Saturday , January 11 2025

News

Robredo ‘Nabulok’ sa LP — Bello (Nilamon ng sistema)

MATAPOS iendoso ni Pampanga Governor Lilia Pineda ang tambalang pambato ng Liberal Party, hinamon ng independent senatorial candidate na si Walden Bello si Leni Robredo kung maaatim niyang hiwalayan si Mar Roxas at tumiwalag sa maruming politika ng LP na aniya ay nag-etsa-puwera sa mga progresibong kaalyado at binigyang-kiling ang dinastiyang politikal – mapaangat lamang ang tsansa na manalo sa …

Read More »

Archbishops umalma kay Duterte

NAGSALITA na si Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Archbishop Emeritus Oscar Cruz laban sa mga nagiging pahayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte tungkol sa kanyang mga pamamaraan ng pamumuno kung sakaling siya ang maging susunod na pangulo. Noong nakaraang debate ng Commission on Elections, sinabi ni Duterte na kailangan, kayang pumatay ng pangulo upang maging epektibong pinuno ng …

Read More »

GMA dapat ipagamot sa abroad — Bongbong

PAMPANGA – Inirekomenda ni vice presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., tulad ng ibang mga may sakit dapat din payagan ng pamahalaan na makapagpagamot sa ibang bansa si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Ayon kay Marcos, wala siyang nakikitang dahilan upang hindi mapayagan ng pamahalaan  na makapagpagamot sa ibang bansa ang dating pangulo. Tinukoy ni Marcos na maging si …

Read More »

Foreigners sabit sa money laundering — KIM WONG

ISINIWALAT ng negosyanteng si Kam Sin Wong alyas Kim Wong ang personalidad na maaaring nasa likod ng $81-milyon money laundering sa Filipinas, ang perang ninakaw mula sa Bangladesh Central Bank sa New York reserve. Gayonman, todo tanggi siya na may kinalaman siya sa multi-million dollar money laundering. Sa kanyang pagharap sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee, idiniin ni Wong …

Read More »

7 katao kinasuhan ng AMLC (Sa money laundering)

PITO katao na ang nasampahan ng kaso ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) kaugnay ng kontrobersiyal na $81 million money laundering sa bansa. Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni AMLC Executive Director Julia Bacay-Abad, kabilang sa kanilang sinampahan ng kaso sina dating RCBC branch manager Maia Santos-Deguito, negosyanteng si Kim Wong, Weikang Xu at apat na account holders …

Read More »

Broadcaster hinoldap ng call center agent (Sa loob ng simbahan)

HINAMPAS sa ulo ang isang broadcaster ng silyang kahoy ng isang call center agent at inagaw ang kanyang bag habang taimtim na nagdarasal sa loob ng prayer room ng isang simbahan sa Muntinlupa City kamakalawa ng hapon. Nilalapatan ng lunas sa Muntinlupa Medical Center ang biktimang si Yvone Rebeca, 50, broadcaster ng hindi pinangalanang network, at residente ng Muntinlupa City. …

Read More »

Paslit patay sa umatras na jeepney

PATAY ang isang batang lalaki nang maatrasan ng pampasaherong jeep habang naglalaro sa kalsada sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.  Hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela General Hospital sanhi ng pinsala sa ulo ang biktimang si Joshua Lungakit Corpuz, 4-anyos, residente sa NPC Road, Brgy. 16, Kaybiga ng nasabing lungsod. Nakapiit na sa detention cell ng Caloocan City Police …

Read More »

Ex-army utas sa ambush sa Negros Occ (Mister ng kandidatong konsehal)

BACOLOD CITY – Patay ang isang retiradong sundalo na asawa ng kumakandidatong konsehal, makaraan barilin ng armadong grupo sa Moises Padilla, Negros Occidental kamakalawa. Ang biktima ay kinilalang si Armando Castillo Secuya, 61, residente sa Brgy. Guinpana-an, Moises Padilla. Batay sa impormasyong hawak ni Negros Occidental Police Provincial Office (NOCPPO) director, Senior Supt. William Señoron, nangyari ang insidente sa terminal …

Read More »

IGINUHIT NG TADHANA. Tila iniaadya ng pagkakataon, nagkita at nagyakap ang ‘nagtuturingang mag-utol’ na sina senators Bongbong Marcos at Grace Poe sa gilid ng  gusali ng PhilPost sa Plaza Lawton, matapos magsalita ng lalaking senador sa proclamation rally ni Erap. Ang ‘mag-utol’ ay kapwa inendoso ni Estrada bilang tumatakbong presidente at bise-presidente para sa   May 9 elections. ( BONG SON …

Read More »

MAINIT na tinanggap si vice presidential candidate Sen. Antonio Trillanes IV ng mga mamamayan sa Antique nang bumisita siya rito kamakailan.

Read More »

ANINAG sa mukha ng mga responsableng kandidato sa #2016Elections,  sa Oriental Mindoro na pinangunahan ni Gov. Alfonso Umali, Jr., Vice Gov Humerlito “Bonz” Dolor, 1st district Congressman Doy Leachon; Konsehal Edil Ilano, kandidatong Board Member; Romy Roxas kandidatong Vice Governor; at Naujan vice mayor Henry Joel Teves, kandidatong congressman sa unang distrito ng nasabing lalawigan, ang kasiyahan sa pagdedeklara ng pakikiisa …

Read More »

PALABAN  VS KRIMINALIDAD — Handang-handa sina Jose Iñaki at dating Basilan governor at congressman  Alvin Dans sa pagsuporta kina PDP-Laban presidential bet Davao City Mayor Rodrigo Duterte at kandidatong senador na si dating DILG secretary Rafael “Raffy” Alunan III para labanan ang kriminalidad sa bansa. Naninindigan sina Duterte at Alunan na tanging sa paglipol sa mga kriminal lalo sa mga …

Read More »

KASABAY ng pagsalubong  sa Easter Sunday, pormal na isinagawa ni Ali Atienza, kandidatong Vice Mayor ng lungsod Maynila ang kanyang motorcade, ngunit bago umikot sa lungsod, inuna ni Ali ang pagsisimba sa Quiapo Church kasama ang kanyang pamilya at amang si Buhay Party-list representative Lito Atienza. Mainit na pagtanggap ng Manilenyo ang sumalubong kay Ali sa unang soltada ng motorcade …

Read More »

INAAYOS ng mga tauhan ng Meralco ang bumagsak na transformer makaraan sumabit sa isang container van at tinakbuhan ng hindi nakilalang driver sa Carlos Palanca St., Quiapo, Maynila.  ( BONG SON )

Read More »

KAPWA sugatan ang magkaangkas na sina Nermal Nemuel at Sheila Bernardo makaraan bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang pampasaherong jeep sa intersection ng Aurora Blvd. at Seattle St., Quezon City. ( ALEX MENDOZA )

Read More »

Calauan Mayor inambus (Youth leader, 1 pa patay)

LOS BAÑOS, Laguna – Dalawa ang patay kabilang ang isang youth leader na tumatakbong konsehal sa Calauan, Laguna nang tambangan si Calauan Mayor Buenafrido Berris kamakalawa ng hapon. Ayon kay Senior Supt. Ronnie Montejo, Laguna provincial police director, agad dinala sa isang ospital sa San Pablo City ang sugatang si Berris makaraan dakong 5 p.m. sa Brgy. Imok, Calauan. Ngunit …

Read More »

Lim inendoso ni Aquino

SA dalawang pangalan lang dapat ipagkatiwala ng mga Manilenyo ang poder ng lungsod, kina Alfredo Lim at Atong Asilo. Ganito inendoso ni Pangulong Benigno Aquino III ang kandidatura ng tambalang Lim-Asilo na pambato ng Liberal Party sa Maynila sa proclamation rally na ginanap sa Plaza Miranda, Quiapo kagabi. Binigyang-diin ng Pangulo na ang Plaza Miranda ay isang sagradong lugar para …

Read More »

10 taon kulong vs LLDA chief

HINATULAN ng Sandiganbayan ng anim hanggang 10 taon pagkakakulong si Presidential Adviser for Environmental Protection at Laguna Lake Development Authority (LLDA) General Manager Neric Acosta. Ito’y makaraan mapatunayang guilty sa isang kaso ng katiwalian si Acosta kasama ang kanyang ina na si dating Manolo Fortich Mayor Maria Socorro Acosta ng Bukidnon. Nag-ugat ang kaso kaugnay sa sinasabing maanomalyang paggamit sa …

Read More »

 5 nalunod sa beach sa Negros Occ. (Trahedya sa Easter Sunday)

BACOLOD CITY –Lima katao ang nalunod sa isang beach resort sa Hinigaran, Negros Occidental, kasabay ng selebrasyon ng Easter Sunday. Kinilala ni SN2 Jeron Maloto ng Philippine Coast Guard ang mga nalunod na sina Mary Jane Tabligan Desucos, 49, ng Doña Juliana Subd. Lungsod ng Bacolod; Kian Tabligan Betilla at Nica Betilla ng Brgy. Singcang, Bacolod City; Jane Rose Tabligan, …

Read More »

18 patay, 64 sugatan sa Lenten break — NDRRMC

UMABOT sa 18 katao ang bilang ng mga namatay habang 64 ang naitalang sugatan sa kasagsagan nang mahabang bakasyon nitong Semana Sanata. Ayon ito sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management council dakong 6 a.m. kahapon. Natukoy sa kanilang talaan na karamihan sa mga namatay kasabay sa pagdiriwang ng Holy Week ay dahil sa pagkalunod. Habang karamihan sa …

Read More »

Kelot nagbigti sa selos (Dyowa dumalaw sa ex-BF)

NAGBIGTI ang isang 38-anyos lalaki nitong Linggo dahil sa matinding selos nang dalawin ng kanyang kinakasama ang dating kasintahan sa Pasay City Jail. Kinilala ni Pasay City Police chief, Senior Supt. Joel Doria ang biktimang si Erwin Delfin, walang trabaho, ng 150 Road 4, Pildera2 ng siyudad. Sa pagsisiyasat ni PO3 Mario Golondrina, natagpuan ang nakabigting biktima ng kanyang 9-anyos …

Read More »

Climate change responsibilidad ng lahat

BUNSOD ng kabiguan ng gobyerno na tugunan ng komprehensibong national policy ang hinggil sa posibleng  panganib na maaaring idulot ng climate change, ang mga rehiyon, lalawigan at munisipalidad ay dapat na ring kumilos para mapigilan ang destructive phenomenon, ayon kay Gonzalo Catan, Jr., inventor/businessman, executive vice president ng Mapecon Green Charcoal Philippines. Kailangan nang kumilos, ayon kay Catan, upang mapahupa …

Read More »

5-anyos totoy patay sa bumagsak na scaffolding

PATAY ang isang 5-anyos batang lalaki makaraan mabagsakan ng scaffolding habang naglalaro kasama ng kanyang mga kaibigan sa Sta. Cruz, Maynila  kamakalawa. Nagawa pang itakbo sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Amir Butuan ng 307 Rizal Avenue Ext., Sta. Cruz, Maynila ngunit binawian ng buhay bunsod nang pagkabasag ng bungo. Habang inaresto ng mga pulis ang itinurong …

Read More »

TESDA Man inendoso ni Miriam

NANINIWALA si TESDAMAN Joel Villanueva na ang rock star appeal ni presidential candidate Sen. Miriam Defensor-Santiago ay malaking tulong sa kanyang kandidatura upang lalong mapalakas ang kanyang tsansa na manalo sa senatorial elections sa May 9 matapos siyang iendoso ng mambabatas. “Senator Miriam Is no doubt a rock star politician, especially among the youth. The hope is that some of …

Read More »

P.3-B shabu nasakote sa 3 intsik at 3 pinoy (Sa Pasay at QC)

UMABOT sa P.3 bilyon halaga ng shabu ang nasakote ng mga awtoridad mula sa tatlong Chinese national at tatlong Filipino sa magkakahiwalay na operasyon sa Pasay City at Quezon City. Sa Pasay City kahapon ng umaga, nakompiska ng mga tauhan ng District Anti-Illegal Drugs-Special Operation Unit (DAID-SOU) ng Southern Police District (SPD) ang 42 kilo ng high grade shabu na nagkakahalaga …

Read More »