. Ayon kay Marc Lino Abila, national president ng CEGP, ang average annual tuition ay domoble mula sa P30,000-P50,000 noong 2010 ay naging …
Read More »Guingona Law ipatupad (Danyos sa 75,730 biktima ng martial law madaliin)
HINIMOK kahapon ni Senador Teofisto Guigona III ng Human Rights Victims Claims Board, apurahin ang pagproseso sa kabayaran ng danyos sa libo-libong biktima ng karahasan at pagmamalupit noong panahon ng batas militar. Itinaon ng senador ang paghimok sa anibersaryo ng Edsa People Power Revolution ngayon kasabay ng kanyang pakikiisa sa pag-alaala sa ipinamalas na pagkakaisa at kagitingan ng mamamayan para …
Read More »Nega deadma kay Bongbong
PIAT, Cagayan —WALANG balak si Vice Presidential candidate Senator Ferdinand Marcos na pansinin at patulan ang mga grupo at indibidwal na naglalabas ng negatibo laban sa kanya. Ayon kay Marcos iginagalang niya ang bawat opinyon ng indibidwal ngunit aniya kanyang ipagpapatuloy ang kanyang kampanya upang suyuin ang publiko. Binigyang-linaw ni Marcos na normal na ang siraan at negatibo sa tuwing …
Read More »Solon, 2 buwan suspendido sa US junket trip
SINUSPINDE ng Sandiganbayan Second Division sa loob ng dalawang buwan si South Cotabato 1st District Rep. Pedro Acharon, Jr., kaugnay ng kanyang kasong katiwalian dahil sa sinasabing junket trip sa Estados Unidos noong 2006. Matatandaan, nagtungo si Acharon sa California, USA, kasama ang apat na opisyal ng General Santos City para sa Tambayayong Festival. Ang South Cotabato solon ay dating …
Read More »Magdyowa inasunto sa paninira kay Fresnedi
IPINAGHARAP sa piskalya ng kasong libelo at paglabag sa Fair Election Act ang live-in partners na nahuling namimigay ng leaflets na nakasisira sa magandang track records sa serbisyo publiko ni Muntinlupa City incumbent Mayor Jaime Fresnedi. Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si Gemma Aquino, 40, residente ng Purok 6, San Guillermo St., Bayanan, Muntinlupa, habang nakatakas ang kinakasama …
Read More »Ginang todas sa selosong live-in partner
CAUAYAN CITY, Isabela – Matinding selos ang nakikitang motibo ng mga awtoridad sa pananaksak ng isang lalaki sa kanyang live-in partner sa Maddela, Quirino kamakalawa. Pinaghahanap ng mga awtoridad ang tumakas na suspek na si Roberto Del Rosario, tubong Victoria, Aglipay, Quirino. Agad binawian ng buhay sa insidente ang biktmang si Cristy Sison, 42, hiwalay sa asawa, tubong lungsod ng …
Read More »19-anyos bebot utas sa mister ng tiyahin
HINATAW ng matigas na bagay sa ulo ang isang 19-anyos babae ng kanyang tiyuhin sa hindi pa batid na dahilan at itinago ang bangkay sa ilalim ng kama sa inuupahang bahay sa Pasay City nitong Martes ng gabi. Kinilala ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Joel Doria ang biktimang si Merlyn Losano, walang trabaho, tubong Masbate, ng 154 Humilidad …
Read More »Pinay kinatay ng asawang Taiwanese (Bahagi ng inatadong katawan nawawala)
TINANGGALAN ng laman loob, pinagputol-putol ang katawan ng isang ginang ng asawang Taiwanese sa hinalang may kalaguyo sa Makati City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Makati City Police chief, Sr. Supt. Ernesto T. Barlam, ang biktimang si Rowena Cobalida Kuo, 47, ng Taylo St., Brgy. Pio Del Pilar ng naturang siyudad. Ang suspek na si Yuan-Chang Kuo, 46, residente rin …
Read More »Dalagita sex slave ng ama
ARESTADO ang isang lalaki makaraan ireklamo ng panggagahasa sa anak niyang 14-anyos dalagita sa kanilang bahay sa Malolos, Bulacan. Kinilala ang suspek na si Jesseco Pingol Patino alyas Jess, walang trabaho, 45-anyos, residente ng Grande Royale, Brgy. Bulihan sa naturang lungsod. Napag-alaman, nabisto ng ina ang panggagahasa sa anak kamakalawa ng madaling araw nang hindi pa tumatabi sa pagtulog ang …
Read More »Massive public campaign vs poll fraud ilulunsad (Pangako ng Comelec)
AMINADO ang Commission on Elections (Comelec) na kulang pa ang kanilang pagsisikap upang mapanatag ang damdamin ng mga botante kaugnay sa pangamba na mangyayari pa rin ang malawakang dayaan sa darating na 2016 elections. Kasagutan ito ni Comelec Chairman Andres Bautista makaraan ang inilabas na resulta ng isang survey, nakasaad na 39 porsiyento ng mga botante ang nagsasabi na hindi …
Read More »Snatcher nasakote sa NAIA
ISANG snatcher ang nadakma ng mga security personnel at Aviation police sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 makaraang hablutin ang bag ng isang papaalis na pasahero kahapon ng umaga. Nahuli habang pumupuslit ang suspek na kinilalang si Yvanne R. Lacson, 53, ng Malibay, Pasay City, habang tangan ang bag ng babaeng pasahero. Ayon sa aviation police, kabababa lamang …
Read More »4 Chinese drug dealer, 2 pa arestado sa P18-M shabu
APAT na hinihinalang Chinese drug dealer at dalawang iba pa ang naaresto ng Quezon City Police District-Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (AIDSOTG) at District Special Operation Unit (DSOU) at nakompiskahan ng anim na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P18 milyon, sa buy-bust operation sa Maynila at Quezon City kahapon. Sa ulat ni QCPD Director Edgardo Tinio, kinilala ang …
Read More »PNoy biggest loan addict?
PUMALAG ang Palasyo sa bansag kay Pangulong Benigno Aquino III bilang “biggest loan addict” o pinakasugapa sa pangungutang sa mga naging presidente ng Filipinas mula noong 1986. Inihayag kamakalawa ng Freedom form Debt Coalition (FDC) na mag-iiwan si Pangulong Aquino sa kanyang successor ng P6.4-trilyon o katumbas ng $134.46 bilyon na outstanding debt ng gobyerno. Sa panahon lang anila ni …
Read More »Kampanya nilangaw (Jocjoc supporter ni Poe)
AKTIBONG tagasuporta ang utak ng P728-million Fertilizer Scam na si dating Agriculture Undersecretary Jocelyn ‘Jocjoc’ Bolante ni presidential candidate Grace Poe sa Capiz, na siyang dahilan kung bakit nilangaw kamakailan ang mga rally ng pambato ng Partido Galing at Puso sa naturang lalawigan. Si Bolante at kanyang political ally na si Mark Ortiz ang kilalang mga lider ng Grace Poe …
Read More »