SAMPUNG bilanggo ang sugatan sa naganap na riot ng grupo ng ‘Bahala Na’ Gang (BNG) at ‘Sigue Sigue Sputnik’ (SSS) sa Quezon City Jail kahapon ng madaling araw. Sa ulat kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Director, J/Chief Supt. Michael Vidamos Sr., ni J/Supt. Randel Latoza, QC Jail Warden, nagsimula ang kaguluhan dakong 2 a.m. Ayon sa report, isang inmate na …
Read More »Iboboto sa eleksiyon kilalanin — Miss Universe
NANAWAGAN si Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurztbach sa mga botante na maging matalino sa pagpili ng susunod na Pangulo ng bansa. Sa press conference sa Malacañang, sinabi ni Wurztbach na ang mga ihahalal na pinuno ang siyang uugit sa kinabukasan ng Filipinas. Payo niya sa mga botante na kilalaning mabuti ang mga kandidato at dapat magaan sa loob kung sino …
Read More »2 paslit patay na natagpuan sa kotse (Sa Antipolo)
PINANINIWALAANG internal hemorrhage dahil sa bukol sa ulo ang ikinamatay ng dalawang paslit na kapwa 4-anyos na natagpuang patay sa loob ng isang Mitsubishi Lancer sa Antipolo City kamakalawa. Sa ulat na tinanggap ni Senior Supt. Adriano Enong Jr., Rizal PNP Provincial Director, kinilala ang mga biktimang sina Renz Rajo y Alcoriza, at Aljo “Hanny” Malaco, kapwa nakatira sa Sitio …
Read More »3-anyos dedbol nang mabaril ng 5-anyos utol
ZAMBOANGA CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng ‘children in conflict with the law center’ ng Department of Social Welfare and Development (SWD) ang 5-anyos paslit na aksidenteng nakapatay sa 3-anyos niyang kapatid sa loob ng kanilang bahay sa Purok Sunflower, Brgy. Longilog, sa bayan ng Titay, sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay. Batay sa impormasyon mula sa Police Regional Office …
Read More »Amyenda sa building code isulong — Romualdez (Nanawagan sa engineers, architects)
MARIING nanawagan kahapon si Leyte Rep. Martin Romualdez sa engineers at mga arkitekto na umambag sa pagpapatibay ng bansa laban sa sakuna at hinimok na pangunahan ang mga hakbang sa pagsusulong ng amyenda sa National Building Code of 1972. “Ayon sa United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNISDR) and the Centre on the Epidemiology of Disasters (CRED), tayo ang …
Read More »De Lima iresponsable — Roque (Ex-Justice Secretary pa naman)
PINALAGAN ngayong Lunes ng abogadong si Harry Roque, first nominee ng Kabayan Party-List, ang tinagurian nitong “iresponsableng mga komento” ni dating DOJ Secretary Leila de Lima hinggil sa pag-aresto sa itiniwalag na miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) na si Lowell Menorca kasabay ng payo sa LP senatorial candidate na “maghinay-hinay” sa pagbibigay ng pahayag “kung hindi alam ang buong …
Read More »Miss Universe sasabak sa politika — Drilon
IBINUNYAG ni Senate President Franklin Drilon, handang sumabak sa larangan ng politika si 2015 Ms. Universe Pia Alonzo Wurtzback. Ang pagbubunyag ni Drilon ay makaraan nilang mag-usap ng beauty queen matapos gawaran ng parangal ng pagkilala ng Senado ang tagumpay at karangalang iniuwi sa bansang Filipinas nang manalo sa patimpalak ng kagandahan. Sinabi ni Drilon, ikinatwiran sa kanya ni Wurtzback …
Read More »Bongbong, Grace mag-utol?
MAY isang tao na nagbibiro, pahayag ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nang marinig ang tungkol sa isang pahinang dokumento na sinasabing DNA test result na ipinadala sa Senate reporters nitong Lunes, sinasabing nagpapakita na siya at si Senator Grace Poe ay “related.” Ang dokumentong may petsang Nobyembre 12, 2015 at may letterhead na DNA Solutions Philippines ay naka-address kay …
Read More »Negosyante patay, 8-anyos sugatan sa salpok ng kotse
PATAY ang isang negosyante habang sugatan ang isang 8-anyos batang babae nang salpukin ng isang sasakyan kahapon ng umaga sa Pasay City. Agad binawian ng buhay bunsod nang matinding pinsala sa ulo at katawan si Mark Anthony Ventura, 32, ng Tramo 1, Parañaque City, lulan ng bisekleta nang salpukin ng kotse. Sinalpok din ng kotse ang batang biktima habang naglalakad …
Read More »Mayor Olivarez nanawagan sa taxpayers
NAGPALABAS ng anunsiyo ang Business Permits and Licensing Office (BPLO) sa mga residente at mga negosyante ng lungsod na naging responsable at maagap sa pagbabayad ng kanilang mga buwis para sa ikauunlad ng ekonomiya ng lungsod. Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Edwin L. Olivarez naging isa ang lungsod sa umaangat na ekonomiya at pondo na ngayon ay pinakikinabangan ng …
Read More »CEB cancelled flights bunsod ng temporary runway closure sa NAIA
NAGPALABAS ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Notice to Airmen, nag-aabiso ng pansamantalang pagsasara ng runway sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula Enero 26 at 30, 2016, bunsod ng VIP movement. Kaugnay sa abisong ito, ang sumusunod na Cebu Pacific at Cebgo flights ay kanselado. Sa Enero 26, 2016 (Martes) kanselado ang flights ng 5J487/488 Manila …
Read More »Temperatura sa Tuguegarao bumagsak sa 18°C, Baguio 12°C
NAKARARANAS sa kasalukuyan nang napakalamig na panahon ang Lungsod ng Tuguegarao Ayon kay Benny Esparehas ng Pagasa, naitala ang 18 degrees Celsius na temperatura sa lungsod kahapon ng umaga bunsod nang kalakasan ng hanging amihan. Idinagdag niya na magtatagal ang malamig na panahon sa lungsod hanggang Huwebes. Ang Tuguegarao City ay isa sa may pinakamainit na klima sa buong bansa …
Read More »Chief investigator sa CamSur itinumba (Sa mismong kaarawan)
NAGA CITY – Matagal nang alitan ang itinuturong dahilan sa pagpaslang ng isang Cafgu sa isang pulis sa Brgy. Amokpok, Ragay, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang biktimang si SPO2 Julieto Mondigo Jr., chief investigator ng PNP-Ragay. Ayon kay PO3 Roberto Dela Torre, papunta ang pulis sa himpilan upang imbitahan ang kanyang mga katrabaho sa kanyang birthday celebration nang harangin siya …
Read More »Lalaking sinaksak sa kamay, patay (Dugo naubos)
PATAY ang isang lalaki nang maubusan ng dugo matapos saksakin sa kanang kamay ng katagay, sa Malabon City kamakalawa ng hapon. Ang biktima na hindi na umabot nang buhay sa Pagamutang Bayan ng Malabon (PBM) sanhi ng pagkaubos ng dugo ay kinilalang si Rogelio de Luna, 34-anyos, construction worker at residente sa Dagat-dagatan, Navotas City. Nagsasagawa na ng manhunt operation …
Read More »Disaster preparedness ipasok – Romualdez (Sa K-12 Curriculum)
“SA isang bansang palagiang nasa banta ng mga kalamidad gaya ng bagyo at lindol, kailangan natin ng mga mamamayang batid ang ikikilos sakaling tumama ang ano mang sakuna.” Ito ang pahayag ni Leyte Rep. Martin Romualdez ngayong Linggo kasabay ng panawagan sa sektor ng edukasyon na isama ang “Disaster Preparedness” sa mga asignaturang itinuturo sa K-12 curriculum upang matiyak ang …
Read More »P6-M smuggled goods nasabat sa Zamboanga
ZAMBOANGA CITY – Umaabot sa P6 milyong halaga ng smuggled goods ang nasabat ng mga kasapi ng Philippine Navy lulan ng isang barko sa karagatan ng Zamboanga City. Batay sa impormasyon mula kay Rear Adm. Jorge Amba, ang bagong commander ng Naval Forces Western Mindanao, namataan ang barko ng M/L Alkawsar sa karagatang bahagi ng Brgy. Recodo maghahating gabi kamakalawa, …
Read More »P.1-M pabuya ikinasa vs pumatay sa traffic enforcer
NAGLAAN si Antipolo City Mayor Jun Ynares ng P100,000 pabuya sa sino mang makapagtuturo sa pumatay sa kababayang MMDA traffic enforcer. Si Sydney Role, residente ng Brgy. Dela Paz ng lungsod, ay pinagbabaril ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo na kanyang sinita na nag-counterflow dakong 3:20 a.m. sa kanto ng Commonwealth Avenue, Tandang Sora, Quezon City, kamakalawa. Ayon sa ulat, …
Read More »Pag-aresto kay Menorca ipinabubusisi ng CHR sa PNP
NANAWAGAN ang Commission on Human Rights (CHR) na imbestigahan ng Philippine National Police ang paraan ng pag-aresto kay dating Iglesia Ni Cristo member Lowell Menorca II. Sinabi ni CHR chair Jose Luis Martin Gascon, makikitang inabuso nang umarestong mga pulis ang kanilang kapangyarihan. Dagdag niya, parang napakabigat ng kaso ni Menorca at kinakailangan pang maraming mga pulis ang umaresto. Kinuwestiyon …
Read More »Death threat inireklamo ng PISTON president
NAKATANGGAP ng ‘death threat’ si George San Mateo, pambansang tagapangulo ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) at unang nominado ng PISTON Party-list, sa porma ng isang text message mula sa ‘di nagpakilalang texter. Nabatid na ipino-blotter na ni San Mateo ang death threat sa kanya na natanggap noong Enero 18, nagsasabing inupahan ang texter ng …
Read More »‘Float’ ni Pia ready na sa grand parade
NAKAHANDA na ang gagamiting carosa o float ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach para sa grand homecoming parade ngayong araw. Bukod kay Pia, inaasahang magiging agaw-atensiyon din ang centerpiece ng float – ang giant replica ng prestihiyosong Miss Universe crown na ideya ng award winning production designer sa Filipinas na Fritz Silorio. Magsisimula ang grand parade para sa 26-year-old Cagayan …
Read More »2 sugatan sa saksak ng mag-ama, 2 kaanak
DALAWA katao ang sugatan nang pagtulungang saksakin ng mag-ama at dalawa pang kaanak sa lungsod ng Pasay kamakalawa. Nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital ang mga biktimang sina Concesa Gamboa, 58, at Jan Gilbert Eusebio 29, ng 1722-F. Muñoz St.,Tramo, Brgy. 43, Zone 6 ng nabanggit na lungsod. Tumakas ang mga suspek na sina alyas Rico, Banjo, Carlo …
Read More »P.2-M alok ng Malabon mayor vs killer ni Mañalac
NAG-ALOK ng P200,000 reward si Malabon City Mayor Len-Len Oreta sa sino mang makapagtuturo sa suspek na pumatay kay 2nd District Councilor Merlin “Tiger” Mañalac. Ang nasabing konsehal ay namatay makaraang barilin ng hindi nakikilalang suspek na lulan ng motorsiklo sa harapan ng kanyang bahay kamakalawa. Nagawa pang itakbo sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival. Anak ng …
Read More »2 pulis, sundalo tiklo sa drug bust (Sa Sultan Kudarat)
KORONADAL CITY- Dalawang police officer at isang miyembro ng Philippine Marines ang naaresto ng mga awtoridad sa drug buy bust operation sa Brgy. Tibpuan, Proper Lebak, Sultan Kudarat pasado pasado 6 p.m. kahapon. Kinilala ang mga suspek na sina PO1 Hamid Kahrun, nakadestino sa Police Regional Office ng ARMM, PO3 Bernardo Uy, nakadestino sa Palomo Matina Provincial Headquarters Davao City …
Read More »Huwag husgahan si Lt. Col. Marcelino (Apela ng Mistah)
UMAPELA sa publiko ang isang opisyal ng militar na huwag basta husgahan ang kanyang “mistah” na si Lt. Col. Ferdinand Marcelino na naaresto ng PNP-AIDG at PDEA sa isinagawang drug operation sa Maynila nitong nakaraang Huwebes. “Mataas ang aking pagtingin sa propesyonalismo at integridad ng aking mistah na si Lt. Col Bong Marcelino. Kilala ko siya bilang ma-prinsipyo at may …
Read More »Swiss Nat’l dedbol sa shadow boxing
HINDI na nagkamalay ang isang 38-anyos Swiss national nang biglang mag-collapse makaraan mag-shadow boxing sa loob ng fitness center ng tinutuluyang hotel sa Ermita, Maynila kamakalwa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Richard Prader, nanunuluyan sa Room 2936 sa 29th floor ng New World Manila Bay Hotel (dating Hyatt hotel) sa 1588 M.H. Del Pilar corner Pedro Gil, Ermita, Maynila. …
Read More »